LIRAhan: Baltazar, ngayong Abril 16 na


lirabal.jpg

Kilala mo ba si Baltazar? Paano ka magpupugay sa kanya? Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang “LIRAhan: Baltazar.” Samahan ang mga makata ng LIRA sa isang gabi ng tula at musika para sa makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar sa ika-16 ng Abril, 2013, Martes, 7 hanggang 9 ng gabi, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon. 


Tampok ang Balagtasan nila Vim Nadera, Ralph Lorenz Fonte, at Michael M. Coroza.


Magbabasa sina Phillip Kimpo, Ina Abuan, Debbie Nieto, Giancarlo Abrahan, Louie Jon Sanchez, Roy Cagalingan, Christa I. De La Cruz, Largo Labor, Dax Cutab, James Tana, Rae Rival, Joel Donato Jacob, Karl Orit, Jacob Dominguez, at marami pang iba.

Kasama rin ang ilang kasapi ng Thomasian Writers Guild at Malate Literary Folio.

May natatanging pagtatanghal mula kay Rizza Cabrera.

Ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Ito ay libre at bukas sa publiko. Makipag-ugnayan lamang kay Rae Rival (09057819309).

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *