Sumali sa libreng pantas-aral sa pagsulat/paggawa ng pelikula sa Quezon City


pelikula.jpg

Hilig mo ba ang magsalaysay ng mga bagay – bagay o di kaya naman, may mga kuwentong nais maisulat, mahubog at mapaunlad habang naghahanap ng makabagong kaalaman upang mailarawan at maibahagi ito sa isang masining at nakawiwiling paraan?

Ano pang hinihintay ninyo? Tara, makibahagi na! Sulitin ang pagkakataon at gawing makabuluhan ang mga nalalabing araw ng tag- araw. Halina’t matuto at maglibang habang nililinang at pinagyayaman ang talento’t kakayahansa ikaapat na taon ng palihang mag-uugat sa pagsusulat ng kuwentong may kaugnayan sa katagang “Silangan”.

Sulyap:

Pagsilip sa Paggawa ng Pelikula : Isang libreng pantas- aral sa pagsulat at paggawa ng pelikula (free filmmaking workshop) para sa mga mag- aaral man sa hayskul o kolehiyo at maging propesyunal, may edad 15 pataas, sa ika- 25 at 26 ng Mayo, Sabado at Linggo at ika- 8 ng Hunyo 2013, Sabado, Lungsod Quezon

PARA SA MGA NAGNANAIS MAGPATALA:

Narito ang link ng talaan sa paglahok (application form)
https://docs.google.com/forms/d/1FCHYQgVZFkeDHNxT_0-zWUGa6GQ1nL6zXaK3qyMrAAI/viewform

Ang HULING ARAW ng PAGPAPATALA ay sa ika- 10 ng MAYO 2013, Biyernes.

Para naman sa mga katanungan at karagdagang kaalaman: Mangyari lang na makipag- ugnayan kay Bb. Kate Villaflor sa pamamagitan ng email: maskay_project@yahoo.com/ malayangsiningkayumanggi@gmail.com

Paalala:

– Ang “Free Workshop” ay may nakatakdang bilang lamang ng kalahok. (Limited slot only)

– Siguraduhing nabasa at nasagutan ng maiigi ang talaan ng paglahok (application form).

– Huwag kalilimutan na bukod sa talaan ay may buod ng kuwento (synopsis) kayong ipapasa at dapat ito’y may kaugnayan sa salitang ‘SILANGAN’.

– Ang lahat ng mapipiling kalahok ay makatatanggap ng confirmation email/ text matapos ang huling araw ng pagpapatala. Mangyari lamang na magpadala kayo ng katugunan.

– Sa lahat ng mapipili, kung maari  ay siguraduhing matatapos ninyo an palihan at ang talakdaan ng mga gawain ay aayon sa inyong oras at araw. Sa pagkakataong hindi aayon sa inyong talakdaan (schedule), mangyari lamang na ipaalam agad upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang nagnanais makasali. 

 

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *