Kilapsaw: Tubig at Alaala, isang photopoetry exhibit sa Conspiracy


kilapsaw.jpg

Bago ang LIRAHAN sa Enero 21, magkakaroon muna ng isang photopoetry exhibit sa Enero 13 sa Conspiracy Garden Cafe ang ilang mga kaibigan sa panitikan at sining.

Tunghayan ang mga litrato nila Mar Anthony Dela Cruz, Rita Dela Cruz, Wennielyn Fajilan, Jo Lontoc, Karl Orit, Haidee Pineda, Arlyn P. Romualdo, Beverly Wico Siy-Verzo at Ronald Verzo na kuha sa iba’t ibang lugar at panahon.

Kasama ang mga tula nila RR Cagalingan, Paul Castillo, Faye Cura, Joselito D. Delos Reyes, Uzi Eliserio, Eugene Evasco, Jing Garcia Zorilla- at Kim Sony Mendoza, upang bigyan nang kani-kanilang pakahulugan ang mga litratong tampok.

Ang mga litrato ay ipinagbibili sa halagang Php 1,000 bawat isa at ang makakalap na salapi ay magsisilbing donasyon ng aming grupo para sa mga survivors ng bagyong Yolanda.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *