“Byaheng Panulat” gaganapin sa PUP


pup.png

Sa July 24, 2014  ilulunsad sa PUP ang isa sa pinakamalaking literary event ng taon ang ang “Biyaheng Panulat.”

Ano ang Biyaheng Panulat?
…isang Education Campaign tungkol sa halaga ng pagbabasa ng mga libro at pagsusulat ng fiction mula sa pangunguna ng mga premyado at respetadong manunulat ngayon ng fiction sa Pilipinas gaya nila Eros Atalia, Ricky Lee, Manix Abrera, Bob Ong at Jun Cruz Reyes. Layon nitong makapagturo sa mga kabataan tungkol sa:

1. Bakit natin kailangan magsulat?
2. Paano ba magsulat?
3. Paano magturo ng pagsusulat?
4. Paano magpahalaga sa panulat? (literary criticism at literary theory)

Sino ang maaaring sumali…

Mga guro, kabataang manunulat, researcher, scholar at mag-aaral ng panitikan sa iba’t kolehiyo at unibersidad ang pangunahing target audience ng proyektong ito
Saan gaganapin 

6/F South Wing, 
Claro M. Recto Hall, PUP-Manila
1:00 PM – 5:00 PM

Ang Biyaheng Panulat ay pangungunahan ng Center for Creative Writing ng PUP,  para sa mga update tungkol sa naturang event, i-like na lamang ang Facebook page ng opisina:

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *