Panawagan para sa submisyon para sa Tara sa Gitna


10748983_4700860174985_1430076469_n.jpg

PANUNTUNAN SA PAGPAPASA:

Ang paksa ng nasabing antolohiya ay hinggil sa lalawigan ng Quezon (Mga Pagdiriwang, Pista, mga gawi, tradisyon, kulturang isinasagawa, mga tinig at musika ng pagsasaka, mga putaheng inihahain, mga usapan sa bawat pagtagay, mga tanawin at pasyalan, mga kasaysayan at iba pa na natutungkol sa lalawigan)

Bukas ang antolohiya para sa mga tula, sanaysay, dagli, maikling kuwento (hindi hihigit sa 2000 salita) at isahang yugtong dula na maaring nasa anyo ng kumbensyunal, experimental at radikal. May kalayaan ang manunulat sa magiging porma at isktraktura ng akda ngunit dapat hindi ito lalabas sa paksa at mananatili ang sensibilidad ng lalawigan (punto (accent) ng wika bilang isang indikasyon ng kakanyahan o kaakuhan ng lalawigan, ang diskurso at iba pa.) na nasa wikang Filipino.

Ang mga akdang ipapasa ay maaring nailimbag na, nagwagi sa patimpalak o naging bahagi ng antolohiya o koleksyon ngunit may permiso ng tagapaglathala.

Maaring magpasa o ipadala ang inyong akda sa tarasagitna@gmail.com hanggang ika-14 ng Nobyembre, 2014.

Para sa iba pang detalye maaring kontakin: 09184918993 o 09177438526.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *