Gawad Dangal ni Balagtas 2015


gawaddangal.png

Ang Gawad Dangal ni Balagtas 2015, isang parangal para sa mga huwarang manunulat sa Filipino. 

Kumikilala sa mataas na ambag sa panitikan, ang Dangal ni Balagtas ay iginagawad sa mga institusyon na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Filipinas at/o manunulat at alagad ng sining na nakalikha ng mga akdang nag-iiwan ng bakás o humahawi ng landas sa larangan ng pagsusulat. Pangunahing konsiderasyon ang pagpapamalas ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang wikang panrehiyon o panlalawigan. Isinasaalang-alang din ang mga nalathalang aklat at iba pang akda na pawang kinikilala sa angkin nitong husay, lawak, at lalim, alinsunod sa matalisik na pagtanaw ng mga kritiko at pangkalahatang publiko.

Basahin ang kalakip na graphic para sa mga panuntunan.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *