PRS 8 tumatanggap na ng lahok


8sikat.png

Bukas na sa pagtanggap ng lahok ang ika-8 Palihang Rogelio Sicat, pambansang palihan sa malikhaing pagsulat sa Filipino.

Gaganapin ang PRS 8 ngayong taon sa University of Makati mula ika-3 hanggang ika-7 ng Hunyo.

Alin man sa mga sumusunod ang maaaring isumite: limang (5) tula, o dalawang (2) maikling kuwento (10-15 pp bawat isa), o dalawang (2) kuwentong pambata, o limang (5) dagli, o dalawang (2) malikhaing sanaysay (10-15 pp). Maglakip ng maikling tala sa sarili na may contact number at retratong may kulay. Ang lahat ng lahok ay nakasulat sa Pambansang Wika; 12pts Arial, double space, 8 ½ X 11.

Ipadala ang lahok sa palihangrogeliosicat8@gmail.com bago matapos ang ika-15 ng Mayo.

Pangungunahan ng Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera, Efren Abueg, at Ricky Lee ang kaguruan ng mga batikang manunulat sa Filipino na magsasanay sa 15 mapipiling manunulat.

Ang PRS ay itinataguyod ng Departamentong Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman at katuwang ang University of Makati sa taong ito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *