Mula sa mahigit 120 lumahok, napili na ang 15 magsasanay na manunulat para sa ika-8 Palihang Rogelio Sicat.

Sa ikalawang pagkakataon, isang Pilipinong nakabase sa ibang bansa ang makalalahok sa pambansang palihan sa malikhaing pagsulat. Ito ay si Manuelita Contreras-Cabrera ng Singapore.

Ang iba pa ay, para sa Tula: Darren Bendanillo (Zamboanga City); Christian Buendia (Cabuyao, Laguna); Danilo Diaz (Angono, Rizal); Vanessa Haro (Lucban, Quezon); Ivan Emil Labayne (Baguio City); Rex Nepomoceno (Marinduque)
Sanaysay: Mikka Cabangon (Macalelon, Quezon)

Maikling Kuwento: Norman Tagudinay Darap (Iloilo); Yvonne Charisse B. Gamis (Lucena City); Aris Remollino (Sta. Rosa, Laguna); Eric John Villena (Cagayan de Oro City)

Para sa Kuwentong Pambata: Mark Norman S. Boquiren (Caloocan City); Manuelita Contreras-Cabrera

Dagli: Mikael Rabara Gallego (Ilocos Sur); Mary Angelica Reginaldo (Quezon City)

Gaganapin ang PRS 8 sa University of Makati, 3 – 7 Hunyo 2015. Ang ilan sa magiging bahagi ng kaguruan ay sina Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera, Efren Abueg, Ricardo Lee, Lilia Quindoza-Santiago, Bonifacio Ilagan, Eros Atalia, Mark Angeles at Ferdinand Jarin.

Si Jack Alvarez, nakabase sa Saudi Arabia, ang unang Pilipinong nakabase sa ibang bansa na nakalahok sa PRS. Kalalabas ng kanyang unang aklat ng mga dagli, Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga.