Kataga-Lucena tumatanggap ng aplikante sa malikhaing pagsulat


12375542_10206096311070395_71726929_o.jpg

Malugod na tumatanggap ang KaLuPa ng mga aplikanteng nais sumailalim sa pag-aaral ng panitikan at palihan ng pagsulat. Bukas ang samahan para sa aplikasyon ng mga mag-aaral o nagtratrabaho – residente ng lungsod ng Lucena o kalapit na bayan sa lalawigan ng Quezon.

Ipadala ang alinman sa mga sumusunod: Tula (5), Tulang Pambata (5), Maikling Kuwento (2), Maikling Kuwentong Pambata (2), Dagli (2), Malikhaing Sanaysay (2), o Dula (1).
 

Maglakip ng mailing tala sa sarili, retratong may kulay, at contact number. Ipadala ang aplikasyon sa tagaanglucena2015@gmail.com.
 
Ang Kataga – Lucena ay sangay na binubuo ng dalawang samahan. Sa panig ng Kataga – Lucena (Panitik) o KaLuPa, lumilikha sila ng mga makabuluhang akda mula sa katotohanan at karanasan ng lipunan bilang kanilang ambag sa pagsulong ng lipunang ito; samantalang pinaninindigan ng Kataga – Lucena (Tanghal) o KaLuTang ang pagtatanghal ng mga akda bilang bahagi ng pagiging manggagawang pangkultura. Patuloy ang pagpatatag ng iba pang sangay ng nasabing samahan: Kataga-Manila, Kataga-QC, at Kataga-Online.
 
 
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *