Dinsulan: Usapang Pampanitikan sa Enero 21-23 na


12483535_10206206061494087_620289682_n.jpg

Gaganapin ang Dinsulan: Usapang Pampanitikan sa ika-21 hanggang ika-23 ng Enero 2016 sa AEC Little Theater, Manuel S. Enverga University Foundation, Lucena City, Quezon. Magsisimula ito nang 9 n.u. hanggang 4 n.h. Ang pagtitipong ito ay proyekto ng Kataga-Lucena (Panitik at Tanghal) sa pakikipagtulungan ng Mass Communication Society ng nasabing pamantasan. Dahil napapansing may lumalawak na interes sa pagsusulat at pag-aaral ng panitikan ang marami sa bayan ng Lucena at sa karatig nitong mga bayan, isang mainam na pagtugon sa ganitong hamon sa kasapian ang pagsasagawa ng isang forum para sa mga nag-aaral, nagtratrabaho, o sa sinumang nais makibahagi sa ganitong uri ng talakayan. Layon ng proyektong itong lalo pang linangin ang sining at panitikan ng Quezon. Kaya’t tatangkain ng Kataga – Lucena (Panitik at Tanghal) ang magpasinaya ng usapang pampanitikan nang may pagtalakay sa iba’t ibang genre ng panitikan kaugnay ng lipunan. Isa rin itong hakbang para unti-unting makapagpakilala pa ang samahan sa larang ng pagsusulat at patuturo ng panitikan.

Kabilang sa mga tagapagsalita sina Ferdinand Pisigan Jarin, Mark Angeles, Alvin Capili Ursua, Marco Antonio Rodas, at Reuel Molina Aguila.

Registration Fee: P300 Para sa iba pang detalye, maaaring kontakin sina Yvonne Charisse Gamis (0923-1987-017) at Keanu Rairata (0923-1915-969)

Ang Kataga – Lucena ay sangay na binubuo ng dalawang samahan. Sa panig ng Kataga – Lucena (Panitik) o KaLuPa, lumilikha sila ng mga makabuluhang akda mula sa katotohanan at karanasan ng lipunan bilang kanilang ambag sa pagsulong ng lipunang ito; samantalang pinaninindigan ng Kataga – Lucena (Tanghal) o KaLuTang ang pagtatanghal ng mga akda bilang bahagi ng pagiging manggagawang pangkultura. Patuloy ang pagpatatag ng iba pang sangay ng nasabing samahan: Kataga-Manila, Kataga-QC, at Kataga-Online.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *