Dulaang UP inihahandog ang Tisoy Brown: Hari ng Wala ngayong Pebrero


1397098_794553633989951_8317435681814011828_o.jpg

Mula sa panulat ng batikang mandudula na si Rody Vera, inihahandog ng Dulaang UP ang Tisoy Brown: Hari ng Wala, halaw sa Peer Gynt ni Henrik Ibsen.

Kawangis ng pakikipagsapalaran ni Peer Gynt sa mahiwagang mundo ng Noruega, tunghayan si Tisoy Brown sa kanyang paglalayag sa laot ng dagat, pagbagtas sa kasukalan ng gubat, paglipad sa himpapawid, at pakikipagdaupang-palad sa mga nilalang na pawang tauhan ng mga bantog na kwentong-bayan ng ating mayamang kulturang Pilipino.

Pinagbibidahan nina Neil Ryan Sese, Paolo O’Hara, Peewee O’Hara, Delphine Buencamino, Melvin Lee, Skyzx Labastilla, Bong Cabrera, Wenah Nagales, Martha Comia, Tarek El Tayech, Francis Matheu, Brian Tibayan, Steven Conde, Arvin Trinidad, Eshei Mesina, Sheryll Ceasico, Paul Cedrick Juan at ang buong Dulaang UP ensemble, magbubukas ang kamangha-manghang mundo ni Tisoy Brown sa 10 Pebrero hanggang 28 Pebrero.

Bahagi ng pangkat artistiko ay sina Lex Marcos at Io Balanon (Disenyong ng entablado), Sir Anril Tiatco, Jem Javier, Bryan Viray, Juan Ysmael Mendoza at Paulo Amascual (Dramaturhiya), Carlo Pagunaling at Leeroy New (Disenyong ng Kasuotan), Barbie Tan-Tiongco (Disenyo ng Ilaw), Sigmund Pecho (Disenyo ng Papet ), JM Cabling (Disenyo ng Galaw), Teresa Barrozo at Ricardo Lorenzo (Disenyo ng Tunog at Musika).

Ang Tisoy Brown: Hari ng Wala, na bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 taon ng Dulaang UP, ay sa direksyon ni José Estrella. Ito rin ay bahagi ng UP Diliman Month 2016: Panahon ng Luwalhati.

TISOY BROWN: HARI NG WALA
Based on Henrik Ibsen’s Peer Gynt
Adaptation: Rody Vera 
Direction: José Estrella

February 10 – 28, 2016
Wilfrido Ma. Guerrero Theater, 2/F Palma Hall, UP Diliman, Quezon City

Photography: Ocs Alvarez 
Art Direction: Ed Lacson Jr.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa opisina ng Dulaang UP sa numenro 9261349/ 4337840/ 9818500 lokal 2449.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *