Ikalawang nobela ni Rhod V. Nuncio ilulunsad sa DLSU


12584239_10208550674623271_455123646_n.jpg

Inihahandog ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center, Departamento ng Filipino ng DLSU at Likhaan UP Institute of Creative Writing sa pakikipagtulungan ng Flipside Publishing at Central Books ang lunsad-aklat ng ikalawang nobela ni Rhod V. Nuncio—ang Omnibus at ang misteryo ng nawawalang ulo. Gaganapin ito sa EDC, 13F, Henry Sy Sr. Hall, sa Pebrero 27, 2016 (Sabado), 11:30 n.u. – 2:00 n.h.

“Sa bagong pakikipagsapalaran ni Arvin Villa, nakatanggap siya ng regalong mga aklat mula sa kanyang kasintahang si Lizelle. Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan kasama sa kahon ng mga aklat ang isang pugot na ulo na lubos na ikinagulat at ikinabahala ni Arvin. Samantala sa Palasyo ng Malacanañang ay biglang naglahong parang bula ang Pangulo ng Filipinas na si Fomoy. Labis na ipinag-alala ng malalapit na kaibigan niya nang maisip nilang baka kinidnap ang Pangulo. 

Sa tulong ng isang matalino, maganda, makulit at palabang babaeng kongresista na si Rep. Jennilynne Solisidad na nagkataon ding kasintahan ng Pangulo ng bansa, napadpad sila ni Arvin sa National Historical Commission, Fernando Air Base, Abbey of Our Lady of Montserrat hanggang sa CCP Complex upang tuklasin ang katotohanan sa likod ng Omnibus Code. Sa kasagsagan ng kanilang paghahanap ng kasagutan, lumitaw ang recipe ni Quezon, ang tungkol sa nawawalang labi ni Bonifacio, ang larawan ng Hong Kong Junta at ang medalyon ng San Benito. Ano ang kinalaman ng mga ito sa misteryosong pagkatao ni Orlando Iniego? Paano maililigtas ni Arvin si Lizelle sa bingit ng kapahamakan?

Habang masalimuot na nagaganap ang mga kahindik-hindik na pangyayari sa politika ng bansa, naghahanda rin ang Filipinas sa krisis na nilikha ng maligalig na pinuno at militar ng isang karatig-bansa.”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *