Ang Abril ay Buwan ng Panitikan ng Filipinas The National Commission for Culture and the Arts (NCCA), led by its […]

BAYAN-BAYANAN:  Antolohiya ng mga Katha sa Lunan ng Gunita
Mga editor: Rolando B. Tolentino at Rommel B. Rodriguez

Ang ika-anim naming antolohiya ng kolaborasyon sa pagtipon ng mga kathang Filipino ay nakatuon ngayon sa mga kathang pumapaksa sa kinalakihan lugar.  Maaaring tungkol sa isang  bayan ng isang probinsiya, o kaya’y komunidad sa lunsod.  Gamit na lunsaran ng naratibo ang kinalakihang lugar, nagiging daan ang katha sa malikhaing pagbalik-tanaw dito upang magkaroon ng higit na pag-unawa sa nakaraan at kasalukuyan. Higit pa, inaasahang mailulunsad ng malikhaing akda ang pagbuo ng malikhaing kasaysayan ng pinapaksang lugar gamit ang personal na alaala’t gunita tungkol dito. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng tagisan at pag-uugnay ang realidad at ang imahinasyon ng manunulat upang maging buo ang pag-unawa natin sa lipunan at kasaysayan.