3in1 para sa TAYSAN


13020346_10209108764980322_1721388917_n.jpg

Ang “3in1 para sa TAYSAN” ay isang Fund Raising Cultural Event para sa agarang pagpapalaya sa mga bilanggong politikal na TAYSAN 3. Makiisa at tunghayan ang isang gabi ng mga awitin at kultural na pagtatanghal ng mga musikero’t artista, art raffle ng mga likhang obra ng mga sikat at kontemporaryong visual artists, at lugawan. Layunin ng aktibidad na makalikom ng sapat na pondo para sa piyansa ng TAYSAN 3 na umaabot sa halagang P2.124 milyon. Binubuo ang TAYSAN 3 nina Maricon Montajes, isang kabataang estudyante ng UP Diliman, Rommiel Canete at Ronilo Baes, mga kabataang aktibista at organisador ng mga magsasaka sa Batangas na anim na taong ng nakapiit sa Batangas Provincial Jail. Ilan sa mga visual artist na mag-aambag ng kanilang mga obrang isasama sa art raffle ay sina Niel Doloricon, Manolo Sicat, Yason Banal, Roehl Jamon, Joey Tanedo ,Bryan Quesada ,Ruben de Jesus, Ninel Constantino, Renan Saliva, Reuel Aguila, Dean Doy Rosete, Carlo de Laza, Cesar Hernando, Chong Ardivilla at Nikki Luna. Matutunghayan din ang pagtatanghal ng TUBAW, Musikang Bayan, at nina Jessa Gabon, Ferdinand Jarin, Jess Santiago at Addie Saliva. Itinataguyod ang proyektong ito ng Task Force Free the Artist, Task Force FrEEDOM, All UP Workers Alliance, CONTEND-UP, College of Fine Arts, College of Mass Communication, Samahan ng mga Manininda sa UP Diliman, KARAPATAN, Pi Sigma Fraternity, kasama ang mga guro at estudyante ng UP Diliman, at mga indibidwal na nagtataguyod at nagsusulong ng karapatang pantao sa Pilipinas. Nagkakahalaga ang mga ticket sa Art Raffle ng P1,500.00 at lugawan ng P500.00 (para sa mga guro at kawani) at P300.00 (para sa mga estudyante). Para sa dagdag na impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa 09175915662 o mag- email sa taskforcefreetheartist@gmail.com


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *