Kataga, maglulunsad ng ikalawang antolohiya


kataga.jpg

Inaanyayahan ng Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, ang lahat na dumalo sa lunsad-aklat ng “Kataga II: Antolohiya ng Malikhaing Akda”. Gaganapin ang paglulunsad sa Oktubre 15, 2016, Sabado, ika-apat ng hapon sa College of Fine Arts Auditorium, University of the Philippines – Diliman, Lunsod Quezon. 

Ang Kataga II ay binubuo ng 70 mga tula, maikling kwento, dagli, sanaysay at dula mula sa mga kasapi ng Kataga sa iba’t ibang sangay (Online, Quezon City, Manila, Manila – South, Lucena – Panitik, Lucena – Tanghal at Zambales).

Sina Dr. Reuel Molina-Aguila, Mark Angeles at Fedinand Pesigan-Jarin ang mga editor ng pinakabagong antolohiya mula sa Kataga.

Para sa mga katanungan tungkol sa lunsad-aklat o detalye ng pag-order ng libro, i-like o magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/kataga.lit/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *