Paglulunsad sa nobelang “Toto O” ni Charmaine Lasar


toto_o.png

Inaanyayahan ang lahat sa lunsad-aklat ng “Toto O.” na isinulat ni Charmaine Lasar. Ang nobela ay nagwagi ng unang gantimpala sa nagdaang ika-65 Gawad Palanca. Ang 21 taon gulang na si Lasar ay popular na kilala bilang si “Justmainey” sa Wattpad, kung saan niya nahasa ang kanyang talento sa pagsulat. 

“Pag pinagsama-sama at pinagtahi-tahi ang maliliit na sirkulo ng totoong ito, susurpresahin tayo ng bisa ng mga monumental na pagtingin sa pagmalas sa buhay at pagku-kwento”, sabi ni Eros Atalia sa kanyang introduksiyon sa nobela.

Gaganapin ang paglulunsad sa Oktubre 22, 5:30 p.m., Fully Booked, Bonifacio High Street, Taguig. Ang aklat ay inilimbag ng PageJump Folio.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *