Gracio, Jerry


Jerry Bayoca Gracio, poet, fictionist, and screenwriter, was born in the Tondo district of Manila, but spent his childhood in the small rural village of Nenita in Modragon town, Northern Samar. He studied Malikhaing Pagsulat at the University of the Philippines in Diliman. Among his honors and awards are the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature for poetry, short fiction, and screenplay, three Screenwriter’s Prize from the Film Development Council of the Philippines, and the Poet of the Year Award ( Makata ng Taon 2005) from the Komisyon sa Wikang Filipino. His first book, Apokripos , was awarded the 2006 National Book Award by the Manila Critics Circle and was nominated for the Madrigal-Gonzales Best First Book Award. Gracio is also the winner of the Gawad Likhaan: The University of the Philippines Centennial Literary Prize for his poetry collection Aves . He was the Most Outstanding fellow to the 21 st UP National Writers Workshop. Critics regard Gracio as one of the most distinctive voice in contemporary Filipino poetry. He currently resides in the City of Valenzuela, where he was honored with the Gawad Dr. Pio Valenzuela, the highest award given by the city to its outstanding citizens.

LIST OF WORKS

    • Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig, Ateneo de Naga University Press (forthcoming)
    • Minsan Lang Sila Normal (ed), Philippine Normal University Press, 2012
    • Aves, University of the Philippines Press, 2009
    • Apokripos, University of the Philippines Press, 2006
    • Byahe, Mga Impresyon at Tala (anthology), Oraciones Printworks, 1996

SAMPLE WORKS

Mondragon
(From the forthcoming book: Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig)

Bungto sa pangpang san dagat,/Bayan sa pampang ng dagat,

Ito’n imo hangin akon hinahanap/Ang iyong hangin ang siya kong hanap

Labi kun mapaso. Labi kun mauhaw,/Lalo na’t mainit. At kung nauuhaw,

 

Hingyap ko uminom sa imo burabod;/Nais kong uminom sa ‘yong matang-tubig,

Karuyag lumangoy tikadto sa baybay/Nais kong lumangoy patungo sa baybay

San im’ pagmayuyo. An akon ungara:/Ng ‘yong pagkalinga. Ang aking pangarap:

 

Tumagay sin tubâ kaupod si Tatay,/Tumagay ng tubâ kasama si Tatay,

Mga kasangkayan. Bisan sa harayo,/Mga kaibigan. Kahit na malayo,

Nahihinumdom ko an mga pasakay/Naalala ko yaong kabukiran

 

Nga gintutubuan sin lubi ug paray,/Na tinutubuan ng niyog at palay,

Mga kabukiran nga gin-iistaran/Mga kabundukan na siyang tahanan

Sa akon kasakit, inop, ug kalipay./Ng pananaginip, tuwa’t kalungkutan.

 

Ayaw ak’ kalimti kay diri mabaya/Huwag mong limutin at di ka iiwan

Bisan adi ako sa iba nga tunà./Kahit naririto sa ibang lupain.

Adi ka gad pirmi sa ak’ kasingkasing/Narito kang lagi, sa puso kong hindi

 

Nga di nalilimot sa akon inulnan./Nakaligtaan ang aking inunan.

Kun ako mamatay, iuli ak’ niyo,/Kung ako’y mamatay, ako ay iuwi

Sa ak’ tinikangan sakay sa bulawan/Sa pinagmulan ko sakay sa bulawan

 

Nga galyon nga adto sa San Bernardino—/Na galyon sa kipot ng San Bernardino—

Itabok ak’ tabi ngadto sa Mondragon!/Ako ay itawid tungo sa Mondragon!

 

Tacloban

Mauli ka ha balay kay kinahanglan mahuman an mga nahibilin nga trabaho: mga sururaton nga waray pa katitima, an samok sa kuwarto, an taplak nga di pa nabubunakan hin pira ka adlaw, mga panginanuon nga domestiko. Nahulat an bana nga sige an yakan: Mahal kita. Mahal kita. Ngan ma-atake an mingaw—sigbin nga nasulod ha imo kasingkasing, naaabat mo na ul-ol nga aada ha imo atay; ngan mahihibaruan mo nga nagtitikamingaw an mga kaapi ha imo pasalida, natuok an imo mga siday, mata nga mabaga-baga an imo mga letra nga aada ha papel bisan itum an tinta nga imo gingamit ha pagsurat; ngan mamimiling ka hin mananambal kay karuyag mo nga gumikan na an sigbin nga naukoy ha imo kasingkasing, lugaring kay waray ha Manila an tambal ha imo binabati; asya, makaturog ka ubay an mingaw, mainop hin kahimyang nga nahibilin ha bungto nga imo ginbayaan./ Uuwi ka sa bahay sapagkat kailangang matapos ang mga naiwang trabaho: mga sulatin na di pa naisusulat, ang magulong kuwarto, ang kumot na ilang araw nang hindi nalabhan, mga gawaing domestiko. Naghihintay ang bana na panay ang sabi: Mahal kita. Mahal kita. t aatake ang mingaw—sigbin na papasok sa iyong puso, mararamdaman mo ang kirot na naroon sa iyong atay; at malalaman mong nalulungkot ang mga tauhan sa iyong palabas, umiiyak ang iyong mga tula, namumulang mata ang iyong mga letra na nasa papel kahit itim ang tinta na ginamit mo sa pagsulat; at hahanap ka ng mananambal dahil ibig mong lumayas na ang sigbin na nakatira sa iyong puso, ngunit wala sa Maynila ang gamot sa iyong sakit; kayâ, matutulog ka kasiping ang  mingaw, mananaginip ng himbing na naiwan sa lungsod na iyong nilisan.

 

Tula #46
(From the forthcoming book: Hindi Bagay)

Tumatapang táyo kapag umiibig,

Susuong sa talim ng laksang panganib

Ng sanlibong sundang na nangakaharang

Sa daanang lipos ng ano at bakit.

 

Kahit walang sagot, ating lalanguyin

Ang lawak ng tubig at dilim ng unos;

Huhulihin natin ang kidlat at kulog,

Saká iipunin sa palad ang ulan—

 

At ipaghahandog sa nais kapiling

Kahit hindi alam kung mayro’ng pag-asa;

Sumusugod táyo sa mga labanan

Kahit na maratay sa lumbay ang puso.

 

Dahil tumatapang táyong umiibig,

Umiibig táyo kahit di ibigin.