Paanyaya sa Lunsad-Aklat ng Kataga-Manila sa Kanilang Antolohiyang “Tuwing Umuulan”

0

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa lunsad-aklat ng antolohiyang “Tuwing Umuulan” na gaganapin sa ika-26 ng Mayo, 2018, mula ika-4 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi. Ang lugar ng aktibidad ay sa Club Intramuros Golf Course (Anda Circle, Bonifacio Drive, Intramuros, Manila).

Magkakaroon ng mga pagtatanghal ng mga tula, interpretatibong sayaw, mga espesyal na bilang at iba pang tiyak na aabangan ng mga makadadalo. Darating din upang makiisa at magbigay ng kanyang pananalita ang tagapagtatag at tagapayo ng Kataga na si Dr. Reuel Aguila.

Ang mga manunulat ng Kataga-Manila na kabahagi ng nasabing antolohiya ay sina: Isaac Ali Tapar, Abby Pariente, Mark Angeles, Melody Samaniego-Lee Ng, Princess Liann Quiñones, Rhea Gulin, Evan John Daynos, Wynclef Enerio, Mark Norman Boquiren, Xeus Foja, Eve Antonio, Jasper Lomtong, at Gerome Nicolas Dela Peña.

Ang antolohiyang Tuwing Umuulan ay nagkakahalaga ng ₱180.00 bilang launch price para sa mga makadadalo at makabibili ng aklat sa mismong araw ng paglulunsad nito. Matapos ang nasabing araw, magiging ₱200.00 naman ang regular price ng libro.

Ang Kataga ay samahan ng mga manunulat at artistang nagsusulong at nagpapalaganap ng masining at makabuluhang panitikan at pagtatanghal mula sa karanasan ng lipunan bilang ambag sa pagbabago nito. May pinatatag itong pitong sangay: Kataga-Manila, KatagaManila South, Kataga-Quezon City, Kataga-Lucena (Panitik), Kataga-Lucena (Tanghal), Kataga-Zambales, at Kataga-Online.

Para mga katanungan hinggil sa nasabing lunsad-aklat, tumawag o mag-text lamang kay Ms. Melody Samaniego-Lee Ng sa numerong 09175645034.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here