Panawagan para sa Aplikasyon sa SPMPF ng PUP

2

Ang Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino ay isang taong programa na nabuo sa pagtutulungan ng Center for Creative Writing, Center for Language and Literature Studies, Center for Social History at Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nakatuong higit sa kritikal na sipat sa panitikan at inobatibong praxis sa malikhaing pagsulat sa Filipino. Sinasaklaw nito ang paghahain ng mga kasanayan at pagkatuto sa panitikan at malikhaing pagsulat sa Filipino bilang disiplina na nakatutulong sa paghubog ngkamalayan sa sining, kultura at lipunang Pilipino. Nakasentro ang programa sa mga inobasyon at pagpapaunlad ng pagiging malikhain at pagiging kritikal sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mainam na antas ng pananaliksik at pagsusulat gamit ang wikang Filipino. Ilan sa mga tanyag na manunulat sa Filipino ang magiging guro sa programang ito gaya nina Jun Cruz Reyes, Efren Abueg at Ricky Lee.

MGA MAAARING MAGPASA NG APLIKASYON SA SERTIPIKONG Programa:

  • Mga nagtuturo sa Senior High School ng mga subject na Malikhaing Pagsulat, Creative Non-Fiction at 21st Century Literature from the Philippines and the World at iba pang katulad na subject;
  • Mga nagtuturo sa Junior High School Special Program in the Arts (SPA) na may track na Literary Arts or Creative Writing;
  • Mga nagtapos sa High School/Senior High School na nais pasukin ang career sa malikhaing pagsulat at nais lamang makapag-aral at makatapos sa loob ng isang taon; at
  • Mga practioner sa larang ng pagsulat (scriptwriter sa tv, pelikula, advertisement, radyo, diyaryo, magasin, mga blogger at iba pa) na nais magkaroon ng pormal na pag-aaral sa panitikan at malikhaing pagsulat sa pamamagitan ng sertipikong programa;

MGA KAHINGIAN SA PAGPASOK SA SERTIPIKONG Programa:

  1. Nasagutang Pormularyo ng Aplikasyon
  2. Kung nagtapos ng high school/senior high school, orihinal o certified true copy at 1 xerox copy ng high school card o Form 138 (ito rin ang ipapasa kung nakatuntong ng kolehiyo ngunit hindi nakapagtapos)
  3. Kung nagtapos ng kolehiyo, orihinal o certified true copy at 1 xerox copy ng Transcript of Records (TOR)
  4. Kung nagtapos ng high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS), orihinal o duly authenticated copy at 1 xerox copy ng PEPT/ALS A&E Test Certificate of Rating, certified by the DepEd-NETRC-BALS
  5. Orihinal at 1 xerox copy ng PSA Birth Certificate
  6. 2 piraso ng 2×2 larawan na may puting background (Idikit ang 1 larawan sa Nasagutang Pormularyo ng Aplikasyon)
  7. Halimbawa ng mga orihinal na akda na nasa wikang Filipino (alinman sa mga sumusunod): 3-5 tula, 3-5 dagli, 1-2 maikling kuwento,1-2 sanaysay, 1-2 kuwentong pambata, 1-2 kabanata ng nobela, 1 dula, 1 iskrip sa pelikula o telebisyon, 1-2 pahina ng graphic literature

 

Lahat ng kahingian ay dapat na ilagay sa long brown envelope na may label o nakasulat na: Aplikasyon para Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino at dalhin ng personal o ipadala sa pamamagitan ng koreo sa:

 

Polytechnic University of the Philippines-Main Campus

Institute of Continuing Professional Development (ICPD)

4/F NALLRC Building,

Sta. Mesa, Manila 1016

Tel. no. 335-1777 loc. 274 or 177

 

Mga Mahahalagang Petsang Dapat Tandaan:

Hunyo 8, 2018

Huling araw ng pagpapasa ng Aplikasyon at mga Kahingian

Hunyo 13-15, 2018 (9am-5pm)

Interbyu ng mga Nagpasa ng Aplikasyon

Hunyo 18, 2018

Anunsyo ng mga Tatanggapin sa Sertipikong Programa

Tuwing Sabado lamang ang klase.

Attachments

2 COMMENTS

  1. Matagal na po akong gumradweyt sa high school, noong 1991 pa. Pero di po ako nakapagtapos ng kolehiyo. Di na raw naitago ng nanay ko yung high school card ko. Pwede po ba academic transcript ko na lang sa kolehiyo ang aking isumite sa aplikasyon?

    Salamat po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here