Sarigumba, Che


Bata pa lamang ay kinahiligan na ni Che Sarigumba ang pagbabasa at nangarap na isang araw, makikita niya ang kanyang pangalan sa libro.

Sa edad na twenty-three ay nagkaroon siya ng pagkakataong sumali sa story writing contest ng National Book Development Board at nanalo ng first prize ang kanyang novel entry na “Puso pa rin ang Nagpasiya”.

Isa siyang aktibong miyembro ng grupo ng mga manunulat na itinatag ni National Artist F. Sionil Jose—ang Philippine Center of the International Pen (Poets and Playwrights, Essayist, Novelist).

Nahumaling din siya sa mga tula at pinalad na makapasok sa Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo noong 2010. Isa rin siya sa napiling fellow sa 2018 UP National Writer’s Workshop for mid-career authors.
Naiimbitahan din siyang magturo sa mga unibersidad upang maibahagi ang kanyang kaalaman sa pagsulat at pamamahayag.

Anim na taon na siyang Travel and Lifestyle editor ng Pilipino Mirror at literary reviewer in Filipino sa Philippines Graphic magazine.

Isa sa kanyang mga isinulat na nobela ay ang Puso pa rin ang Nagpasiya na inilimbag ng Vibal Publishing ng taong 2017.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *