Lumikha, Lumaya! Lunsad Aklat ng Susmatanon at Tuligsa

0

Ilulunsad sa Hunyo 8, 2018 4:00nh-6:00nh sa SIKAT Events Venue (likod ng Popular Bookstore), Tomas Morato ang mga aklat nina Ka Edong Sarmiento na Susmatanon: Mga Kuwentong Pambata na inilathala ng UP Sentro ng Wikang Filipino at Tuligsa at iba pang Tula ni Rene Boy Abiva na inilathala naman ng PANTAS Publishing.

Si Ka Edong Sarmiento ay isang bilanggong politikal na kasalukuyang nakakulong sa Maximum Security Unit ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa. Siya ay NDFP consultant ng Eastern Visayas na sinampahan ng mga gawa-gawang kasong kriminal at hinuli noong Pebrero 24, 2009. Ang Susmatanon ang una niyang aklat pambata na isinulat niya habang nakabilanggo.

Si Rene Boy Abiva ay dating bilanggong politikal sa Ifugao District Jail. Kinasuhan siya ng gawa-gawang krimen ng pamamaslang. Ang libro niyang Tuligsa at Iba pang mga Tula ay koleksyon ng kanyang mga tula na naisulat niya habang nasa loob ng kulungan. Napawalang sala siya at tuluyang lumaya noong Agosto 1, 2017.
Ang paglulunsad na ito ay sama-samang sinusuportahan at itinataguyod ng UP Diliman Sentro ng Wikang Filipino, Samahan ng mga Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), HUSTISYA, Concerned Artist of the Philippines (CAP) at First Quarter Storm Movement.

Bukod sa paglulunsad ng dalawang akda, ipapalabas din ang dokumentaryong “Project Poldet” ng Task Force Free the Artist na tungkol sa buhay at pakikibaka ng mga bilanggong politikal sa Ifugao District Jail.

Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Cristina Guevarra sa cristina.giba@gmail.com o sa telepono bilang 0999-3933100.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here