MUTSIKANTAHAN: Musika, Tsikahan, at Kantahan

0

Ilulunsad ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP), Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang “MUTSIKANTAHAN: Musika, Tsikahan, at Kantahan” sa 29 Hunyo 2018, Biyernes, 3:00NH hangang 6:00NG, sa Silid 1201 ng Palma Hall Pavillion 1, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Isa itong fundraising project para kay Dr. Ma. Crisanta Nelmida-Flores (o mas kilala bilang “Marot”), bilang tulong sa pagtustos sa mahabang gamutan ng kaniyang sakit. Magkakaroon ng mga pagtatanghal, kantahan, at tsikahan kasama si Dr. Flores.

Higit 30 taon nang naglilingkod sa Unibersidad si Dr. Flores bilang guro sa DFPP bukod pa sa iba-ibang posisyong administratibo na pinamahalaan niya kasabay ng pagtuturo. Ilan sa pinakahuling posisyon niya ay bilang direktor ng Padayon. Ang kaniyang masayahin at positibong disposisyon ang dahilan kung bakit napakamahal siya ng maraming estudyante, at staff ng bawat opisinang kaniyang pinamahalaan, at gayundin ng iba pang administrador na kaniyang nakasama sa UP. Kaya ang “Mutsikantahan” ay isa ring selebrasyon ng mga taon ng paglilingkod niya sa UP at pagkakaibigan.

Para sa mga nais na dumalo sa nabanggit na okasyon, maaaring tumawag kay Gng. Susan Alcantara sa Tel. blg. 981-8500 lokal 2123, at bumili ng tiket na nagkakahalaga ng PHP500. Ang halagang malilikom ay mapupunta kay Dr. Flores. Bukod dito’y maaari ding deretsong magpaabot ng iba pang pinansiyal na tulong na maaaring iabot mismo kay Dr. Flores.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here