Paanyaya mula sa KATAGA-QC | Daglian 2018

0

Inihahandog ng KATAGA-Quezon City ang DAGLIAN 2018: Palihan sa pagsulat ng Dagli.
Inaanyayahan ang mga manunulat edad 17 pataas na nagnanais magbahagi ng mga kuwentong nasa anyong DAGLI. Sali sa isang araw na pag-aaral at palihan sa darating na Setyembre 23, linggo (8 n.u.-5 n.h.)

Makakasama sa DAGLIAN 2018 ang mga premyadong manunulat at guro ng panitikan na sina G. Erick Dasig Aguilar (Palanca-award winner, makata, mandudula at guro sa UP Visayas), Bb. Christine Lim Magpile (copy editor sa UP Press, mananaysay, kuwentista, at manunulat ng mga textbook), at G. John Toledo (mananaysay at guro sa UP Los Banos) upang ibahagi ang kanilang karanasan sa panulat, at tumulong sa pagpapahusay ng mga manunulat sa sining ng DAGLI.

Paano sumali?

1. Maghanda ng isa hanggang dalawang DAGLI na hindi lalampas sa dalawang pahina. Malaya ang paksa at temang lalamanin ng DAGLI. Lagyan ng pamagat ang ipapasang mga akda.

2. Gumamit ng 12 points, Arial, doubled-spaced, 8.5 x 11 ang sukat ng pahina at may 1” margin sa lahat ng gilid. I-save ito sa .doc o .docx na file gamit.

3. Lakipan ng pangalan, edad, tirahan, email address at contact information (cellphone number) ang inyong ipapasang akda.

4. I-email ito sa daglian2018@gmail.com

Mayroong P500.00 na registration fee ang palihan para sa pagkain, mga materyales ng lektura, sertipiko at literary folio (na ipapamahagi o ipapadala sa Setyembre 29, anibersaryo ng KATAGA).
Para sa karagdagang impormasyon, mag-email lamang sa daglian2018@gmail.com o magtungo sa facebook.com/kataga.lit/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here