Kataga @10: Isang Dekada ng Masining at Makabuluhang Paglikha


Inaanyayahan ang lahat sa pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo ng Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc. sa darating na Setyembre 29, 2018 sa University Hotel, UP Diliman mula 5:00 N.H. hanggang 9:00 N.G.

Itinatag noong 20018, ang Kataga ay binubuo ng kapwa premyado at umuusbong na mga manunulat na nagsusulong ng makabuluhang panitikan at sining. Mayroon itong pitong pinagtibay na sangay – Kataga-Quezon City, Kataga-Manila, Kataga-Manila-South, Kataga-Lucena (Panitikan), Kataga-Lucena (Tanghal), Kataga-Zambales, at Kataga-Online.

Kabilang sa pagdiriwang ang paggawad sa mga nagsipagwagi sa kauna-unahang Gawad Kataga sa Pagsulat ng Dagli, pagpapakilala sa mga unang Halal na Kasapi ng Kataga, at paglulunsad-aklat ni Dr. Reuel Molina Aguila, at ng samahan.

Bukas ang imbitasyon sa lahat ng interesado sa sining at panitikan!

#KATAGAIsangDekada


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *