Panawagan sa Pagtanggap ng Akda para sa ika-34 Gawad Ustetika

Ang Gawad Ustetika ay ang taunan at pinakamatagal na patimpalak pampanitikan sa kolehiyo sa bansa. Itinataguyod ito ng Varsitarian, ang opisyal na pahayagang pang-mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas.

 

Sa ika-34 taon ng Gawad Ustetika, inaanyayahan ang mga manunulat na patuloy na ipagdiwang at itanghal ang panitikang Tomasino!

 

Narito ang mga madalas itanong hinggil sa pagsali sa Gawad Ustetika:

 

  1. Sino-sino ang maaaring lumahok sa ika-34 Gawad Ustetika?

> Maaaring lumahok sa ika-34 Gawad Ustetika ang lahat ng kolehiyong Tomasino na naka-enroll sa mga programang batsilyer o graduwado ng Unibersidad sa una at ikalawang semestre ng akademikong taong 2018-2019.

 

  1. Maaari ba akong magpasa ng akdang naparangalan na?

> Ang mga akdang hindi pa naililimbang ang maaari lamang ipasa. Hindi rin maaaring ilahok ang mga akdang nagwagi na sa ibang patimpalak pampanitikan sa loob o labas ng bansa.

 

  1. Ano-ano ang mga kategoryang maaari kong lahukan?

> Tatanggapin ang mga akdang nakasulat sa Ingles o Filipino. Bukas ito sa mga kategoryang Tula, Katha, Sanaysay, Poetry, Fiction, Essay, at Dulang May Isang Yugto/One-Act Play.

 

  1. Maaari ba akong magpasa ng higit sa isang piyesa sa partikular na kategorya?

> Hindi, ngunit maaaring magpasa ng iba pang akda sa ibang kategorya. Limitado naman sa iisang piyesa lamang ang maaaring ipasa sa kategoryang Dulang May Isang Yugto/One-Act Play.

 

  1. Mayroon bang limitasyon sa pahina ang mga nasabing kategorya?

> Mayroon. Limitado lamang sa 12 pahina ang Katha, Sanaysay, Fiction, at Essay, habang ang mga lahok na akda sa Dulang May Isang Yugto/One-Act Play limitado naman sa 15 pahina. Kinakailangan namang koleksiyon ng lima (5) hanggang sampung (10) tula na may kahit anong haba ang mga lahok para sa Poetry at Tula.

 

  1. Kinakailangan ko bang gumamit ng alyas o pen name?

> Oo, sapagkat blind screening ang magiging proseso. Sa entry form lamang kinakailangang isulat ang tunay na pangalan ng may-akda. Maaaring ma-disqualify ang mga mapag-aalamang nagsulat ng pangalan sa ipinasang akda.

 

  1. Ano ang dapat kong ilagay sa brown envelope?

> Ilakip sa isang brown envelope ang mga sumusunod: apat na photocopy at isang orihinal na kopya ng akdang makinilyado (Time New Roman, size 12, double-spaced), kopya ng akdang nakalagay sa isang CD (MS Word at PDF format), natapos na application form, kopya ng registration form ng kalahok at certification of originality na nilagdaan ng dalawang propesor sa Ingles o Filipino.

 

  1. Kailangan ko bang maghanda ng isa pang brown envelope sakaling nais kong magpasa sa isa pang kategorya?

> Oo, kinakailangang ilagay sa magkahiwalay na envelope ang bawat akda at mga hinihinging requirements.

 

  1. Saan ako makakakuha ng application forms?

> Maaaring kumuha sa tanggapan ng The Varsitarian, Room 105 ng Tan Yan Kee Student Center. Mayroon din itong kopya na maaaring i-download sa https://bit.ly/2ENLLfp.

 

  1. Saan ko dapat ipasa ang akda at iba pang requirements?

> Ipasa ang mga akda sa opisina ng The Varsitarian, Room 105 ng Tan Yan Kee Student Center hanggang ika-26 ng Enero, 2019, 9 p.m.

 

Para sa iba pang mga katanungan at detalye, tawagan sina Alyssa Gonzales (0949 670 7485) at Francis Braganza (0939 193 0391), o ang tanggapan ng Varsitarian sa 406-1611 loc. 8235.

Rappler | Poet Tita Lacambra Ayala dies

By FRANK CIMATU

BAGUIO, Philippines – “Paalam Nay…10:37” was all musician Joey Ayala wrote on Facebook, and the Filipino literati understood.

Tita Lacambra Ayala, the poet much loved from Ilocos Norte to Davao City, died at 10:37 pm Wednesday, January 9, while combatting pneumonia in Davao City. She just turned 88 last January 2.

She is the mother of Joey Ayala, singer Cynthia Alexander, healer Laura Isabel, and poet Fernando.

Tita founded the Davao Writers Guild and recently edited their Davao Harvest 3. She was also behind the famous Road Map Series, which showcased Mindanao writings for 30 years.

She was born in Sarrat, Ilocos Norte, and finished Education at the University of the Philippines Diliman. She settled in Baguio before moving to Davao with husband Jose V. Ayala, a painter.

Tita Lacambra Ayala published Sunflower Poems (Filipino Signatures, Manila, 1960), Ordinary Poems (Erehwon Publishing, Manila, 1969), Adventures of a Professional Amateur (UP Press, 1999), and Friends and Camels in a Time of Olives (UP Press, 1999.)

Among her awards were the Gawad Balagtas for Poetry in English (1991), Manila Critics Circle Special Citation for Road Map Series (1989), Philippine Free Press Awardee for Short Story (1970, 3rd Prize), Focus Philippines Poetry Awardee, and National Fellow for Poetry, UP Creative Writing Center (1994-1995).

In a post on his Facebook page, Joey Ayala thanked the public for their prayers and condolences. He also said that they are planning an unconventional memorial for their mom.

Napakarami niyang na-inspire na creativity dito sa Davao at sa kung saan-saang sulok ng mundo so baka hindi rin gaanong conventional ang mangyayari,” he said.

(She inspired so much creativity here in Davao and in all corners of the world, so what happens may not be that conventional.)

“We will let you know where and when you can visit and say a formal Farewell in the next couple of days. Meanwhile, here’s to Artful Living, an Art-filled Life, and a Life of Artistic Creation. Padayon!”

 

Originally published by Rappler on Jan. 10, 2019 with url https://www.rappler.com/life-and-style/arts-and-culture/220648-poet-tita-lacambra-ayala-dies

Araw-araw, Gabi-gabi: Mga Literary Zine sa ARTS 1 ng UPLB (2018)

 

Paano ba nararanasan ang umaga, hapon, at gabi sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB)?

Ipinakikilala ang mga zine na sinasagot ang mga tanong na ito. Likha ito ng mga estudyante ng UPLB mula sa klase ng ARTS 1. Bunga ng eksperimentasyon at kumbensiyon ang mga zine na mababasa ninyo dito.

Nagmula ang lahat sa isang proyekto ng paglilitrato na pumapaksa sa mga eksena, hitsura, hugis, at iba’t iba pang anyo na makikita sa bawat bahagi ng isang araw sa UPLB.

Masugid na hinarap ng mga piling estudyante ng ARTS 1 (mula sa Section B1, G3, Y3, at Z4) ang hamon na lumikha ng mga akda na kinakausap o tumutugon sa mga retrato. Hindi madali ang naging proseso subalit maski pa man ganun, nakabuo sila ng mga akda na maituturing na kabahagi na rin ng kamalayan at alaala ng UPLB.

Higit pa sa proyektong pangklase ang naging tunguhin nitong paglikha ng mga zine. Malay ang mga umakda sa proseso ng paglikha at mga konsepto sa sining. Lumabas sila ng klasrum at kinilala ang kanilang kapaligiran. May pumaksa ng mga manggagawa ng UPLB sa umaga, mga batang obrero sa dapithapon, mga babaeng hindi makatulog sa gabi, mga bulaklak na hindi natin nakikilala ang mga pangalan, mga eksena sa Freedom Park, mga eksena ng kahirapan, at marami pang iba. Malay sila sa limang katangiang pansining na tinukoy ni John Berger: ang piguratibong representasyon, pagpili ng paksa at konteksto kung saan ito nakalagay, paggalang sa materyal na ginamit, maanyong pagkakaugnay-ugnay at pagtitimpi, at pagkamangha (“White Bird”).

Pinatutunayan na kahit man nasa Siyensiya ang kanilang mga kurso ay hindi sila nakukulong lamang doon. Naipakita nila ang mataas na pagpapahalaga din sa Humanidades bilang isang larangan. Hindi masasabi na likha ito ng mga estudyanteng mula sa Agriculture, Biology, Chemistry, Development Communication, Engineering, Economics, Mathematics, o Statistics dahil sari-sari ang pakaranasan na kanilang ipinakikita sa mga zine.

Pahiwatig ang mga zine na hindi namamatay ang pag-akda ng panitikan sa UPLB. Ipinakikilala nito na may halaga at espasyo pa rin ang panitikan maski man sa isang lunan na hitik sa positibismo at siyentipikong pagtingin sa mundo. Sa panahong pinapatay ng namamayaning mga institusyon ang Filipino at Panitikan, nais kong ibahagi itong mga akda bilang pananda na magpapatuloy ang mga manunulat at manlilikha kahit sikilin ito sa kolehiyo.

Sapagkat ang mga zine ay hindi na lamang nilikha ng mga estudyante ng Siyensiya para sa kanilang sarili. Iniaalay nila ito sa mga tao na kanilang nakasalamuha. Mula sa kanilang mga personal na naranasan sa paglilitrato hanggang sa pag-akda ng mga tula o kuwento, hindi matatawaran na mahuhusay rin na artista ng bayan ang mga siyentista ng bayan.

17th Ateneo National Writers Workshop Call for Applications

The Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) is accepting applications for the 17th Ateneo National Writers Workshop (ANWW17), which will  be held on 3 – 8 June 2019 at the Ateneo de Manila University. For this year, the workshop focuses on thinking of the child in literature. In contrast to the conventional view of the child as the target reader of literature, we seek to complicate the child as a possibility of poetics and imagination. Works such as Genoveva E. Matute’s “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata,” Pedro Dandan’s “May Buhay sa Looban,” Edgardo M. Reyes’s “Hindi Abot ng Kawalang Malay,” Rogelio Sicat’s “Impeng Negro,” and  Jun Cruz Reyes’s  “Utos ng Hari,” among others serve as examples.
Interested applicants must submit a portfolio of any of the following: [a] five to ten (5 – 10) poems; [b] two to three (2 – 3) short stories, each with 10 to 25 pages; [c] two to three (2 – 3) literary essays, each with 10 to 25 pages; and [d] one to two (1 – 2) one-act plays, each with 15 to 25 pages. In addition, each portfolio must include a 2 to 3 page introductory essay detailing the conceptual project of the submitted portfolio.
The portfolios may be in Filipino or English. Each portfoliomust be computerized on 8.5 x 11” bond paper, with 1” margin on all sides, in Times New Roman, size 12, double-spaced (with exception to poetry, which can be submitted single-spaced). The page number must be indicated at the footer.
The portfolio must have a title page bearing the author’s pseudonym and a table of contents. The author’s real name should not appear anywhere in the portfolio. Portfolios should be submitted in both PDF and Word formats, along with separate PDF and Word versions of the accomplished application form. The application form may be downloaded at bit.ly/anww17appform.
Applications must be emailed to cbenitez@ateneo.edu with the subject “ANWW17: [applicant’s last name] – [form]” (e.g., “ANWW17: Dela Cruz – Poetry”).
The deadline for submission is 17 February 2019. Twelve fellows will be chosen from all over the country. Food and accommodations will be provided. For more information, call 426-6001 loc. 5320 or e-mail cbenitez@ateneo.edu or christinebellen@yahoo.com.