Panawagan ng Paglahok | Palihang Rogelio Sicat 12


Tumatanggap na ng lahok ang ika-12 Palihang Rogelio Sicat.

Alin man sa sumusunod ang maaaring isumite: limang (5) tula, o dalawang (2) maikling kuwento (10-15 pp bawat isa), o dalawang (2) kuwentong pambata (hindi lalampas sa 8 pahina bawat isa), o apat (4) na dagli (hindi lalampas sa dalawang pahina bawat isa), o dalawang (2) malikhaing sanaysay (10-15 pp), o isang (1) dulang may isang yugto. Maglakip ng maikling tala sa sarili na may contact number at litratong may kulay. Ang lahat ng lahok ay nakasulat sa Pambansang Wika; 12 pts Arial, double space, 8 ½ X 11.

Ipadala ang lahok at katanungan sa palihangrogeliosicat12@gmail.com . May hanggang 22 ng Abril, ika-6 ng hapon ang pagpapadala ng lahok.

Gaganapin ang PRS 12 sa Los Baňos, Laguna, 29 Mayo – 2 Hunyo 2019.

15 ang pipiliin upang sanayin sa malikhaing pagsulat ng mga iginagalang na manunulat ng bansa.

Ang PRS ay itinataguyod ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP, Diliman. Itinatag ito nina Dr. Jimmuel Naval at Dr. Reuel Molina Aguila.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *