Sentro ng Wikang Filipino | Ulat sa Unibersided: Pagbabahagi at Paglulunsad


Malugod naming inaanyayahan ang mga guro, mag-aaral, manunulat, at mananaliksik ng wikang Filipino sa ULAT SA UNIBERSIDAD: PAGBABAHAGI AT PAGLULUNSAD sa ika-29 ng Marso (Biyernes) sa ganap na 2:00 nh – 4:00 nh sa Oblation Lounge, University Hotel, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon. Bukod sa pagbabahagi ng kasalukuyang direktor sa mga nagawa at napagtagumpayan ng kanyang pamamahala mula 2015 hanggang 2018, sa gawain ding ito ipapakilala ang bagong itatalagang direktor ng SWF-UPD.

Ilulunsad naman ang mga bagong publikasyon ng SWF-UPD na “Sino Siya? ni Wilma Barola Harfilla, Tiktak ni Laarni C. Espirito na mga aklat pambatang nalikha sa palihan sa pakikipag-ugnayan sa Save the Children Philippines. Kasama ring ilulunsad ang “Ang Bayabas sa Tagaytay at iba pang kuwento mula sa kabataan ng Paaralang Lumad” at “Pangiyak: Kwento at Panawagan ng mga Bayani ng Mindanao” ng Save Our Schools Network . Bukod sa mga akdang ito, ilulunsad din ang “Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa” na inedit nina Rommel B. Rodriguez at Choy S. Pangilinan. Ang aklat na ito ay kalipunan ng mga panayam na tumatalakay sa naging ebolusyon ng Filipino bilang wikang pambansa. Huli, kasama ring ilulunsad ang aklat na “Wika at Pasismo: Politika ng Wika at Araling Wika sa Panahon ng Diktadura” ni Gonzalo A. Campoamor II. Bahagi ang aklat na ito ng proyektong e-bahagi ng Aklatang Bayan Online na libre ma-da-download sa http://sentrofilipino.upd.edu.ph/e-bahagi/.

Maaaring makipag-ugnayan kay Gng. Gemma Dalmacion para sa iba pang impormasyon at mga katanungan. Maaari ring tumawag sa 9244747 o 981-8500 lokal 4583, o mag-email sa swf@upd.edu.ph. Maaari ring bisitahin ang aming facebook page sa https://www.facebook.com/UPsentrowikangfilipino at website sa swf.upd.edu.ph para sa iba pang anunsiyo at aktibidad ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *