Milutin Djurickovic

Mga maikling kwento

 para sa mga bata

                                                       Isinalin sa wikang Filipino

                                                                          ni

                                                           Eden Soriano Trinidad

Abril 1, 2020

2017

  1.                  ANG AMING PINAGMULAN AT KAPANGANAKAN

           Nagmula ang aming mga lahi sa isang nayon sa may kabundukan, at sa paglipas ng mga taon sila ay lumipat ng tirahan sa may bayan. Petar ang pangalan ng aking lolo. Maaga siyang namatay dahil sa isang hindi kilala at kakaibang uri ng sakit, at iniwan ang tahanan na puno ng mga bata. Ang pinakamatanda sa kanila ay ang aking ama, na kung saan mula sa kanyang murang-edad ay kinailangan niyang alagaan ang lahat. Noong siya ay magbinata, pinakasalan niya ang isang dalaga sa may katabing bayan. Pagkalipas ng isang taong masayang pagsasama, nagkatotoo ang kanilang mga pangarap at sila ay biniyayaan ng isang sanggol.

  • Maglibre ka na ngayon, may anak ka ng lalaki! – wika ng mga nasa silid panganakan sa hospital.

Noong araw ding yaon, 1 araw ng Hulyo, ay masayang-masaya siya at sabay na nagugulumihan.

  • Oo ba – sagot ng aking ama, at nagmamadali siyang bumili ng mga regalo.

Sa loob ng sampung minuto, bumalik siya sa may silid panganakan, dala-dala ang mga regalo para sa mga nars na nagsabi ng magandang balita sa kanya.

-May anak ka ng lalaki, magpakain ka naman sa amin ngayon! – Ang babaeng ding yaon ang nagsabi na nakatawa.

  • Oo alam ko, – sagot ng aking ama, nagpasalamat siya habang iniaabot ang mga regalo.
  • Oo, pero ‘yan ang unang anak na lalaki. Meron pang isang!

Ano? Nabigla ang aking ama at hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

  • Segurado ka ba?- may pag-aalinlangan niyang itinanong.
  • Siempre, binabati kita! Kambal ang anak mo at maayos naman ang kalagayan ng iyong asawa at siya ay nagpapalakas na- tugon niya.

Hindi na nagdalawang-isip, muling umalis at bumili ng isa pang regalo ang aking tatay. Pakiramdam niya tila mayroon siyang pakpak. Pantay -pantay ang pagtrato niya sa lahat. Noong siya ay bumalik sa “maternity ward”, muli niyang kinausap ang nars:

-Tapatin mo nga ako, ilang bata pa ang ipanganganak,para hindi nako magpapabalik -balik bibili ng regalo?

Siempre naunawaan ng babae na biro lang yon at idinagdag pa niya na napakswerte ng aking tatay, dahil ang magkaroon ng kambal na anak ay hindi maliit na bagay.

             Pagkatapos ng ilang araw na pananatili nila sa hospital, masaya at maayos na ang ina ng dalawang anak na lalaki sila ay umuwi na sa kanilang tahanan tangan sa dalawang braso ang kanyang kambal na anak na kapwa lalaki. Tuwang-tuwa ang buong sambahayan, at pinag-iisipan na nila kung ano an ipapangalan sa kanila. Ang lahat ay may kani-kaniyang mungkahi.

-Jorgos at Dimitrios – ang mungkahi ng kanilang tiyuhin.

            -Rambo at Dumbo – naman ang pinalayaw ng kanilang tyahin.

Ganoon pa man, bagamat maganda ang lahat ng kanilang mungkahi, ang aming mga magulang ang nagdesisyon na ang ipapangalan sa aming magkapatid ay Siniša at Saša.  Naibigan ito ng lahat; pati sa abay ay pinagbigay alam ito. Subalit ang lahat ay nabago ng bumalik ang aming lola galling sa “spa”. Dahil siya ang pinakamatanda sa pamilya, ang kanyang mungkahi a ay pinahalagahan ng lahat:

Ayaw ko ng pangalan na yan, dahil ako ay walang ngipin at hindi ko kayang sambitin ang ganyang pangalan. Pangalanan ninyo sila ng Milutin at Milan!

Ganyan ang nangyari kung paano kami pinangalanan. Lahat lamang ng sinasabi ng aming lola ang susundin ng aming lolo, at wala ng pagtatalo-talo. Sa paglipas ng panahon, kaming dalawa ay magkasabay na lumaki. Sabi ng lahat kami ay tunay na magkapareho sa lahat ng bagay, at tanging ang nanay namin ang nakakakilala sa amin sa aming pag-iyak.

  • Kung ito si Milutin, eh di si Milan yong isa!
  • At paano kung magkaiba? Sabi ng lahat ng miyembro ng pamilya.

              Tandaan na ng mga panahong yaon, may 40-taon na ang nakalipas, bibihira ang may ipinanganganak na kambal. –  kailangang maingatan kami ng husto. Palagi kaming binibilhan ng mga laruan, pagkain, damit, at lahat ng mga bagay na kailangan namin ay pawang magkapareho lagi. Kaya walang dahilan para mag-away kami sa kahit anong bagay. Sabi ng aming mga kasama sa bahay ay mababait kami at tahimik na mga sanggol, at sinikap naming maging mabait at tahimik hanggang sa kami ay lumaki.

Minahal at inalagaan kami ng aming lola sa pinaka espesyal na pamamaraan, dahil kami ang una niyang mga apo. Alagang-alaga kami ng lahat at pinuno kami ng pagmamahal. Ang unang salitang aking nasambit ay hindi “mommy o daddy”- kundi-lola! At ang unang salita na nabanggit ng aking kakambal ay pera!

Ang unang problema ay dumating ng kami ay unang humakbang. Pumupunta kami sa mga kulungan ng mga manok, kinakain namin ang mga lupa sa sa mga paso, binubuksan ang pintuan ng “washing machine” at iniinom namin ang tubig sa loob nito, hinihila namin ang aming  alagang pusa na akala mo ay isang tirador , at binubuhasan namin ang isa’t-isa ng gatas.

Madalas kaming ipinagtatanggol ng aming lola, sinasabi niyang ganyan talaga mga bata pa sila.

Palagi kami ang bida, kahit saang pagdiriwang o sino man ang mga bisitang kasama. Lahat ay nagsasasbing nagdadala kami ng swerte at kagaanan ng buhay, malugod nila kaming tinatrato ng maganda at pinagkakalooban ng maraming regalo at gustong-gusto naman namin, kaya palagi kaming namamasyal sa mga kapit-bahay kahit hindi araw ng pasko.

Madalas din kaming kwentuhan ng aming lola tungkol sa mga alamat at mga awiting polka at pampatulog, mga maiigsing kwento at mga kwentong- engkanto, at binabasahan naman kami ng aming daddy ng mga berso na hindi namin gaanong nauunawaan.

—————————————————————————————————-

2.                                   ANG UNANG ARAW SA KINDERGARTEN

Ang lahat ay masaya at higit sa lahat ay nasasabik noong dumating ang oras na kami ay papasok na sa kindergarten. Sinusuutan kami ng uniporme ng paaralan, pormal na kasuutan at makukulay na kurbata, habang ang aming tatay ay inaayos ang aming mga buhok sa pamamagitan ng pagsawsaw ng suklay sa malamig na tubig.

  • Napaka-guapo nila tulad ng kanilang tatay at kasing alisto ng kanilang ama. – May pagyayabang niyang salita sabay tawa.
  • Segurado ka? – pagtutol ng aking ina. -Parang hindi ako ang nagsilang sa kanila sa mundong ito…

Pormal ang naging unang araw sa kindergarten. Ang lahat ay puro paglalaro at kantahan. Kadalasan ang mga magulang ay dumadalo sa unang pagtanggap sa kindergarten ng mga batang bagong pasok, subalit kami ng kakambal ko ay sinamahan ng halos mahigit sa bilang na sampung miyembro ng pamilya namin, mula sa aming lola, mga tiyahin at tiyuhin, at maging ang aming kapitabahay!

Ang kinatawan ng aming pamilya ay halos inokupahan na ang buong silid ng kindergarten, habang ang ibang mga magulang at bantay ay nangakatayo na lamang. Ang pinaka- guro namin ay takang-taka at paulit-ulit na nagtatanong:

-Bakit hindi niyo isinama ang iba pang miyembro ng inyong pamilya?

Hindi nauunawaan ng aming ama ang biro ng guro, kaya’t paulit-ulit siyang humihingi ng paumanhin at kasabay ng paliwanag.

_Pakiusap huwag niyo po kaming sisihin, ang iba namin kapamilya ay abalang -abala at ang iba ay wala. Kaya iilan lamang po kami ang nakasama…

Ng marinig ito ng guro, napanganga na lamang ito, hindi sya makapaniwala sa kanyang narinig. Habang panay-panay ang tunog ng mga kumukuha ng larawan, ang mga bata ay isa-isang nagpapapakilala sa mga tagapanood, may tumutula tungkol sa kanilang pamilya, pag-ibig, sa tahanan o kaligayahan…

Ang lahat ay nag-aabang sa aming ipapakitang talent. Ang ibang mga bata ay kinakabahan, at nagsimulang umiyak, sabay takbo sa kanilang mga magulang. Pero, noong kami na ang nasa entablado, buong-buo ang loob naming magkapatid.  Magkatabi kaming tumayo at  nagsimula kaming umawit ng sabay:

Aking munting dalagitang kulay ginto ang buhok! Ikaw ay palaging nasa aming isip!

Natigilan ang mga nanonood sa amin. Hindi nila malaman ano ang nangyayari. Ang pangunahing tagapamahala ng palatuntunan ay biglang kumilos ng mapagtanto niyang hindi bagay sa aming edad at sa palatuntunan ang aming inaawit, hindi araw-araw naririnig na binibigkas ng mga bata ang aming inaawit at kami ay pinahinto niya.

-Ok. Tama na yan. Sige, ngayon naman ay pakinggan natin ang ibang bata!- kinakabahan niyang sinabi.

Subalit, para sa mga nanonood, nagustuhan nila ang aming inaawit, kaya’t masaya nila kaming pinalakpakan. Hindi kami mapababa ng pangunahing tagapamahala ng palatuntunan dahil hindi pa kami tapos umawit at ang mga nanonood ay sinasabayan pa kami ng huni.

  • Magaling aking mga apo! – sigaw ng aming lola.
  • Mahahalikan kayo ng tatay niyo! – naibulalas ng tatay.
  • Mumunti kong mga manika! – pang-aaliw ng nanay.

Pinagpapawisan ng husto ang namamahala ng palatuntunan; namumutla, namumula ang mukha niya habang paulit-ulit siyang nakikiusap na ihinto na namin ang aming pagpapalabas. Pero, hindi namin siya pinapansin hanggang sa natapos ang aming palabas at binanggit na ang huling linya ng awiting aming natutunan.

Ganito nagtapos ang una naming palabas sa “Blue Lock” kindergarten, at ito ay maaalaala ng matagal na panahon. Para sa aming pamilya, isa itong tagumpay, subalit huli na ng malaman namin na ang pinaka pangunahing guro ay nagsalita ng mga panunumbat sa aming ama dahil sa hindi naayon na liriko ng inawit naming kanta ng buong lakas ng loob.

Pero hindi binigyang pansin ng aming ama ang mga ganoong bagay. Ngumiti lang siya at sabay kinindatan niya kami. Kalahati ng miyembro ng aming pamilya ang nakatalaga na sasama sa amin araw-araw sa kindergarten, at tuwang-tuwa naman kami sa atensiyon at mga regalo na aming natatanggap. Lumabas sa bandang huli na ang lima sa kanila (sina lola, tatay, nanay, tita, tito) ay hindi pala nila kami kayang alagaan, kaya humanap sila ng babaeng makakapagbantay sa amin maghapon.

Isang mainam na nasa kalagitnaan na ng kanyang edad, nakasalamin at maigsi ang buhok. Siya si Tyang Goga, pero idinugtong namin sa kanyang pangalan ang “matandang mangkukulam”. Mabilis niya kaming nakahulugan ng loob na magkapatid at tinanggap niya kami ng may labis na pagmamahal. Maghapon niyang ginugugol ang kanyang oras sa amin, lalo na tuwing sabado at linggo, nakikipaglaro siya sa amin at dinadalhan kami ng makakain at maiinom.

Subalit hindi ito nagtagal. Nagsimula ito ng isang hapon sa panahon ng taglamig ay pumunta sa may balkonahe si Tiyang Goga upang magsampay ng mga nilabhan niyang mga damit. Bagamat napakalamig sa labas, saglit lang siyang nanatili roon at isinara niya agad ang pintuan. Grabe ang pag-ulan at pagbagyo ng niyebe. Kami ng kakambal ko ay naglalaro sa loob ng bahay at hindi namin napansin na nai-trangka namin ang pintuan ng balkonahe at tuloy-tulo kami sa aming paglalaro.

Ilang sandali pa ay papasok na sana si Tyang Goga sa pintuan ng balkonahe namin, pero nabigla siya ng hindi niya mabuksan ang seradura dahil ito ay nakatrangka. Noon una ay magiliw pa niya kaming pinakikiusapan na buksan ang seradura, hanggang sa nagsisigaw na siya at malakas na kumakatok sa pintuan. Subalit ng magsimula na siyang lamigin ng husto at manigas sa lamig ng niyebe ay kinakalmot na niya ang pintuan na parang pusa. Yaong mga oras na iyon kami ng aking kapatid ay naglalaro ng domino sa aming silid na mainit at hindi namin alam ang nangyayari sa tagapag-alaga sa amin.

Ang totoo, naririnig namin siyang umiiyak at nagmamakaawa, subalit dahil masyadong nakatutok ang aming loob sa paglalaro at wala  kaming kamalay-malay sa delikadong kalagayan niya. At inasar pa namin siya, lumipat kami ng lugar sa bahay na kung saan hindi namin maririnig ang pagsigaw niya ng tulong na nakapagpalala ng kanyang kalagayan.

Dahil ang aming balkonahe ay nasa ikatlong palapag ng aming bahay at nakatalikod sa mismong kalsada ay walang makakarinig o makakakita sa kanya. Maya’t-maya ay sinisilip namin si Tyang Goga sa aming bintana de-kulay na bintana, nakikita namin siyang nanginginig at ipinapadyak ang nangangatog niyang  mga daliri sa paa; kinakawayan namin siya sabay laro muli. Hindi namin nauunawaan ang kanyang sinasabi dahil sa lakas ng hangin, subalit higit na nalito kami sa senyales ng pananakot ng kanyang mga daliri at lalong hindi namin alam ang dapat naming gawin.

Ilang oras lamang at bumalik na ang aming mga magulang mula sa kanilang pinapasukang trabaho. Ang ilang miyembro ng aming pamilya ay bumisita sa iba naming mga kamag-anak, kaya ang kapalaran ni Tyang Goga ay nasa kamay na ng Diyos.  Ganoon pa man hindi yaon ang katapusan ng pangyayari. Natagalan ng uwi ang aming tatay, at pagkadating na pagkadating ng aming mommy sa aming bahay ay tuloy-tuloy siya sa kanyang banyo at nagtanggal ng kanyang kolorete sa mukha at naghilamos pa ng kanyang mukha, ibig sabihin ay inabot pa ito ng mga kalahating oras o higit pa.

  • mga ginintuang mga anak? -malambing na tanong ng aming nanay. Mabait ba kayo uli ngayon?
  • Opo nanay! – magkasabay pa kaming sumagot ng aking kakambal, sabay yakap sa aming mommy.

Nagyayakapan kaming tatlo ng may mga ilang minuto, ng biglang nagtanong ang aming ina:

-Bakit wala kayong kasama? Nasaan ang inyong Yaya Goga?

-Hindi po namin alam nanay? Naglalaro po kami ng mga laruan namin sa aming kuarto- may katotohanan at inosente naming tugon.

Inilapag kami sa sahig ng aming ina at sinimulan niyang hanapin ang aming yaya. Napasigaw siya ng malakas ng masilip niya ang aming yaya na naninigas na sa may balkonahe at agad-agad niyang binuksan ang pintuan.

-Dios ko mga anak ko, ano ang ginawa ninyo?!- sigaw ng nanay namin.

Hindi naming nauunawaan ang nangyayari, nakatulala kami habang pinapanood namin si Yaya Goga na nagkulay bughaw na sa lamig, nabalot ng niyebe at nginig na nginig at nangangatog ang mga ngipin at hindi makapagsalita.   Dinala ng nanay namin ang pangpainit at makakapal na pambalot sa taong nanginginig hanggang buto. At saka siya naghanda ng tsaang mansanilya habang humihingi ng paumanhin kasabay na pinagagalitan kaming dalawa.

-Makikita ninyo ang inyong ginawa pagdating ng tatay ninyo!

– Narinig mo ang sinabi ni nanay? – tanong ng aking kakambal.

– Hindi ako ang pinagsasabihin niya kundi ikaw- pagtatanggol ko sa aking sarili.

Hindi ko matandaan ng husto kung paano natapos ang mga pangyayari, subalit natatandaaan ko na pagkatapos noon hindi na kami muling inalagaan pa ni Yaya Goga pero ang tatay namin ang nagbabayad sa kanyang pagpapagamot.

=================================================================================

                        3.                        ANG LAKBAY ARAL-SA BUNDOK

Para sa amin, ang kindergarten ay masaya. Habang ang ibang mga bata ay nahihirapan  makisama at makipagkaibigan sa ibang mga bata, kami naman ay madaling nasanay. Isang araw, pinagbilinan kami ng aming guro na si Teacher Annie, at tinawagan pa ang aming mga magulang sa telepono, na magkakaroon kami ng Lakbay-Aral sa di-kalayuang bundok. Sinersyoso ito ng aming mag-anak na laging handang-handa at responsable sa lahat ng bagay.

Dahil ang lola namin ang naatasan na maging tagapamahalang publiko, araw-araw ay ginagala ni lola ang buong kapitbahay at ipinaalam ang mangyayari:

  • Ang mga apo ko ay may Lakbay-Aral!
  • Paano ang ibang mga bata? – tanong nila.
  • Hindi ko alam sa iba. Pero ang mahalaga sa akin ay sasama ang kambal kong apo!-

pagmamalaki ng lola namin.

At dahil sa Lakbay-Aral na ‘yon, humingi ng isang buwang bakasyon sa trabaho ang aming tatay, ganon din ang aming nanay.  Masyado nilang pinaghandaan ang aming pamamasyal. Bagamat sinabi na ng aming guro na ang lahat ng kailangan sa Lakbay-Aral ay ipagkakaloob ng paaralan, at sa aming mga lalagyan ay tinapay at mga inumin lang ang aming dadalhin, pero ang aming pamilya ay naghanda ng dalawang malalaking maleta na puno ng pangginaw at pang tag-init na mga damit – nagbabakasakali lang.

  • Hindi sila segurado kung ano ang meron sa bundok.  Maaaring ang panahon ay magpabago-bago at maging delikado, eh di paano na? sabi ni Lola.
  • Mga bata pa ang mga guro at walang pang gaanong karanasan kaya hindi pa nila gamay ang kanilang mga trabaho- sabi ni tatay.
  • Ano ang gagawin ko sa maghapon kapag wala ang aking mga anak!?-daing ng nanay.

Tahimik lang kaming magkapatid  habang pinapanood namin ang kanilang paghahanda.  Ang lahat ay nagmamadali at paikot-ikot sa loob ng bahay.  Mabilis na napuno ang mga maleta ng mga gamit, kaya kinailangang magdala pa kami ng isa -ang malaking pangbiyaheng maleta, kung saan doon namin inilagay ang aming mga tsinelas, sandalyas at iba’t-ibang sapatos, de-goma at bota.

Bagamat isang araw lamang ang aming Lakbay -Aral, napakagulo at makalat ang aming bahay akala mo ay mawawala kami ng isang buong taon. Nang matapos ang aming pag-iimpake ay oras naman ng pagbibigay ng mahabang pananalita ng bawat isang miyembro ng pamilya. Bawat isa ay may mahalagang sasabihin o gustong magbigay ng payo.

-Hipan niyo ang sopas na ihahain sa inyo kahit malamig na-babala ng aming

 lola.

-Huwag kayong makikipag-away sa ibang mga bata, maari niyong gawin yan sa isa’t-isa, sabi ng aming tatay.

– Huwag ninyong pagkamalang sepilyo ng ngipin ang sepilyo ng sapatos-pahabol ng aming nanay.

Nang kami ay maghiwa-hiwalay na ay may iyakan pa. Kung ang ibang mga bata ay nag-iiyakan dahil mawawalay sila ng saglit sa mga magulang nila, kami ay kakaiba: ang aming pamilya ay nag-iiyakan dahil mawawalay kami ng isang araw sa kanila. Para sa aming dalawa hindi ito mahalaga, hangga’t may mga kaganapan.

Nagrereklamo ang aming guro dahil sa dami naming dala-dalang mga maleta, pero hindi iyon binigyang pansin ni tatay, at tuloy-tuloy niyang inilagay ang mga maleta sa loob ng bus. Pero, may isa pang problema. Hindi nagustuhan ni Dad na ang sasakyan ay dalawang palapag.

  • Sa ibaba tayo uupo dahil walang magmamaneho sa itaas-payo niya sa amin.

           Ang aming Lakbay-Aral sa bundok ay naging kaaya-aya at masaya ang aming pagsasama-sama. Naging mumunting kaming mamumundok; tinahak namin ang mga daanan at mga damuhan sa kagubatan, tuwang-tuwa kami sa ganda ng mga tanawin sa kabundukan. Tulad ng mga anak ng pato na nakasunod sa mga inang pato, nakasunod kami sa aming guro. Pagsapit ng pananghalian, isang malaking sorpresa ang inihanda para sa amin.

Huminto ang sinasakyan naming bus sa paradahan ng mga sasakyan sa harap ng aming otel, at isa-isang bumaba ang bawat miyembro ng aming pamilya.

-Unang bumaba si lola:

-Mga apo! Hoy, mga apo!

-Nasan kayo mga anak ko? Ang tagal nating hindi nagkita-kita? – sabi ng tatay namin.

-O, ang lalaki na ng mga sisiw ko! Pasigaw ng aming nanay.

Tahimik kaming magkapatid habang pinapanood namin ang nangyayari, dahil nagtataka ang aming guro:

-Bakit kayo sumama? Babalik din naman kami pagkatapos namin kumain ng pananghalian…

-Papaano mo kami natatanong ng ganyan? Hindi mo ba nakikita na gusto naming makita at makasama ang aming mga anak? Pinupog kami ng halik ni lola habang nagpapaliwanag sa harap ng lahat.

Pagkatapos ng halos isang oras na pakikipag-kuwentuhan namin sa aming pamilya ay nagawa rin ng aming guro na papaghiwalayin kami sa aming pamilya at dinala na kami upang makakain ng pananghalian. Habang nagtataka ang ibang mga bata kung bakit walang dumating na mga pamilya nila para dumalaw sa kanila, sina lola, tatay at nanay naman ay nakasilip sa amin sa pintuang salamin ng kainan sa otel, kumakaway habang pinapahid ang mga luha sa kanilang mga mata.

  • Ngayon lang ako nakakita ng ganito! -, pabuntunghininga ng aming guro, habang pinakikiusapan niya sila na iwanan muna man lamang kami habang kami ay kumakain.

Mula sa Lakbay-Aral, nakabalik kami ng aming bahay bago lumubog ang araw. Hindi maipaliwanag sa saya ang buong pamilya. Nagkaroon ng pagdiriwang, tumawag ng grupo ng manunugtog ang aming lola, naghanda naman ng mga paputok si tatay, nagluto ng dalawang klase ng cake si nanay at kanyang isinulat :

-Maligayang pagbabalik, mumunti naming mamumundok!

At dahil pagod na pagod kaming magkapatid sa aming Lakbay-Aral, tumuloy na kami sa aming higaan, habang ang pagsasaya sa aming bahay ay inabot hanggang madaling -araw.

      4.                            ANG MGA BATA SA KAPITBAHAY

Halos araw-araw kami ng aking kakambal ay nakikipaglaro sa aming mga kaibigan sa may daan, malapit sa may parke o kaya ay sa mga kapitbahay. Nagtitipon-tipon kami sa isang lumang bangko, naglalaro kami ng sipaan ng bola o batuhan ng bola. Walang nakakapagpahinto ng aming paglalaro, kahit na ang mga maingay na busina ng mga sasakyan sa daan. Habang naghahanda ang aming nanay ng pananghalian, sinasamahan kami ng aming dad sa paglalakad sa may parke o kaya siya ay nagbabasa ng diaryo sa bangko habang kami ay naglalaro.

Minsan, habang pinapanood niya kami sa aming paglalaro, napansin ni tatay ang isang batang may mahabang buhok na kulot, nakikipaglaro ito sa mga batang babae at pagkatapos ay makikipagsipaan naman ng bola sa mga batang lalaki. Nagbabakasakali siyang malaman kung sino ang bata, hinihintay niyang may tatawag sa pangalan ng bata. Subalit hindi nangyari, kaya lalong naging interesado si tatayna malaman at napagpasiyahan niyang hanapan ng solusyon ang kanyang pinoproblema.

-Mga anak, makinig kayo sa akin! Tinawag kami ni tatay at bumulong: subukan niyong alamin kung ang batang iyon ay babae o lalaki. Gustong-gusto ko talagang malaman. Pero sikapin niyong maging mabait…

.

-Ok, sige tatay- tugon ng aking kakambal.

-Aalamin namin agad. -tugon ko at magkasama naming nilapitan ang aming mga kaibigan.

Nang malapit na kami sa batang yon, na nagpapalit-palit ng pakikipaglaro ng manika at sipaan ng bola sa mga batang lalaki, biglang tinanong ng aking kapatid:

-Hoy bata, lalaki ka ba o babae?

               -Ano? –  sabay harap ng bata, hindi niya alam kung ano ang sinabi sa kanya.

               –Tatay, babae siya! – Isinigaw ko ng malakas sabay harap sa aking tatay, na noong marinig niya ang aking sinabi ay biglang itinakip ang diaryo sa kanyang mukha. Hindi namin naunawaan ang ikinilos ng aming ama bastat ang alam namin ay nalutas namin ang problema ng aming tatay.

Madalas nagtatalo-talo kaming mga batang lalaki kung sino ang may pinaka-mahusay, pinaka-kagagalang-galang at pinaka-malakas na tatay… Bawat isa amin ay may kani-kaniyang mga dahilan at argumento, na ipinagyayabang totoo man o hindi. Bagama’t medyo may pasobra ang aming pagmamalaki, para sa amin, mukhang katanggap-tanggap lang ang mga sinasabi namin gaya ng dati.

-Ang tatay ko ang pinakamatapang! Kayang -kaya niya lahat at kaya niyang uminom ng tubig sa gripo ng walang gamit na baso! – may kaseguruhang sinabi ng isang kayumanggi ang balat at matangkad na si Sasha.

Wala yan! –  Sabi ni Jack. – Ang tatay ko ay kayang sumakay ng libre sa isang taxi, na walang nakakapansin sa kanya!

Ang matabang si Tom ay hindi papayag na wala siyang masabi tungkol sa tatay niya.

-Hindi kayo maniniwala sakin, pero kayang-kaya ng tatay ko isara ang pintuang umiikot.!

-Ano? Paano niya nagagawa yon? – lahat kami ay takang-taka.

Matamang pinakikinggan ng kakambal ko ang lahat ng sinasabi nila, at kapagdakay kanyang sinabi:

-Ang tatay namin ang pinakamagaling, dahil ginagastos niya ang pensiyon ng lola namin, at hindi alam ng lola namin yon!

  • Hindi lang yon! – ipinagmamalaki kong sinabi. Kapag naglalakad siya sa daan, lahat ay takot sa kanya. Kapag nagdaraan siya, walang sinumang gumagalaw…

At kung ano – ano pa, habang nagpapayabangan kami hanggang walang nagpapatalo, may narinig kaming umiiyak at sumisigaw ng saklolo.

-Saklolo! May nakawalang asong Alsatian.

Hindi pa namin alam kung ano ang nangyayari, nilingon namin ang pinanggagalingan ng takot na takot na tinig, nagsisigaw at nagpapasaklolo. Oo nagulat kami, pero hindi kami natakot.

Ang tototo, hindi kami umalis sa lugar namin, dahil gusto namin malaman kung ano ang nangyayari. Pagkalipas ng ilang minutong pag-aalinlangan, isang anino ang natambad sa amin mula sa mga puno, nagmamadali at kumakaway.

-Takbo na mga bata! Hayan na ang malaking asong Alsatian!

Gulat na gulat kami habang tila napako kami sa aming kinatatayuan.  Habang papalapit ang tao, mas nakilala namin na siya ang aming tatay at siya ay takot na takot, nanlalaki ang mga mata at bukas ang mga braso ay nakaaktong yayakap dahil umaakyat siya sa puno. Sa halip na isang malaking asong Alsatian, isang maliit na tuta ang nakasunod sa kanya, napakaliit halos hindi marinig ang tahol.

 -Woof, woof1

Habang pinagtatawanan kami ng husto ng aming mga kalarong bata, hiyang-hiya  kaming magkapatid na pinapanood ang aming tatay.

-Yan ba ang matapang niyong tatay? -pangungutya nila.

-Oo, siya nga-sabi ng aking kapatid.

-Hindi, hindi sya- sagot ko sabay iling.

Maya-maya lang, pagkalipas ng ilang oras, na nakaalis na ang aming mga kalaro sapagkat gumagabi na at ang tuta ay bumalik na sa kanyang amo, saka lamang bumaba  sa puno ang aming tatay  at umuwi sa bahay na parang walang nangyari.

Mula noon, hindi na namin ibinida sa aming mga kalaro na matapang at walang kinatatakutan ang aming tatay.

        5.                 ANG PAGDIRIWANG NG IKA-5 TAONG KAARAWAN

            Ang aming ika-5 taong karaawan ay ipinagdiwang hindi lamang ng aming malalapit na pamilya at mga kamag-anak, kundi halos kalahati ng populasyon ng aming lunsod. Ito ay isang tunay na pambansang pamamahinga.

Ngayon lamang kami nakapag-suot ng pambatang kurbata at pinamodahan ang aming mga buhok na gustong-gusto ng aming tatay at nagpakuha kami ng larawan sa bawat panauhin. Nagkaroon ng walang sawang kainan at inuman, habang napakalakas ng tugtugan at musika.

Dahil sa dami ng panauhin at mga sasakyan, ay pinahinto ang trapiko sa aming daan at walang naging problema sa mga pulis dahil alam nila ang nangyayari.

Sa aming bahay, umaalingawngaw: Maligayang bati, sa mahal naming kambal! Tila sa araw na iyon ang aming tainga ay lumuwang, dahil lahat ng mga bisita ay hinihila ito, at ang iba ay tuwang-tuwa sa kanilang ginagawa. Punong-puno naman ng regalo ang aming kuarto.

Ganoon pa man, ang pinakapaborito namin ay mga alagang hayop. Kulay itim na tuta ang natanggap ng kapatid ko at ako naman ay kulay puting kuting. Nakakakatuwa sila at kaysarap nilang kargahin at hindi mo maiiwasang hindi buhatin. At dahil maraming bata ang dumalo sa aming kaarawan ay inisip nanamin kung ano ang itatawag sa aming mga tuta. Sabi ang aking kakambal ay Philip at Emy pero sa huli napili namin pangalanang Judith ang tuta at Irina ang kuting.

Nang magtapos ang pagdiriwang, inabot ng ilang araw bago namin naibalik sa dating ayos ang aming bahay. Napawi naman ang pang-iistorbo namin sa aming mga kapitbahay sa ingay at mga ungol.

-Salamat sa Dios, tahimik na uli hanggang sa susunod na taon uli-buntunghininga nila.

Pagkatapos ng aming kaarawan ay halos lahat ng aming oras ay ginugol namin kina Proka at Lolica at palagi naming binibigyan ng makakain at maiinom. Mabilis silang lumaki at nasanay na sa aming lahat. Palagi namin silang inaalagaan, ipinapasyal, pinaliliguan at ginagamitan ng espesyal na sabon at iniingatang ginawin.

Ngunit habang lumalaki sila ay mahirap na silang alagaan at panatilihin sa bahay. Noong una, hindi namin maunawaan, pagkatapos ng ilang paliwanagan ng buong pamila ay napilit din kami na pumayag ng ipamigay ang aming mga alagang aso at pusa sa mga kaibigan namin sa aming lugar.

Nang medyo lumaki-laki kaming konti, ipinagtapat sa amin ng aming nanay  na ginawa nila yon dahil-maaring nagkamali o sinadya, hindi malinaw-pero nakikita nila na kinakain ng aming tatay ang mga pagkain ng aming mga alagang hayop at naging dahilan yon para alisin sa bahay ang aso at pusa.

6.                         ANG AMING MGA NATUKLASANG PILOSOPIKA

Mula sa aming pagkabata, ako at ang aking kapatid ay madalas na nag-iisip ng mamalim tungkol sa mundong aming ginagalawan. Noong mga panahong ang ibang mga bata ay gumgulong sa mga buhangin, nagtatago-taguan, kami ang pinagkakaabalahanan ay ang seryosong pagbabasa at pagpapaliwanagan tungkol sa mga isyu ng buhay at mga problema. Interesado ang kapatid ko sa likas na agham ako naman ay mas interesado sa mga bagay tungkol sa panlipunan.

Pero, may pagkakapareho kami ng ugali at opinyon sa maraming mga pananaw.  Kung makikita lamang sa pagbubukang -liwayway kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw, alam na na kami ay magiging mga paham at palaisip.

              Madalas sabihin ng kakambal ko na gusto niyang mag-aral ng astronomiya, at pilosopiya, pero iba ang ipinapayo sa kanya ng aming tatay:

            -Naku, walang halaga yan. Mabuti pang seguruhin niyo na magpapalista kayo sa isang walang Kwentang paaralan- madalas sabihin ng tatay namin sabay tawa, hindi niya nauunawaan kahit kaunti ang pagka-mausisa namin sa mga pananaliksik.

Karagdagan pa sa pagkahilig ko sa pag-aaral ng Kasaysayan at Pilosopiya, hilig ko rin ang kriminolohiya, at may espesyal na komentaryo tungkol dito:

  • Aba’y hindi ka pweding kumuha ng kursong kriminolohiya dahil sa kriminal mong kaso sa iyong pagkabata!

Hindi namin magawang magalit sa kawalan ng pang-unawa ng aming tatay sa aming mga ambisyon. Sa halip, mas lalo pa naming itinuon ang aming pagkahumaling sa pagkamalikhain sa siyensa o agham. Hindi sa gusto kong magyabang, pero sa larangang yaon ay nakamit namin ang kakaibang resulta sa ilang teorya sa pilosopiya tungkol na may kinalaman sa mga batas ng buhay at mga konretong pagpapayo.

     Sa isang banda, ginagawa naman ito sa grupo ng mga propesyonal, naingatan namin ang aming mga nalikha at mga pananaw sa may ahensya ng Karapatang ari. Sa ganoong paraan ay naiingatan kami mapagsamantalahan o posibleng pangongopya, dahil ang mga ganyang gawain ay padalas ng padalas sa aming bansa at sa buong mundo.

    Sa puntong ito, isasalaysay ko sa inyo ang ilang mga pangunahing parirala mula sa aming teorya sa pilosopiya na tumutukoy sa mga pangkalahatang suliranin sa pang-araw-araw na buhay:

   Kung ikaw ay payat ngayon, payat ka parin bukas.

  Anuman ang iyong kasarian, relihiyon at lahi, ang unggoy ay isang unggoy.

Huwag ninyong paniwalaan ang sinumang nagsinungaling sa inyo.

Bago ka matulog kinakailangan mong hubarin ang iyong sapatos, ganoondin ang salamin mo sa mata.

Matinik ang daan patungo sa mga bituin kaya huwag kang paroroon ng nakapaa…

Hindi gaanong nauunawaan ng aming tatay ang mga ganyang nakamit naming kakayahan, at hindi namin siya masisisi. Pero madalas sabihin sa amin ng aming nanay kapag siya ay nagpapahinga at malamig ang kanyang ulo na ipagwalang bahala ito sa higit pang magandang pagkakataon. Tanging ang lola lamang namin ang nakakaunawa sa amin sa ilang bagay. Ipinagmamalaki niya na kami ay may malaking hinaharap bilang mga siyentipiko na kayang higitan maging si Socrates.

    Hindi katulad ng iba, si lola ay nagpapapakita sa amin paminsan-minsan ng malasakit na biglang nagmamadali papasok sa aming silid upang tingnan ano ang aming ginagawa sa mga oras na libre kami. Kapagka nadadatnan niya kami na maraming sinusulat at nagbabasa ng mga libro, palagi niya kaming tinatanong:

  • Mga apo, ayos lang ba kayo? Gusto niyo ba ng maiinom o makakain? Bakit hindi kayo lumabas at makipaglaro tulad ng ibang mga bata?
  • Huwag mo kaming abalahin lola. Nasa dulo na kami ng aming dakilang  siyentipikong pagkatukas na magiging malaking kapakinabangan para sa sangkatauhan-madalas naming sabihin, pero halatang hindi niya nauunawaan.
  • Eh tungkol saan ba iyan, maari ko bang malaman?

      Iniisip namin ang problema ng pandaigdigang pagkapantay-pantay gaya ng mga sumusunod: bakit sobrang dami ng asin sa dagat, pero walang paminta? – isa-isa naming ipinaliwanag ang aming mga namasid at hindi maitatangging katotohanan.

  •  
  • Sila na malikot at parang mga sira ang ulo habang mga bata pa, ang buhay nila ay puno ng saya- sabi ni lola, hango daw sa sinabi ng isang tao na siya lang ang naka kikilala.

Ito at marami pang mga dahilan, palapit kami ng palapit sa aming pinakahuling desisyon na mag-aaral kami ng pilosopiya pagdating ng panahon. Kumbinsidong-kumbinsido kami na magagawa naming makapag-ambag ng bagong kurso sa linya ng siyentipiko na nakabase sa aming mga sapantaha at mumunting teorya.

   Gayunpaman walang nauunawaan ang aming mga kaibigan tungkol dito, madalas ay tinutukso nila kami. May mga nagsasabi na umiwas kami sa mga hindi magagandang negosyo dahil walang pakinabang sa mga iyon.

 Siempre, hindi kami naiinis at naiintinidhan namin ang kanilang mga pag-aalinlangan. Tutal, alam naman na maging ang ibang mga pilosopo ay nakadanas din ng iba’t-ibang mga pag-aalinlangan, paglaban at hindi pagkakaunawaan sa kanilang lipunang ginagalawan at pinag tatrabahuhan, kaya bakit kami maibubukod.

  7.                                 KAKAIBANG KARANASAN SA LARONG CHESS

              Naging kawili-wili sa amin ang pag-aaral namin sa baitang lima at anim, dahil may mga ibang mga gurong nadagdag na nagbigay panibagong sigla. Isa sa kanila, ay kapalit ng guro sa heograpiya, medyo malilimutin at wala lagi sa sarili. Hindi naman namin sinamantala ang kanyang ugali, kahit pa may mga sandaling nakakatawang pangyayari.

             Isang umaga ilan sa amin ang nakatakdang sumagot sa mga katanungan sa harapan ng aming mga kaklase. Bago ako, may mga tinatanong ng ibang mga mag-aaral na higit o kulang  ang kaalaman.

            At ako na ang sumunod.  Ang kanyang tanong ay tungkol sa isang bagay na hindi ko pinag-aralan o hindi ko pa narinig, kaya’t nanatili akong tahimik ng matagal, dahil ayokong mapahiya ang aking sarili at isiping makakuha ako ng bagsak na grado.     Habang nakatayo ako at parang isdang tahimik, ang guro ay nakatingin sa may bintana, ipinatong niya ang kanyang siko habang tila wala siya sa kanyang sarili tanging Dios lamang ang nakakaalam ano ang kanyang iniisip. Tumayo lamang siya pagakalipas ng ilang minute at sinabi:

-Ang sagot mo ay medyo malayo sa tamang sagot kaya hindi kita mabibigyan ng mas mataas pa sa Gradong B…

Hindi ako makapagsalita, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko inaasahan yon at sobra ang aking katuwaan sa naging resulta. Pero sineguro ng aking kapatid na hindi pa doon natapos ang lahat.

  • Guro, bakit hindi niyo siya bigyan ng A, halos lahat ng tanong ay alam niya ang sagot. Bigyan niyo ng kasiyahan ang kawawang bata, tutal Bagong Taon ngayon. Mabuti kang tao at siya ay matalinong bata….

O sige, kayo ang masusunod. Bagamat hindi ko alam kung bakit mo ipinagpipilitan, hindi mo naman siya kapatid! -sabi ng guro at binigyan ako ng marakng A. Malakas na tawanan at palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng aming silid -aralan.

-Pinaghirapana niya yan, walang duda! Halatang-halata na nag-aral siyang mabuti.

Binabati ka namin! – ang sabi nila.

            Yon ang una at huling grado na aking natanggap na hindi karapat-dapat sa akin. Bagamat halos magkatulad na magkatulad kami ng aking kapatid, hindi tamang mag-aral ang isa lamang para sa aming dalawa. Habang lumalaki kami ganoon din ang aming pagkakaiba at nagsimula kaming magsuot ng magkaiba ng damit. Kaya, naging madali na sa iba na makilala kami.

Sa mga panahong yaon ay tinuturuan kami ng aming tatay na maglaro ng chess, nakikipaglaro siya sa amin araw-araw. Napakatiyaga niya sa pagtuturo sa amin, at nagpakita naman kami ng malaking pagkawili sa sinaunang larong ito. At dahi nagsisimula pa lang kami, madali niya kaming natatalo at ipinapaalam niya rin sa amin ang bawat pagkakamali namin sa aming mga pinagpasiyahang galaw…

Subalit habang lumilipas ang panahon, nagiging mas mahusay kami at naging bihasa, minsan nagagawan naming hindi na makagalaw ang kalaban. Hindi mahalaga sa aming tatay kung sino ang manalo, ang nais lamang niya ay sumunod kami sa mga panuntunan at huwag bumitaw sa aming mga kilos.

            Nagkaroon kami ng maraming karanasan sa pagsali sa samahang manlalaro ng chess, at mayroon din kaming mga manwal na naging kapaki-pakinabang sa amin. Pagkalipas ng ilang buwang regular na paglalaro sa isa’t-isa at sa ibang mga tao, nagkaroon kami ng tiwala sa aming kakayahan kaya nagtakda pa kami ng maraming pakikipaglaro sa aming tatay.

Habang ang aming lola at nanay ay nangakaupo sa kabilang silid nanonood ng mga pelikula, kami ng aking tatay ay inihahanda ang chessboard sa may kusina. Ang aking kakambal ang siyang magiging hukom tagahusga at tagapanood, bagamat ako ang kanyang kinakampihan at galak na galak siyang nagbubunyi para sa akin. Kalmado lang ang aming tatay at kaswal na nakikipaglaro sa akin, iniisip niya marahil na ilalampaso niya ako sa sahig. Subalit unti-unti ay naipanalo ko ang unang laban. Nabigla siya subalit galak na sinabi:

-Aba, ang tagal bago ka nakaisa…

Ang sumunod na laban ay medyo tumagal. Malaki ang tiwala ko sa sarili na tatalunin ko siya habang unti-unti ng kinakabahan ang tatay at nagsimula siyang lumaban ng husto. Tahimik na nakamasid ang aking kapatid sa tabi at tuwing ang aking mga piyesa ay namimilgro ay nag-uubu-ubuhan sya.

Naging madali sakin ang makasukol, at yon ay mahalaga sa akin ang madagdagan ang aking tiwala sa sarili. Ang ikatlong laro ang magpapasya, at sa simula pa lang malaki na ang naging lamang ni tatay. Nang mapagtanto ng aking kapatid na matatalo ako- pinuntahan niya ang aming ina at sinabihan ito:

  • Halika seguruhin mong matatalo ang aming tatay at i-atras niya ang kanyang mga hakbang!

Walang alam ang aming nanay sa larong chess, pero pinaniwalaan niya ang aking kapatid at sinimulan nitong awayin ang aming tatay.

-Kung hindi ka marunong makipaglaro at hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ay huwag ka ng makipaglaro. Isang sanay na manlalaro tapos iaatras ang kanyang mga hakbang. Dapat kang mahiya!

-Ano ba ang pinagsasabi mo? -tanong ng aming tatay.

            Habang sila ay nagtatalo ay sinamantala iyon ng aking kapatid upang itago ang isang piyesa ng aming ama. Ilang sandali pa at nagpatuloy kami sa aming labanan, pero ako ngayon ang nakakalamang. Sinamantala ko ng husto iyon at hindi nagtagal inamin ng tatay na natalo ko siya.

              Hanggang ngayon hindi ko alam kung paanong hindi niya iyon napansin, o dili kaya ay hindi na lang siya nagpahalata para ang aming laro ay maging mas kapana-panabik.

             Alin man doon, kaming tatlo ay nagtagumpay.

  8.                           ANG PAGBABALIK NI LOLA MULA SA OSPITAL

-Hoy kayo, andito na ako! – medyo Na nangangatal na sinabi ng lola habang siya ay papasok ng silid.

Hindi kami makapaniwala dahil kaninang umaga lamang ay isinugod siya sa ospital dahil sa lumala niyang kalusugan.

Sinabi sa akin ng aking manggamot na meron na lang natitirang 20-taon mahigit para ako mabuhay. Maari kong kainin, inumin ano man ang aking maibigan, pero pinayuhan niya ako na huwag ng magmaneho ng aking sasakyan at bawas- bawasan ko ang aking pagtakbo – sabi niya habang ibinabalik niya sa kanyang baul ang kanyang mga dalang gamit.

             -20 taon lang? – Ang igsi naman. – May pagkamanghang tanong ng akingtatay.

  • O Dios ko, nandito ka na pala?  Saan tayo nagkamali? – Tanong ng aming ina.
  • Hindi na masama yon lola, 80 anyos ka na ngayon. – Sabi ko naman.

Alam na alam ko yan apo. Pero, hindi yan ang puntos ko. Isang daang taon ang edad na inaabot sa ating pamilya. Hindi lang tayo magagaling kundi mahahaba pa ang ating buhay. At yan ang nakalagay sa ating kapalaran, natatandaan niyo ba. Iniisip ko kung paano kayo kapag wala na ako pagkatapos ng 20 taon. Sino ang magbubukas ng washing machine? Sino ang magpapakain ng mga isda sa aquarium? Sino ang magtatanggol sa inyo sa mga kapitbahay? -paliwanag ng lola na ipinapahiwatig niya na hindi kami mabubuhay kahit sandali kung wala siya.

Tila ang wala sa planong pagbabalik ni lola mula sa ospital ay nakapagpagulo sa lahat ng plano. Nasanay na kami na tahimik, payapa at mapag-isa, tapos biglang masosorpresa kami sa pagdating ng pinunong kumander kaya nasira ang panatag naming buhay. Nabigla ang aming tatay at ang nanay naman  bagamat siya ay malusog ay nagboluntaryong magpa-ospital sa halip na si lola. At hindi nila siya matanggap ng ganon-ganon lamang.

Pinayuhan kami ng aming daddy na magpasensiya sa loob ng 20 taon dahil ito ay madaling lilipas.  Binanggit ni lola ang tungkol sa isang tao na nabuhay ng daan-daang taon na nagngangalang Methuselah, pero hindi raw kilala ng aming tatay. Agad-agad ipinagpatuloy ni lola kung saan siya natigil at kami ay nagsumite ng aming ulat sa araw-araw naming ginawa habang wala siya.

Ang aming mga magulang ang mga direktang tagapagpatupad, habang kami ng aking kapatid ang mga tagapagmasid at, kung kinakailangan, ay mga utusan. Ang lahat ay naging maayos at walang nagreklamo at kung meron man, wala namang magbabago. Sa kabuuan, kami ay maaayos na pamilya.  Maraming mga tao ang naiinggit sa amin at ang ilang kapitbahay namin ay nagsasabing hindi madaling makapagtiis kanya karapat-dapat na mabigyan ng medalya ang aming nanay.  Hind namin nauunawang magkapatid ang lahat bagamat hindi kami hahadlang kung mabibigyan ng parangal ang aming matiyagang ina.

            Noong gabi ring yaon ay bumisita kami sa isang matagal ng mga kaibigan namin na nagdiwang ng isang kasiyahan, maraming mga imbitadong bisita at mga bata. Mainit ang naging pagtanggap sa amin at pinaupo ang aming lola sa pinaka -kabisera ng lamesa.  May isang di-gaanong katandaang babae ang matiim na nakatingin sa amin at punong-puno ng mga katanungan ang kanyang mga titig.

Sino ang mas matanda sa inyong dalawa? Meron ba kayong kapatid na babae? Mahusay ba kayo sa klase? – Tila gusto niyang malaman ang lahat dahil sa sunod-sunod niyang pag-uusisa.

Noong tanungin niya kami kung kanino kami mas malapit sa tatay ba o sa nanay namin, agad lumapit sa amin ang aming lola at sinagot ang kanyang tanong, kanyang ipinagdiinan na palagi siya ang mas malapit at una sa amin at walang makakapantay doon!

Subalit, tila hindi nasiyahan ang babae sa mga narinig niyang mga sagot namin at hindi siya huminto ng katatanong pa ng kung ano-anong mg bagay na tila kami ay mga musmos pa lamang. Mukha namang wala siyang masamang balak; mukhang naiinip lang siya kaya kami ang pinagbalingan niya ng kanyang pagka-inip. Ng mga sandaling yaon, napuno na ang aming lola.

-Ano ba ang problema mo ngayon? Pabayaan mo ang mga bata, hindi sila makakain ng dahil sa iyo!

            Namula ang pisngi nga babae at natahimik. Tila nahulog siya sa sahig sa labis na kahihiyan habang kami naman ay nakahinga ng maluwag. Tahimik na nakaupo sa tabi namin ang aming tatay at bumulong:

            -Lola, ikaw ang “boss…”

Ibinaling ng aming nanay ang kanyang mukha sa kabilang tagiliran na tila hindi namin siya kasama. Hindi ko mawari kung ano ang kanyang nadarama sa mga sandaling yaon, ngunit madali mong mahuhulaan.

Ganon pa man ay hindi naman naudlot ang kasiyahan, kaya sinimulan na namin ang pagkuha ng makakain.

    9.                           ANG AMING LOLA AT ANG KANYANG KASAL

Ano ang problema niya sa araw na ito? – Nagtataka ang aming tatay. – Parang may kakaiba sa ikinikilos niya. – Dagdag ng nanay namin.

 May mga sariling kaibigan at mga kasamahang babae si lola; bumibisita at nakikipagsosyalan sa kanila.

Isang araw, maagang-maaga ay bihis na bihis sya, ipinaghanda niya kaming lahat ng maiinom na kape at pinagsama-sama kami sa isang mesa, upang ibalita sa amin ang isang bagay na mahalaga.

-Ako ay magpapakasal! – Maigsing at malinaw na tugon niya.

Nasamid ang aming tatay habang tahimik na nagkatinginan kaming magkapatid.

-Paano? – Hindi makapaniwalang tanong ng aming tatay.

-O, nakikinita kung magiging maganda kang nobya! Tuwang-tuwang sabi ng aming nanay.

Subalit seryoso ang aming lola at sinabi niyang ang kanyang desisyon ay buo na at walang maaaring makapagpabago ng kanyang isip. Gusto niyang iukol ang nalalabi niyang buhay sa pakikipagsalamuha at may paggalang at pag-uunawaana sa isa’t-isa.

-Natutuwa ako na kayo ay magiging maligaya na may kasama, subalit nalulungkot ako na iiwanan mo na kami. – Sabi ng aking nanay.

-Hindi ako pupunta kung saan.- Sagot ni lola,- Dito siya titira sa atin!

Muling nasamid ang aming tatay, pero ngayon ay mas malakas at seryoso. Nanlaki ang kanyang mga mata hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

  • Hindi maganda ang nagmamadali sa mga bagay-bagay. Pakiusap, huwag kang magmadali sa mga ganyang desisyon.- Medyo sinisikap ng tatay ko na kumbinsihin si lola.

Nagpahiwatig si nanay na gusto niyang makilala ang napili ni lola na kanyang pakakasalan, sagot ni lola ay isa siyang napakabait at maalalahaning matanda, matagal na naging Enhinyero sa Agrikultura at nagretiro na may tatlumpong taon na ang lumipas at mas matanda kesa sa kanya.

  • At ang babait ng kanyang mga magulang! – pagyayabang ni lola. –  Isa silang tunay na maharlikang pamilya!

-Buhay pa ang kanyang mga magulang? – Pag-aalala ng aking tatay.

– Siempre buhay pa sila, pero medyo masasakitin na ang kanyang lolo.- Malumanay na tugon ni lola.

Yaon ang mga sandali na may mga bagay na hindi gaanong malinaw sa amin, bagamat halatang umiibig ang aming lola, at hindi siya mapapahinuhod basta. Subalit may kaunti siyang problema dahil ang mapapangasawa niya ay hindi pumapayag ang mga magulang na magpakasal ito.

-Bakit ayaw nila siyang payagan magpakasal? – tanong namin.

-Eh, bata pa raw siya at wala pa sa edad para mag-asawa.- Malungkot na sagot ni lola.

            -Tama sila! Susog ng aking nanay. – Hindi mo kailangan ang isang 80 taon na isip-bata! Kailangan mo ng mas higit na nararapat na mapapangasawa…

Sandaling natigilan ang aming lola, napag-isip-isip niya na may katotohanan ang aming mga payo sa kanya. Nakipag-usap siya sa aming nanay at tatay ng matagal at nagawa nilang makumbinsi siya na hindi ito ang tamang pagkakataon para sa kanya at dapat ay mangarap siya ng ibang mga bagay na mas makabubuti sa kanya. Sa huli napagtanto ni lola:

  • Kung hindi ako makakapagpakasal sa susunod na dalawampung taon, ay susuko na ako. Makakapamili ako, totoo yan, pero hindi ko kailangan magmadali. Para sa akin, kayo ang una sa akin at hindi ko kailangan ang sinuman! Sabagay kung siya ay may kwenta, dapat ay nakapag-asawa na siya  ngayon…

            Tama yan- Nasisiyahang sagot ni tatay, masayang napabuntunghinihnga.

  • Ang pakinabang sa kanya ay tulad lamang sa gatas ng isang lalaking kambing. Sabi ng aking nanay.

Tinanggap naming lahat ng masayang -masaya ang naging desisyon ng aming lola na hindi na niya itutuloy ang pagpapakasal.; bagamat pinakaba niya kaming lahat ng araw na iyon. Dahil sa totoo lang, ano ang ipagmamadali niya. Bakit siya magmamadali?

   10.                          ISANG MAHALAGANG PAKIKIPAG-USAP KAY TATAY

Kursunada ko talaga itong batang babae sa paaralan na may ginintuang buhok. At siempre, hindi magaling na nanay anag nanay ko kung hindi niya mapapansin ang pagbabago sa mga ikinikilos ko at alam niya agad kung ano iyon.

-Natutuwa ako! Ikakasal na ang aking anak! At siempre ikaw ang unang ikakasal dahil ikaw ang mas matanda. – sabi ng aking nanay.

Pakiusap nay, huwag kang tutulad sa kanila.- Sinusubukan kong proteksiyunan ang aking sarili.- Hindi mo ba nakikita na nag-aaral ako ng aking mga leksiyon.- sabi ko.

-Hindi ka nag-aaral; hawak mo lang yang aklat mo at may isang oras ka ng nakatitig sa kisame natin. Meron bang maaaring magpaliwang sa akin kung nasaan napunta ang iyong isip; kung meron ka pa noon!

Biglang lumapit ang aking kapatid at alam ko hindi niya ibubuko ang mga lihim na ipinagtapat ko sa kanya. Lumapit siyang mabuti sa aming nanay at tangkang ipagtatapat niya ang aking lihim kung sino ang dalagitang aking iniisip.  Noong una hindi ako makapaniwala sa nangyayari pero pinili kong obserbahan na lang ang nangyayari na kasing lamig gaya ng pipino.

  • Nanay, ipaliliwanag ko sayo lahat tungkol sa kanyang sinisinta at kung kaninong anak sya. Kilala mo ba yong si tiyo Esteban na nagmamay-ari ng isang pagawaan ng mga sasakyan? – Kwento ng aking kapatid.

-Iyon bang pagawaan sa dulo ng bayan, sa likod ng palengke? – Tanong ng aming nanay.

-Tama ka. – Kinumpirma ng aking kapatid.

  • At yong asawa niya ay nagtatrabaho sa pagawaan ng sapatos? – Tanong uli ng aming nanay.
  • Tingnan mo alam mo.- patango tangong sabi ng kapatid ko.
  • Nakikinig lang ako sa kanila at nakaupo ako sa kanilang tabi pero hindi ko talaga naiintidihan kung ano ang pinag-uusapan nila dahil walang kinalaman sa dalagita ang mga taong binabanggit nila.
  • Sabagay mabuting pamilya sila. -Pormal na sinabi ng aking nanay.
  • Opo, mabait silang pamilya, pero ang anak nila ay walang kinalaman sa pinag-uusapan natin, ibang babae ang sinasabi ko! Biglang sinabi ng kapatid ko at natawa.
  • O, pwedi ba, pumasok ka na sa silid mo. Ayoko ng makinig pa sa iyo! -sabi ni Mama. Magkapareho talaga kayo! – sabi ng nanay ko sabay sarado ng pintuan ng kusina. Naintindihan niya na inililigaw siya ng aking kapatid kaya iniwan na niya akong mag-isa.

Subalit hindi natapos doon ang lahat. Ang balita ay halatang mabilis na umabot sa aking tatay at sineryoso niya agad- agad ang lahat. Iniisip niya seguro na tungkol ito sa seryosong bagay, o dili kaya ay alam niya at seryosong-seryoso siya ng simulan niya akong pangaralan sa isang mapagkakatiwalaang tono ng pagsasalita:

-Anak ko, alam ko ang nararamdaman mo. Naranasan ko yan noon at nauunawaan kita ng husto. Pakinggan mo akong mabuti. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto at huwag kang magtitiwala sa kanya, lalo na kapag nagsisinungaling siya sayo. Lahat ay dapat alam at gagawin niya ang kanyang tungkulin.! Kapag hinayaan mo ang iyong magiging biyenan na makialam, ang iyong buhay may-asawa ay isang kasong talunan.

Tay, ano ba ang pinagsasasabi mo? -Sinikap kong pahintuin ang aking ama na nadala ng kanyang damdamin at naging masyadong seryoso. Nakakatawa ang dating sa akin at kalahati ng kanyang mga sinabi ay hindi ko naunawaan.

Ngunit hindi siya napigilan magpatuloy.

-Lahat sila ay pare-pareho kaya dapat na ipukpok mo ang iyong kamao sa lamesa! At magkano ang tatlo dagdagan ng tatlo? Pakinggan ko nga…

  • Mali yan. Anim! Tingnan mo, wala kang ideya, isa kang batang sira-ulo at gusto mo ng manligaw ng mga babae!- Sabi ng tatay ko sabay dagdag:

-Walang makakakaya sa kanila, at paano mo gagawin yan samantalang ipinupunas mo pa ang sipon mo sa iyong manggas. Anak ko isa yang malaking kalokohan na kung saan ang ang tangi mo lamang madarama ay panghihinayang. Marami akong naging karanasan at walang bagay akong hindi nalalaman.

  • Maari ba kitang matanong kung alam mo nga ang lahat? – tanong ko naman.
  • Sige ano yon, magtanong ka! – Tugon ng tatay ko.
  • Kailan maglalaro ang Barcelona?
  • Palagay ko bukas!

Doon natapos ang pakikipag-usap sa akin ng aking tatay tungkol sa usapin ng Unang Pag-ibig. Hindi nagtagal napagtanto ko na para lang kaming nasa palabas ng mga mangmang.

Subalit, hindi yon nagpatigil para magsimula kaming magkwentuhan.

April 1, 2020

1:02 AM

ANG MAY-AKDA

Si Milutin Djurickovic ay ipinanganak taong 1967 sa Dečanе. Nakamit niya ang kanyang titulong Doktor sa larangan ng Pilosopiya sa Silangan ng Saravejo. Nagtrabaho siya bilang isang propesor sa Kolehiyo ng mga Propesyonal na Pag-aaral para sa mga Tagapagturo para sa Aleksinac.

Isang tagapagtulungan ng maraming pahayagan at babasahing magasin. Kinatawan ng may 40 mga antolohiya ng mga tula at mga pambata at pang matatandang mga kwento.   Ang kanyang kinathang mga tula ay isa-isang isinalin sa may 20 iba’t-ibang mga wika.

Kaanib siya sa tinatawag na Maharlikang Akademiko ng Serbia (Serbian Royal Academy), Pandaigdigang Samahan ng mga Makata (World Union of Poets), Samahan ng mga Manunulat sa Serbia (Association of Writers of Serbia), at ng Samahan ng mga Mamamahayag ng Serbia. (Association of Journalists of Serbia).

Nakapaglathala siya ng may 60 mga aklat para sa mga bata at mga matatanda (tula, nobela, kwento, kritiko, monograpiya, antolohiya…).

Siya ay nakatira sa Belgrade.

Tagapagsalin

Eden Soriano Trinidad

Siya ay isang pandaigdigang makata. Siya ay Punong-Tagapamahala ng Lucio Abrigo Memorial Learning Center, sa San Agustin, Iba, Zambales, Pilipinas na kanyang pinasimulan noong 1991. Siya ang kauna-unahang “Featured Cover ng “1st Album of Foreign Poets na nilimbag ng “Influence of Chinese Poetry” sa bansang Tsina. Pinagkalooban siya ng iba’t-ibang sertipiko ng pagkilala at parangal mula sa iba’t ibang pandaigdigang samahan ng mga makata.  Isa siya sa “Board of Director” ng Galaxy Poetic “Atunis” sa Belgium. Siya rin ang Pandaigdigang Pangalawang Pangulo ng Jara Foundation Nepal sa bansang Nepal, “1st Holder of Goodwill Ambassador for Waheed Center Humanity and Humanitarian Development Center (WCHHD)” sa Ghana Africa at “Ambassador for Creativity and Humanity” sa bansang Morocco sa ilalim ng “International Forum for Creativity and Humanity (IFCH)” at miyembro sya ng “China Poetry Network” at “China Writer Network”. Ang kanyang mga isinulat na mga tula ay isinalin at inilathala sa iba’t-ibang wika sa mga pandaigdigang website, at magazines gaya ng mga wikang Telugu at Hindi sa India, Chinese, Vietnamese, Russian, Polish, Nepali, Arabic at Spanish.  Isinalin niya sa wikang Filipino ang epic na aklat ng tanyag na manggagamot sa puso, makata at manunulat na si Dr. Lanka Siva Rama Prasad na may pamagat na “Ang Dakilang Kahon ng Vermillion”, “Umaambon na Init ng Araw” mga tulang Zen ni Krishna Prasai na kilalang makata at manunulat sa Nepal at “Panahon ng Basura”, na isinulat naman ng tanyag na Vietnamitang manunulat at makata na si Mai Van Phan.

Isinalin at inilathala bilang aklat ng mga tanyag na mga makata at manunulat ang kanyang mga aklat ng mga tula na may titulong Eden Blooms, Symphony of Souls, Mga Koleksiyon ng mga Tula sa mga wikang Telugu- Dr. Lanka Siva Rama Prasad, sa wikang Hindi- Dr. Navin Kumar Upadhyay, sa wikang Serbian- Dr. Professor Milutin Djurickovic.

TALAAN NG NILALAMAN

  1. ANG AMING PINAGMULAN AT KAPANGANAKAN
  2. ANG UNANG ARAW SA KINDERGARTEN
  3. ANG LAKBAY ARAL-SA BUNDOK
  4. ANG MGA BATA SA KAPITBAHAY
  5. ANG PAGDIRIWANG NG IKA-5 TAONG KAARAWAN
  6. ANG AMING MGA NATUKLASANG PILOSOPIKA
  7. KAKAIBANG KARANASAN SA LARONG CHESS
  8. ANG PAGBABALIK NI LOLA MULA SA OSPITAL
  9. ANG AMING LOLA AT ANG KANYANG KASAL
  10. ISANG MAHALAGANG PAKIKIPAG-USAP KAY TATAY

ANG MAY-AKDA

ANG TAGAPAGSALIN