Ikaw ba ay interesado sa pagsusulat? Madalas ka bang tumula? Nakasulat ka na ba ng nobela o screenplay? Mag-apply na para sa Associate in Arts (Malikhaing Pagsulat sa Filipino)!

Narito ang requirements:

1. Nagtapos ng High School / Senior High School o mga bukas sa pagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo mula sa pagiging freshman sa kolehiyo

2. Pagpasa sa qualifying test na ibibigay ng Departamento sa takdang panahon

3. Nasagutang application form (sagutan dito ang Google form https://docs.google.com/…/1FAIpQLScRWlFkt-NPqNFCl-…/viewform 

4. SCANNED copy ng High School Report Card (Form 137), may GWA na 85 (Junior at Senior High School).

5. Halimbawa ng mga nagawang akda (kombinasyon ng dalawa hanggang tatlo mula sa mga sumusunod) (Times New Roman, size 12, double spaced, PDF):

a. tula (5)
b. maikling kuwento (5-10 pahina)
c. maikling sanaysay (5-10 pahina)
d. kuwentong pambata (1-5 pahina)
e. nobela o nobeleta
f. dula (dulang may isang yugto o 10 minute play)
g. teleplay o skrip sa pelikula

6. Halimbawa ng mga sulatin o malikhaing akdang nailathala sa school paper o/at sa ibang publikasyon, kung mayroon (SCANNED COPY)

7. Rekomendasyon mula sa isang dating guro sa larangan ng panitikan, wika, o/at malikhaing pagsulat,  (scanned copy, naka-address kay Dr. Vladimeir B. Gonzales, Tagapangulo, UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas)

Paalala: Ang mga numerong 4-7 ay dapat iemail sa aplikasyon.aampf@gmail.com.

Alalahanin Ang Mga Importanteng Petsa:

Pagtanggap ng aplikasyon–Hunyo 11-29, 2020
Written Exam –Hulyo 13, 2020, 9:00 n.u. (Lunes)
Resulta ng aplikasyon – Agosto 8, 2020 (Sabado)