ng Kataga-Manila-South

Ang Baclaran: Unang Biyahe ay isang antolohiyang naglalaman ng mga tula, kuwento, sanaysay, at dagling nakasulat sa Filipino mula sa mga kasapi ng Kataga-Manila-South, isa sa mga sangay ng Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc. Ang Kataga-Manila-South ay binubuo ng mga manunulat mula sa Pasay, Taguig, Makati, Muntinlupa, at kahit hanggang sa Cavite at Laguna. Nakaangkla ang Kataga-Manila South sa deklarasyon ng Kataga na naniniwala sa lakas ng salita tungo sa makasining at makabuluhang pagsusulat. Layunin ng antolohiya na ipadama ang danas at ilunsad ang mga progresibong pagtuklas ng mga manunulat na namumuhay at/o nagtatrabaho sa “south.” Baclaran ang napiling pamagat ng antolohiya dahil ang Baclaran ay lunan ng pakikipagsapalaran. Napakaraming tao ang dumadaan, tumatambay, rumaraket, natutulog, nagdadasal, at nangangarap sa Baclaran. Wala nang baklad sa Baclaran pero nagtataglay pa rin ito ng mga luma at bagong naratibo na gustong isapapel ng mga manunulat ng Kataga-Manila-South. Bata man ang karamihan sa mga manunulat, hindi naman kinukulang sa liksi, tapang, at katapatan ang mga akdang napapaloob sa antolohiya.

Baclaran-Unang-Biyahe

BACK TO FREELIPINIANA MAIN DIRECTORY