*Para sa Tomo 4, Bilang 2 (Disyembre 2020) [Dedlayn: Setyembre 30, 2020] at Tomo 5, Bilang 1 (Hulyo 2021) [Dedlayn: Enero 30, 2021]
Impormasyon Hinggil sa Journal na KAWÍNG ng PSLLF
Ang Kawíng ay refereed/peer-reviewed at open access na journal sa Filipino ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. (PSLLF). Inililimbag ito nang dalawang beses isang taon (tuwing Hulyo at Disyembre). Pangunahing layunin ng journal na maitaguyod ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan at maipalaganap ang mga bagong likhang panitikan ng mga manunulat sa wikang Filipino. Ang International Standard Serial Number/ISSN ng Kawíng ay 2546-1079 (Online) at 2546-1060 (Print).
~~~
Mga Lahok na Tinatanggap sa Journal na KAWÍNG ng PSLLF
Tumatanggap ito ng mga artikulo/papel/saliksik at rebyu sa wikang Filipino. Sa bawat isyu ay maaari ring maglaan ng espasyo ang lupon ng editor para sa isang artikulong nakasulat sa English (mababasa sa dulo ng post na ito ang detalye kaugnay nito). Maaari ring magpasa rito ng sanaysay, tula, maikling kwento, dagli, creative nonfiction at iba pang akdang pampanitikan sa wikang Filipino. Ang mga salin sa Filipino ng mga akdang pampanitikan mula sa iba pang mga wika sa Pilipinas o mga wikang dayuhan ay tinatanggap din. Prayoridad ng journal ang mga akdang pampanitikan na may kabuluhang panlipunan.
~~~
Dedlayn ng Pagsusumite ng Lahok
Tuluy-tuloy ang pagtanggap ng mga artikulo/akda. Kapag nakapasa na sa proseso ng rebyu ang artikulo/akda ay agad itong ilalathala sa isyu ng Kawíng na kalapit ng petsa ng pagpasa sa proseso ng rebyu.
Dedlayn para umabot sa isyung pang-Hulyo: huling araw ng Enero
Dedlayn para umabot sa isyung pang-Disyembre: huling araw ng Setyembre
~~~
Halimbawa ng Mga Tema ng Artikulo/Papel/Saliksik
Malaya ang tema ng bawat regular na isyu ng Kawíng. Anumang artikulo/papel/saliksik at rebyu na may kaugnayan sa wika, panitikan, kultura at lipunang Pilipino/Filipino ay maaaring ipasa. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng ispesipikong tema ng artikulo/papel/saliksik at rebyu na maaaring ipasa:
Mga Isyung Pangwika
Mga Debelopment sa Gramatika ng Wikang Pambansa
Teorya, Praktika/Metodolohiya ng Pagtuturo ng Mga Babasahing Mandatori
(“Noli Me Tangere” atbp.)
Kontemporaryong Identidad at Kultura ng Mga Pilipino
Mga Saliksik sa Leksikograpiya sa Pilipinas
Representasyon ng mga Pilipino sa Midya
Paggamit ng Wikang Filipino sa Midya
Wikang Filipino Bilang Wikang Panturo sa Iba’t Ibang Asignatura
Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo sa Edukasyon
Teorya at Praktika ng Pagsasaling Teknikal at Pampanitikan
Bagong Pagsusuri sa Teksto at/o Mga Tauhan ng Mga Babasahing Mandatory
Mga Bagong Metodolohiya sa Pagtuturo ng/sa Filipino
Pagbuo ng Makabayang Kurikulum
Patakarang Pangwika ng Pilipinas
Teorya at Praktika ng MTB-MLE sa Pilipinas
Suring-basa ng (mga) bagong aklat (nobela, antolohiya atbp.) sa Filipino
Rebyu ng (mga) bagong pelikula
Ang mga nabanggit na tema ay pawang mga halimbawa lamang. Maaaring magpasa ng mga pananaliksik at artikulo na di saklaw ng tema basta’t may kaugnayan sa wika, panitikan, kultura at lipunang Pilipino/Filipino.
~~~
Proseso ng Double Blind Review/Refereeing
Ang bawat ipapasang lahok sa Kawíng ay sasailalim sa proseso ng double blind review o proseso ng refereeing.
LIBRE ANG PAGPAPADALA NG ARTIKULO/AKDA SA KAWÍNG AT LIBRE RIN ANG PAGLALATHALA NITO. Miyembro man o hindi miyembro ng PSLLF ay maaaring magpasa sa Kawíng.
Proseso ng Pagsusumite ng Lahok
IPADALA SA EMAIL NA ITO ANG DALAWANG MAGKAHIWALAY NA WORD FILE NG IYONG LAHOK (UNANG FILE: ARTIKULO/AKDA NA MAY PAMAGAT NGUNIT WALANG PANGALAN AT ANUMANG PAGKAKAKILANLAN NG MAY-AKDA; IKALAWANG FILE: IMPORMASYON HINGGIL SA MAY-AKDA): [email protected]
Kalakip ang format ng DALAWANG WORD FILE na kailangang isumite: UNANG FILE (ARTIKULONG MAY PAMAGAT PERO ANONIMO/WALANG PANGALAN); IKALAWANG FILE (MAY PANGALAN, BIONOTE ATBP.)
~~~
Citation at Referencing Style
Mula Tomo 4, Bilang 2 (isyu para sa Disyembre 2020) APA ang citation at referencing style na kinakailangang sundin para sa mga artikulo/saliksik/rebyu. Kaugnay nito, maaaring sangguniin ang mga sumusunod: https://www.mendeley.com/guides/apa-citation-guide at https://www.citationmachine.net/apa/cite-a-book
~~~
Rubrik sa Pagrerebyu ng Artikulo/Papel/Saliksik/Rebyu para sa Kawíng
Ang rubrik sa pagrerebyu ng mga artikulo at akda para sa Kawíng ay masisipat dito.
~~~
Pagsusumite ng English na Artikulo
Tumatanggap din ng mga artikulong English ang Kawíng, ngunit isa lamang artikulong English kada isyu ang maaaring ilathala. Ang mga artikulong English na ang paksa ay o kaugnay ng Philippine linguistics/linggwistikang F/Pilipino, Filipino language/wikang Filipino, at Philippine literature/panitikang Filipino o panitikan ng Pilipinas, ang bibigyang-konsiderasyon. Aplikable rin sa mga artikulong ito ang format at proseso para sa mga artikulong nasa Filipino. Samakatwid, kinakailangang may abstrak sa Filipino ang isusumiteng artikulo sa English.
~~~
Para sa regular na updates kaugnay ng panawagang ito, bisitahin at i-like ang www.facebook.com/PSLLF at bisitahin ang https://psllf.org/panawagan-kawing-journal/
~~~