Muling nagbabalik ang Likhaan UP Institute of Creative Writing sa ikaapat na yugto ng GANAP na pinamagatang “Lungsod-Lungsuran.” Ang yugtong ito ay ipinangalan sa itinatampok na koleksyon ni Louise O. Lopez na naglalaman ng mga tulang nilikha mula, tungkol, at para sa lungsod. Kasamang itatanghal ang iba pang katulad na akda ng iba pang kasamang makata. Matutunghayan ang mga tula sa 26 Setyembre 2020, 6PM.

Ayon kay MJ “Xi Zuq” Tumamac, makata at manunulat ng mga kuwentong pambata, muling ipinamamalay ng koleksyong Lungsod-Lungsuran “[ang ilang] katotohanang bunga ng mga pakikipagbuno ng mga namamalayan nang imahen ng lungsod sa mga danas ng sarili.” Maaaring matagpuan ang sarili sa mga salaming bumabalot sa matataas na gusali ng lungsod, maging sa dagat ng komyuter na tila aanurin ang ating diwa.

Sa yugtong ito, tayo ay sasamahan ni Louise O. Lopez, ang awtor ng tampok na koleksyon, at nina Dr. Joey Tabula, Sophia Gulle, Carlos Piocos III, Patricia Reyes, at Kahlil Labastilla.

Joey A. Tabula studied Medicine at the University of the Philippines. He was the editor of “From the Eyes of a Healer: An Anthology of Medical Anecdotes.” He is the vice president and publisher of Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) and a board member of Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). He is currently writing his thesis for MFA in Creative Writing at the De La Salle University.

Sophia Gulle is a 14-year old, 8th grade student at Homeschool Global/Victory Christian International School. She lives in Imus, Cavite. She always has an appreciation for art. Her hobbies include singing, painting and writing, among other things.

Si CARLOS M. PIOCOS III ay associate professor sa Departamento ng Literatura ng De La Salle University. Nagtapos siya ng BA Comparative Literature sa UP Diliman, MA Critical and Cultural Theory sa Cardiff University, UK at PhD Comparative Literature sa The University of Hong Kong. Siya ay may-akda ng dalawang aklat ng mga tula, Corpus (University of Sto. Tomas Publishing House, 2011) at Kung Ang Siyudad ay Pag-ibig (University of the Philippines Press, 2019). Mananaliksik rin ng panitikan at kultura sa Timog-Silangang Asya. Ang kanyang salin ng maiikling akda ng tenaga kerja wanita o migranteng manggagawang kababaihang Indones, ang Mga Bantay-Salakay sa Loob ng Aking Bahay, ay inilathala ng Sentro ng Wikang Filipino nitong nakaraang buwan at ang kanyang unang kritikal na manuskrito, Affect, Narratives, and Politics of Southeast Asian Migration, ay ilalathala ng Routledge sa susunod na taon.

Patricia Reyes is a 20-year old incoming 3rd year BS Chemistry student at the University of the Philippines, Los Baños Campus. Just recently, she took part in Ampalaya Monologues’ Spoken Word Champ Philippines and reached the semi-finals. Overall, writing for her is the main weapon of this generation. It is a tool for the “Hopes of this country”, which Rizal was talking about.

Kahlil Valencia Labastilla was born and raised in Manila. He is a founding member of The Time of Assassins Literary Guild, an independently organized group of budding writers. Under said group he has released two short stories, found in the anthologies Cheap Lives and Hard Drives and Open Fire, respectively.

Si Louise O. Lopez ay lumaki sa Cavite at nakatira sa Mandaluyong. Isa siyang freelance worker sa cultural at development sector. Mababasa ang kaniyang mga salin sa: Ang Lalaking Nakalilipad at Iba pang mga Kuwentong Czech (2017) ng Komisyon sa Wikang Filipino; Malikmata: Mga Kuwentong Kababalaghan mula Czech Republic (2018) ng Ateneo de Naga University Press; at Haka: Anthology of European Speculative Fiction (2019) ng Anvil Publishing. Nito lang ay inilabas ng Librong Lira ang una niyang koleksiyon ng mga tula, ang Lungsod-lungsuran.

May iilan sa atin na lalong nalapit sa kanilang sarili sa tagal ng panahong tayo’y nakakulong sa ating mga tahanan. Ngunit para sa iba, ang sarili ay natatagpuan sa labas, sa pagsabak sa kalsada, ito man ay kanilang pinili o hindi. Tayo man ay muli nang nakakalabas, burado pa rin ang ating mga sarili sa pagbubuwis ng buhay para lamang mabuhay.

Maglaan tayo ng isang gabi upang muli nating iligaw ang ating mga diwa sa mga pasikot-sikot na eskinita’t pasilyo ng lungsod. Muling tuklasin ang ating sitwasyon sa isa na namang makabuluhang #GANAP sa darating na Sabado.