by Litera Club

Mula sa okasyon ng pagdiriwang sa Buwan ng Panitikan, nailunsad ang huling kalipunan para sa klase ng Creative Writing ang antolohiyang may pamagat na “Balangaw.” Sa dalawang seksiyon ng AB English ay pumili ng mga pinakamahuhusay na mga tula, kuwento at dula. Kaya naman ang ilang sa mga akda ay napili rin sa Malikhain na kalipunan mula sa 2009-2018.

Ang mga bukod-tanging mga manunulat mula sa ABE section A at B ay nagsanib para makapaglimbag ng koleksiyong ito. Ang 10 sa 21 tula ay mula kina John Paul Llante, Kyla Salazar, Chrisal Jagong, Xyrin Jayne Magalang, Rizalyn Magno at Ella Sophia Malco. Samantalang, ang apat sa pitong kuwento ay mula kina Dhiana Huelgas, John Earl Manlisis at isang dula mula kay Marieneth Malubag.

Nasubaybayan ko ang naging simulain hanggang sa pagtatapos ng mag-aaral na ito. Mula sa klase ng Language and Society noong ikalwang semestre  ng 2016  at paglalahad ng papel pananaliksik noong 2017. Nagkaroon din ng pagkakataon para makapaghanda ng ilang panukalang proyekto para sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga SIning ang klase at mapalad na mabigyan ng grant para sa Saling Awit, Saling Tula nang 2018.

Kaya hindi katakatakang maraming naibunga ang mga binhi na hinasik noong una. At tunay na makulay ang mga silahis ng bahaghari sa mga mag-aaral ng malikhaing pagsulat.

Litera-Club_Balangaw

BACK TO FREELIPINIANA LIBRARY