Napakaraming uri ng pagmamahal, ngunit kadalasan ay pinipilit nating hanapin ito sa piling ng nobyo o nobya. Kilalanin ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig sa ikawalong episode ng GANAP, “Pag-ibig, Paglaya: Mga Mukha ng Pagmamahal.” Tampok sina James Degollado, Jas Feria, Jem Ponce, Lance Abellon, at Roan Mendoza.

Si James Bryan C. Degollado ay isang spoken word artist na nagtapos sa Pamantasan ng Adamson sa kursong Sikolohiya. Miyembro ng grupong LAYA Collective. Dalawang taon na siyang tumutula at nagtatanghal ng mga tula sa harap ng maraming tao at likod ng kamera. Simple lang ang nais nya, ang magpahayag ng pagibig, katarungan, kabutihan at Kalayaan. Naniniwala sya na ang lahat ay babalik sa pagmamahal.

A poet by heart, a writer and musician by passion, Jas is a seasoned individual filled with ideas. His numerous poems reflect his inner thoughts of society. Over the Covid-19 pandemic and quarantine, he managed a blog and podcast called “Homemade Getaways” with his friends, and he won first place in CMLI’s OnCon spoken word poetry (English) when he was a delegate.. For six years he was part of the prestigious De La Salle Zobel High School Chorale, and was head of the writing committee 2017-2018 and 2019-2020.

Jem “Chemmy” Ponce is an aspiring spoken word poetry artist, graphic designer, and a musician under LAYA Manila collective. She is an advocate of God’s everlasting love and growing to find one’s self in arts and poetry.

Si Lance Abellon ay ang nasa likod ng grupong LAYA Manila. isang kolektibang layong makapagbigay inspirasyon sa pamamagitan ng tula at musika mula pa noong 2017. Inibig kaya ikinakalat ang pag-ibig. Lumaya kaya ikinakalat ang paglaya. Sining ang pahinga at paghinga.

Si Roan Mendoza ay isang guro na naglalayon na palaguin pa ang sarili sa larangan ng pagsulat at pagtula. Isang Baybayin Advocate at manunula ng Guhit Pinas. Miyembro ng LAYA Manila at Thoughts Visualized Community. Aktibong nakikilahok sa mga organisasyong naglalayon na payabungin ang sining sa Pilipinas. Naniniwala siya na ang kanyang pagtula ay isang pagbabalik sa sining na patuloy na humuhubog sa kanya.