Lumiit ang mundo simula nang nag-lockdown. Buti na lang may mga libro (Facebook?) na nagsilbing libangan at bintana sa mundong hindi muna natin magagalawan. Naging lifesaver ang mga libro, lalo na sa mga mahilig talaga magbasa bago pa man magkapandemya. Sa ikalawang episode ng PAN, maki-chika tayo sa ating mga kaibigang booklover sa “Buklatan: A Day in the Life of a Booklover,” gaganapin sa 27 Marso 2021, 3PM.

Iba-iba ang style ng booklovers sa panahon ng pandemya. May mga booklover na kung magbasa ng libro ay akala mo wala nang bukas, at siguro nung nagsimula ang lockdown, naubusan agad sila ng mababasa. Maaaring binasa na lang nila muli ang kanilang favorites, o kaya naman ay naging Shopeeholic sa ngalan ng literatura. Mayroon ding iba sa’tin na sa wakas ay nagkaroon na ng #damingtime para pansinin ang gabundok ng librong binili, pero hindi binasa. Andyan din ang mga nangolekta ng mga PDF dahil “free books is lyf.” Minsan kasi, kahit mahal mo, mas mahal ang price tag nito.

Marami pa tayong hindi nabanggit, kaya nag-imbita tayo ng mga panauhin na magbabahagi ng kanilang danas bilang isang booklover sa panahon ng COVID-19. Sa episode na ito, sasamahan tayo ng ating kaibigang bookworms na sina Patrice Marco, Kwesi Junsan, Steno Padilla, at Kalil Almonte.

Kung na-miss mo nang makipagchikahan sa iyong kapwa booklovers, tara na! Kung gusto mo, magtimpla ka na rin ng kape para kunwari nasa cafe tayo. Sa huling Sabado ng Marso, pagsasaluhan natin ang ating pagmamahal para sa pagbabasa. 

———

Tungkol sa mga panauhin:

Patrice Marco
Kasalukuyang nagtatrabaho sa Philippine General Hosp bilang isang nurse, nakapag-sulat na rin ng ilang fiction for some publishing house at ngayon ay naninirahan sa Sampaloc, Manila.

Kwesi Junsan
Born and raised in Koronadal City, South Cotabato, Kwesi M. Junsan is an avid reader, an aspiring playwright, and alternative filmmaker.

Steno Padilla
Tubong Baliwag, Bulacan, si Steno Padilla ay nagwagi ng dalawang Lampara Prize para sa kanyang mga nobelang pangkabataan; naging fellow sa iba’t ibang writing workshop sa bansa; contributor sa Katitikan Journal (katha), Busilak (tula), A/PART (tula), Be Me Anthology (katha), at Dx Machina 1 (katha); at kasalukuyang editor sa isang healthcare publication.

Kalil Almonte
Si Kalil Almonte ay isang freelance theater actor.