Boac, Marinduque – Ang Marinduque State College Culture and the Arts (MSCCA) Theater Guild ay nagsagawa ng virtual na pulong sa pamamagitan ng zoom noong Marso 12, Biyernes. Kasama ang mga miyembro at pamunuan ng MSCCA Theater Guild ang playwright at manunulat na si Rex Sandro Nepomuceno at MSCCA head na si Dr. Randy Nobleza. Sa pangunguna ng MSCCA Theater Guild Artistic Director, Carl Ian Lagar at mga kasamahang guro sa School of Arts and Sciences sina Bb. Aubrey Matibag at G. Jerome Lingon ay nilahad ang isasagawang isang-yugtong eksperimental na dula ni Nepomuceno.

Ayon sa manunulat at mandudula, pinasa niya ang dula bilang bahagi ng pangsentenaryong pagdiriwang ng Marinduque noong Pebrero 21, 2020 sa inisyatiba ng Hearts Council for Culture and Arts na [email protected] arts exhibit.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan pagsapit ng Abril, bilang paggunita sa araw ni Balagtas ng Abril 2 ang buong buwan ay inilaan para sa Panitikan, ipapalabas ang Getsemani ni Rex Nepomuceno at bibigyang buhay ng MSCCA Theater Guild.

Ang MSC Theater Guild ay resident company ng MSCCA kasama ng Brass Band, Choir, Putong Group at Dance Troupe. Si Rex Nepomuceno ay kasalukuyang nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Departamento ng Komunikasyong Pasalita at Teatrong Pansining.

Credits to MSC Theater Guild and Carl Ian Lagar
MSCCA Theater Guild photo courtesy of Carl Ian Lagar