Sa wakas, maipapakilala na namin sa inyo ang mga dyornal na inilaban at pinagsikapang mabuo nitong 2020, pero nalimitahan ng pandemya at ng mga kasabay nitong karamdaman. Samahan ninyo kami sa aming pagsalubong sa “Pasasalamat at Pagsulong: Paglulunsad ng Likhaan Journal 14 at Dx Machina 1 and 2.” Ito ay gaganapin sa ika-31 ng Marso, 3 n.h.

Gaya ng marami, malaking bahagi ng aming mga planong proyekto sa Likhaan ang naantala dahil sa COVID-19. Kasama na rito ang Likhaan: Journal of Contemporary Literature, na taon-taon naming inililimbag. Pero nananatili ang paniniwala naming esensyal pa ang literatura sa panahon ng krisis, dahil ito ay nagsisilbing koneksyon natin sa lipunan, sa daigdig at sa kapwa. Kaya sinikap naming mabuo ang Likhaan Journal, at iniluwal din ang panibagong antolohiyang kakalap sa mga naratibong umuusbong kaugnay ng ating pandemic experience: ang “Dx Machina: Philippine Literature in the Time of COVID-19.”

Pinasasalamatan namin ang mga manunulat na ibinahagi ang kanilang mga akda. Hindi madali ang pagsusulat, lalo pa sa panahong kailangan nating unahin ang pagiging ligtas, malusog, at buhay, bago ang lahat. Napatagal man ang proseso, narito tayo’t sasalubungin itong munting tagumpay.

Sa ating lunsad-aklat, sasamahan tayo ng ating mga fellow mula sa Likhaan para ipakilala ang mga dyornal, at ibahagi na rin ang pinagdaanan ng mga koleksyong ito. Mayroon din tayong mga mambabasa na ipapasilip ang ilan sa mga akdang isinama sa mga dyornal.

Samahan ninyo kami sa aming pasasalamat at pagdiriwang. Hindi makukumpleto ang literatura kung wala ang mga mambabasa nito.

——————————–

MGA TAGAPAGPADALOY

Teetin Villanueva
Vic Robinson

MULA SA LIKHAAN

Cristina Pantoja-Hidalgo
Director Roland Tolentino
Vlad Gonzales

MGA TAGABASA

LIKHAAN 14

Jen Eusebio
Joel Toledo
Ralph Fonte

DX MACHINA 1

Isay Embérga Sinfuego
Paul Rico de Lara
Raphael Luis Salise

DX MACHINA 2

Chuckberry Pascual
HG Severino
Shane Carreon