Umil, Roberto Ofanda

Ipinanganak si Roberto Ofanda “Abet” Umil noong 11 Enero 1961 sa Salcedo, Eastern Samar. Ngunit siya ay napadpad na at nanirahan sa Pinabacdao, Western Samar, Makati, Project 4, Sapang Palay, Pasay, Malabon, Bangued, Pandacan, Muntinlupa, Aparri, Zamboanga at Davao. Nag-aral siya ng BS Agriculture sa Gregorio Araneta University Foundation. Habang nasa pamantasan, naging masugid siyang estudyante ng pambansa-demokratikong kilusan. Ito ang malaking impluwensiya sa kanya noong siya ay maging Institution Worker sa PGH taong 1984. Dahil dito, naaresto siya at nakulong noong 1988 (warrantless arrest- Umil vs. Ramos case). Nang makalaya siya nang taon ding iyon ay nagtuon siya sa panulat. Una siyang naka-attend ng workshop sa LIRA, sunod sa PANULAT (1988), GAT (1990) at UP National Writers Workshop (1992). Founding member siya ng Tumbang Preso, organisasyon ng mga batang multi-media artist. Nanalo sa Gawad Ka Amado at Palanca ang ilan sa mga koleksiyon niya ng tula. Naging kasapi rin siya ng Akdang Bayan, isang organisasyon ng mga manunulat.

Nagsusulat siya ngayon para sa GMA 7, nakatira sa Muntinlupa kasama ang kanyang asawa’t mga anak at nag-aaral ng Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman.

Unite, Amado L.

Amado L. Unite was born in Ermita, Manila, on September 13, 1923, but grew up in Ballesteros, Cagayan, where he finished his secondary schooling at Cagayan High in 1939. He enrolled for civil engineering in the University of the Philippines, with the War interrupting his studies, and he graduated in April 1950. He worked afterwards as construction foreman for the Department of Public Works in Lipa City, Batangas. He has no books on record, but his works have been anthologized and his manuscripts noted by researchers and National Artists. He was a member of the UP Writers’ Club.

Uranza, Azucena Grajo

Azucena Uranza was born on 27 January 1929 in Sorsogon, Sorsogon. She received her BA in Journalism (1952) and MA in English (1969) from the Far Eastern University. Her books include Bamboo in the Wind (novel, 1990); A Passing Season (novel, 2002); Feast of the Innocents (novel, 2003); Women of Tammuz (novel, 2004); Voices in a Minor Key (short story collection, 2005); and Arbol, An Etnographic Record of a Family (coffee table book, 2002). Many of her short stories were published by Philippines Free Press, Weekly Women’s Magazine, Focus Magazine, and Ginoo Magazine. Her awards include Philippine Centennial Awards for Literature; Palanca Memorial Awards for Literature; Focus Philippines Literary Awards; Pama-as, Gintong Bai Award from the National Commission for Culture and the Arts; Green and Gold Artist Award from FEU. Her stage, television, and radio plays were produced by Channel 4, DZRH, and FEU. She was an associate professor at Far Eastern University, and taught Literature and Humanities.

Umil, Roberto Ofanda “Abet”

Ipinanganak si Roberto Ofanda “Abet” Umil noong 11 Enero 1961 sa Salcedo, Eastern Samar. Ngunit siya ay napadpad na at nanirahan sa Pinabacdao, Western Samar, Makati, Project 4, Sapang Palay, Pasay, Malabon, Bangued, Pandacan, Muntinlupa, Aparri, Zamboanga at Davao.

Nag-aral siya ng BS Agriculture sa Gregorio Araneta University Foundation. Habang nasa pamantasan, naging masugid siyang estudyante ng pambansa-demokratikong kilusan. Ito ang malaking impluwensiya sa kanya noong siya ay maging Institution Worker siya sa PGH taong 1984. Dahil dito, naaresto siya at nakulong noong 1988 (warrantless arrest- Umil vs. Ramos case).

Nang makalaya siya nang taon ding iyon ay nagtuon siya sa panulat. Una siyang naka-attend ng workshop sa LIRA, sunod sa PANULAT (1988), GAT (1990) at UP National Writers Workshop (1992). Founding member siya ng Tumbang Preso, organisasyon ng mga batang multi-media artist. Nanalo sa Gawad Ka Amado at Palanca ang ilan sa mga koleksiyon niya ng tula.

Sa kasalukuyan, aktibong kasapi siya ng Akdang Bayan, isang organisasyon ng mga manunulat, at nakatira sa Muntinlupa kasama ang kanyang asawa’t mga anak.