Uuwi na ang Nanay Kong si Darna

Uuwi na ang Nanay Kong si Darna
ni Edgar Samar

Tuwang-tuwa si Tatay sa balita niya sa akin. “Uuwi na ang Nanay mo!” sabi niya habang nasisilip ko na halos ang ngala-ngala niya sa kaniyang pagtawa. Hindi ko alam kung matutuwa rin ako. Kasi, hindi ko pa naman talaga nakikita nang totohanan si Nanay.

Alam ko lang ang itsura niya dahil sa mga picture . Lagi siyang may karga-kargang bata. Nung nakaraang Pasko, nagpadala siya ng picture na kasama nila si Santa. Isang beses ko pa lang siyang nakausap sa telepono. Itinanong ko kung ano’ng hiniling kay Santa nung batang buhat-buhat niya. Tawa lang nang tawa si Nanay. Parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko.

Maliit na maliit pa raw ako nung umalis si Nanay papuntang Hong Kong. Karga-karga nga raw ako ni Nanay nang ihatid siya sa airport ng buong angkan namin. “Tatay, bakit po ba umalis si Nanay? Tinitigan muna ako ni Tatay bago siya sumagot. Laging ganoon si Tatay kapag may itinatanong ako tungkol kay Nanay. “Alam mo anak, kailangan kasi ang tulong ng Nanay mo sa ibang bansa. Aba, ang galling naman kasi ng Nanay mo.”

Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang talunin ang milyon-milyong mikrobyo sa bahay. Isang pasada lang niya ng wonder walis niya, Swissss! Patay lahat ng dumi na nagdadala ng sakit.

“Kayang-kaya ring pataubin ng Nanay mo ang gabundok mang labahin. Sa maghapon, kuskos dito, piga doon. Walang sinabi ang mantsa! Lilinis at puputing tiyak ang labada.”

“Para po palang si Darna si Nanay, Tay! May power .” Anong parang si Darna? Si Darna talaga ang Nanay mo, pagmamalaki ni Tatay. “Aba, kahit sino’y hindi niya inuurungan! Sinumang umiiyak na bata’y tumatahan agad kapag kaniyang inawitan. Kaya nga gustong-gusto siya ng kaniyang tinutuluyan at ayaw na siyang paalisin.”

“Pero ‘Tay, kung si Darna po si Nanay, bakit bukas pa siya darating? Bakit di na lang niya liparin papunta rito sa ‘tin para mabilis?” Napangiti lang si Tatay. “Liliparin nga niya. Kaso lang, kailangan niyang tawirin ang isang malawak na dagat bago siya makarating dito sa atin.”

Isang malawak na dagat pa pala ang tatawirin ni Nanay. Hindi kaya siya maligaw? Hindi tuloy ako makatulog nang gabing iyon. Makilala pa kaya ako ni Nanay? Aba, ipagmamalaki ko siya sa mga magiging kaklase ko sa pasukan. Si Darna yata ang Nanay ko!

Naku, umaga na pala! Ang ingay sa labas. Ano raw? Nandiyan na si Nanay? Aba, hayun nga’t may bumababa sa dyip ni Tatay. Nandito na si Nanay! Kamukhang-kamukha nga ni Nanay ang babae sa picture . Ang ganda pala lalo ni Nanay sa totohanan. Ano kayang itsura niya kapag siya na si Darna? Buhat-buhat ni Tatay ang isang malaking kahon. Hili-hila naman ni Nanay ang isang malaking bag.

Nahiya akong magpakita kay Nanay pero ‘yung ibang mga tao?mga tito at tita ko, mga kapitbahay namin?nakapaligid lahat kay Nanay. Alam na kaya ng lahat ng tao sa bahay na siya si Darna? Saan kaya niya itinago ‘yung batong agimat niya? Nagpalakpakan ang lahat nang buksan ni Nanay ang kahon.

Naglabas ng paisa-isang gamit si Nanay mula sa kahon. Iyung pantuyo raw ng buhok para kay Tiya Lupe. Iyung pantimpla ng kape kina Manang Letty. Iyung pandurog ng mga prutas kina Manong Ben. Ang dami pang iba. Ang galling! May madyik lahat ng mga gamit na dala ni Nanay. Meron din kaya siyang ibibigay na madyik para sa akin?

At siyempre, itong mga librong ito at mga krayola na pangkulay ay para sa mahal kong anak na si Popoy.” Ako ‘yon! Ako yon! Naalala pala ako ni Nanay. Wow! Ang gaganda ng pasalubong ni Nanay. Parang nakababasa siya ng isip. Alam niya na mahilig ako sa libro kahit hindi naman niya ako tinanong. Kasama kaya iyon sa mgapower niya?

Hindi na talaga ako nakatiis. Kailangan kong magtanong. “Nanay, kayo po ba talaga si Darna?” Napatingin lahat ng tao sa akin. Napasulyap si Nanay kay Tatay. Ngumiti lang si Tatay. Ngumiti rin si Nanay at saka ako niyakap nang mahigpit na mahigpit.

Sandosenang Sapatos

ni Luis P. Gatmaitan, M.D.

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.

“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”

“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”

“Parang may madyik ang iyong kamay!”

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.

Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.

“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ako.

“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”

Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.

“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!”

“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak ngballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet .”

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!

Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.

“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”

“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measleshabang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging epekto,” malungkot na kuwento ni Nanay.

Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.

“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay ko.

Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap.

 

Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.

“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.

Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. “Ano’ng problema mo, ha?”

Mabuti’t napigilan siya ni Nanay.

Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.

“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong hinalikan.

Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.

“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay.” bulong ko sa kanya.

 

Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!

Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

 

Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.

“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.

“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!”

Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.

“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malakingbuckle sa tagiliran.”

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.

Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins ,beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.

“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”

 

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer .

“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.

Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay.

 

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!

” Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa sarili.

Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first communion . May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.

Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:

Para sa pinakamamahal kong si Susie,

Alay sa kanyang unang kaarawan

Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?

Para kay Susie, lugod ng aking buhay

Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan

Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.

Handog sa mahal kong bunso

Sa kanyang ika-12 kaarawan

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.

“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”

“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.

“Ha?”

Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.

Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.

Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos?

Hindi ko tiyak.

Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

HEADLINE: MANANANGGAL IN FORBES PARK!

by Carla M. Pacis

BLAG! Cely woke up with a start. A loud noise had intruded into her dream just as Señorito Ricky was about to plant a kiss on her eager, waiting-forever lips. She tried to go back to sleep hoping the dream would resume where it had left off. BLAG! There it was again! This time, Cely stayed awake and waited to hear the sound again. The only sound she could hear was the refrigerator outside as it hummed its lullaby and Bandit’s soft dog snores.

Bandit, was the family German Shepherd, who slept on the floor beside her bed. BLAG! KABLAG! Two in a row! Bandit lifted his head, perked up his ears and got onto his feet at the same time that Cely grabbed her uniform and shoved her feet into her rubber tsinelas . That was too loud to be a cat or a rat. There was only one thing that could have made that sound. Magnanakaw !

Both maid and dog rushed to the double back door of the mansion’s kitchen where Cely had been living the last few months. Her amos , were the adorable Señorito Ricky, his wife, the very pregnant Senorita Susan and their two adorable twin sons, Ryan and Robbie. Srta. Susan expected Cely to clean, wash, cook and take care of the kids. Were they too stingy to hire other maids?

Cely opened the back door for Bandit who, already having smelled the culprit, was excitedly jumping and yelping. He rushed out the door, slammed open the screen door and began to bark as loudly as he could while baring all his big sharp teeth. That should scare away whoever is on the roof Cely thought as she stood behind the door.

On the roof of the large house, a visibly frustrated and increasingly angrymanananggal murmured, ” Anak ng tupa! These tiles are too thick and tightly spaced for me to be able to get my tongue through! It’s already so bruised in so many places. I’ve hopped all over this roof and tried to unglue the tiles. My beautiful long nails are chipped in so many places and I still can’t find a decent opening to put my tongue through! And the smell of that delicious fetus is driving me insane! And now, and now, that stupid dog is going to give me away! Never mind, one good snarl from me and it’ll be reduced to a puppy!” She lifted her arms that were like giant bat wings and flew down fast towards the dog, her long black hair flying in the wind, the part of her stomach including the small intestines trailing from under her. It was a feat of gravity that they did not fall out.

On seeing this creature rushing down at him with a snarl meaner than his on her face, Bandit ran back into the house, fur standing on end. He crashed into Cely, causing her almost to fall, and ran straight into her room. The once brave Bandit had been reduced to a whimpering ball of fur. Cely quickly closed both doors. As she did, she thought she heard the whir of wings. She shook her head as if to throw the thought. But she made sure the doors were locked and ran to join Bandit in the sanctuary of her room and the safety of her cot. “Please dear God,” she prayed aloud,” don’t let it harm me. I’m just a poor house maid who needs to send money to her poor mother.

“Cely,” Srto. Ricky asked at breakfast the next day, “did you hear those sounds on the roof last night?”

“Yes, sir,” she answered dully.

“Was that why Bandit was barking so loudly?” asked Srta. Susan.

“Yes, senorita.”

“What was it?” asked Senorito.

“I dunno, sir.”

“Report it to village security anyway on your way to work, honey,” said Senorita.

With senorito at work, the senorita sleeping siesta and the kids watching TV, Cely took a break from her chores to investigate last night’s event. She took Bandit with her and headed straight for the clump of bushes by the swimming pool. She looked carefully at each of the plants and the ground on which they stood. The soil had not dried up yet and Mang Temiong, the driver cum gardener had not yet watered the plants. Sure enough, she found the spot where the manananggal had planted her body. A couple of plants in the center of the clump had broken stems and torn leaves. The ground had the deep imprints of someone who stood in the same place for a long time. “She’s after Srta. Susan’s baby,” she whispered to Bandit, who stood by her but had both ears flat on his head and tail tucked between his back legs, hair on end. “She really scared you, ano ? She’ll be back again but don’t worry,” she said as she ruffled Bandit’s fur, “we’ll be ready for her.”

Cely went back into the kitchen and came back out carrying a small jar of rock salt clutched in one hand, a handful of onions and ginger in her other hand and a bottle of vinegar tucked under her right armpit. She sprinkled and poured all of these ingredients all around the clump. “See, she won’t be able to hide her body here and maybe she’ll go away and never come back,” Cely hoped. She knew from the stories her mother told her that manananggals were very persistent creatures and would try everything to get at their victims.

That night, Cely sat up in her bed, with Bandit settled uneasily on her feet. She waited silently in the dark to hear the telltale signs. Sure enough, just as her mother had said, she heard a faint shrill cry that made the hair in the back of her head stand. She knew that the manananggal had arrived. So did Bandit. The poor dog shook and whimpered in fear. “Don’t be scared Bandit,” she assured him, all that salt, garlic, ginger and vinegar will drive her away.”

BOG! Suddenly, Cely heard the sound a body makes when it bumps against a window. It sounded like it was coming from the master’s bedroom.

“Oh no, my trap didn’t work! Mang Temiong must have watered the bushes!” Cely ran out to the garden and looked up. There was the manananggal banging herself against the thick glass windows of the master’s bedroom, her long, scaly tongue flailing about and slamming against the glass. Cely covered her mouth with both hands so as not to scream and draw attention to herself. Thank God the curtains of the master’s bedroom were thick and always fully drawn at night. The morning sun bothered the senorita.

Cely quickly turned and bolted from the horrible scene. She began her search for themanananggal’s lower body. Where would she hide it this time? Several pained howls from Bandit sent Cely running towards his empty cage. The poor dog had smelled out the lower half of the manananggal’s body tucked neatly behind his cage and the cement wall. I need to move the body even just a little so she can’t connect properly, thought Cely. “Quiet Bandit!” she whispered loudly at the howling dog as she squeezed herself behind the cage. “We don’t want her to know that we’ve spotted her lower body.

” Anak ng dalag! That dog again!” screamed the manananggal upon hearing Bandit’s howls. “This time, I’m going to shut him up for good!” Upon reaching the dog’s cage, she spotted a human with the dog. “She must have been the one who put all that salt, spice and vinegar all around the clump! I’ll get her too!” Themanananggal dove towards the human and the dog with the speed of a curse. Cely heard her coming before she saw her. She kicked at the manananggal’s lower half, which didn’t move an inch. She couldn’t help notice that the lower half wore slick, silk pants, similar to the pair Srta. Susan had which she had to dry clean by hand. She kicked again. Harder. It swayed a little on its stiletto pumps but still didn’t budge. Just as she was about to kick at the lower half again, the manananggalswooped in and managed to connect the upper half of her body to the lower half. She was so close to Cely that she noticed the manananggal wore a silk shirt. What kind of manananggal was this Cely thought as she tried to quickly scramble out from behind the cage, her arms flailing wildly at the monster. But, instead of attacking Cely, the manananggal simply flew away.

Cely was surprised. She thought tonight was the night she would die and no one but her mother would know how her death had come about. When she put her hand to her forehead in relief, she realized why the manananggal had flown away instead of attacking her. Thank God for home cooked meals! She had cooked chicken and pork adobo , the senorito’s favorite food, that night!

“It was like something wanted to get into the room!” Cely heard Srta. Susan say as she and the senorito walked into the dining room.

“I didn’t really hear anything,” said Srto. Ricky.

“I was trying to wake you up!”

“Must have been really tired from work.”

“And the baby. The baby started tumbling around in my stomach!”

Cely served the senorito his coffee and the senorita her juice. The air-conditioning must have muffled the sounds, she thought.

“You were just agitated about the baby. Cely, did you hear something banging against our window last night?” asked Srto. Ricky.

“No senorito,” she answered.

“See?” he told his wife.

“Okay so you’re right. Wish I could take sleeping pills but the doctor has banned them while I’m pregnant.”

Armed with the necessary weapons, Cely went back out to the clump first and sprinkled it all over with the ingredients, not forgetting to tell Mang Temiong not to water those plants.

“You’re acting really funny Cely,” said Mang Temiong.

“There’s a manananggal that’s trying to suck Srta. Susan’s unborn baby from her stomach!” she whispered conspiratorially.

“Don’t tell me you still believe in those folktales!” laughed Mang Temiong.

“But I saw her!”

“You did? , what does she look like?”

“She has long, straight black hair and a face that is as pale as a ghost.”

“But that sounds like the amo of the next house!”

Cely’s heart skipped a bit. Was it possible? And she hadn’t told Mang Temiong about the silk pants and shirt.

That night, Cely did not wait in her room. She waited in the shadow of the wall that separated their house from the neighbor’s armed to the teeth. All that she needed was in the market basket. Srta. Susan had even asked what she planned to do with the kilos of rock salt, onions and ginger and the case of vinegar. She gave some flimsy excuse about Srto. Ricky having an office party and wanting to serve adobo . The night passed. Her legs began to ache so she sat down against the wall. She began to feel sleepy. Her head was getting heavy and still no manananggal .

She must have dozed off because she woke to Bandit’s wild howls. Did she not leave him in her room? Cely ran towards the sounds. She found Bandit, hair all at ends, in front of the kitchen door running madly around in circles, his tongue lolling out and foam building up around his mouth. On his back, was the upper half of themanananggal ! She was trying to get the dog to bring her into the house. Poor Bandit! Cely had to find her lower half quickly or the dog would die from fright!

Cely had no idea where to start. She was sure the clump of bushes and the dog house were no longer safe for the manananggal to hide her lower self. She ran around the house and searched the roof for something unusual. Nothing. She checked the bushes in the front yard. Nothing. She looked up the mango tree. Nothing.

In the meantime, Bandit’s howls were getting wilder and more desperate. Now she could hear banging. The monster was trying to break down the kitchen door! She checked inside the large, ancient jars that stood by the front door. Nothing. She ran back out to the garden. The garbage can caught her attention through the grilled fence. Something else was beside it!

Cely opened the gate and ran to where the garbage can stood with one hand holding the basket and the other pinching her nose closed. The black plastic bags in and around the can had popped open from all the gas the garbage had built up. The stench was horrible. Two weeks and the garbage men still had not passed by to collect the garbage. A perfect place for a manananggal to hide her lower half! And there it was, in jogging pants and running shoes, standing straight as a sentinel among the black plastic bags. With great efficiency from having to sauté so often, Cely quickly sprinkled handfuls of salt, chopped onions and ginger all over themanananggal’s lower half. She thought she recognized the liver and were those the kidneys? Then she poured a whole bottle of vinegar and another, just to make sure, on the exposed half. That should cook it! she thought as she hurriedly ran back to the back of the house to save Bandit. Waving her hands in the air, she screamed at themanananggal to leave and never come back. Hearing Cely’s screams, themanananggal began to rant, ” Anak ng tilapia ! It’s that probinsiyana again! I hope she hasn’t found my lower half. The last time she did, she ruined my silk pants. Thank the demonyo that this time, I wore my designer jogging outfit.” But smelling all the garlic, vinegar and onions from Cely as she came closer, the manananggalimmediately flew away. Poor Bandit collapsed to the ground. Was he dead? Cely had no time to find out. She followed the manananggal to the garbage can. The shrill scream of the doomed monster upon finding her sautéing body was so loud and so frightful that Cely cupped her ears. It was loud enough to wake the whole neighborhood! The distraught manananggal flew around her quickly shrinking body and wailed at its demise. Eventually, she too began to sauté and POOF! All that was left were ashes which Cely quickly swept into a garbage bag.

Cely held Bandit in her arms and struggled to carry him inside the kitchen. He still seemed to be breathing although very faintly. She laid him on the tile floor and cleaned off the grime the manananggal had left on his beautiful fur. Then, she wrapped him in a blanket and stroked him until she herself fell asleep.

“Cely wake up!” Mang Temiong called several times as he gently nudged her.

“Huh?”

“You fell asleep on the kitchen floor with Bandit. What happened to him? And why do you smell like you’ve just been ginisa ?”

“I killed the manananggal , Mang Temiong. I found her body and killed her,” Cely said sleepily.

” Ay naku , you just dreamed all that. Get up and get dressed before the senoritos come down for breakfast.”

“Listen to today’s headline sweetheart,” said Srto. Ricky as he read the newspaper, “Manananggal spotted in Forbes Park!”

“How crazy naman ,” said Srta. Susan. “These journalists just have to find anything to sensationalize.”

Not really thought Cely as she served her cute Srto. Ricky his coffee and Srta. Susan her juice.

July 2004

Isang Hapon ng Mayo

ni Heidi Emily Eusebio-Abad

Magdadalawang linggo pa lang akong trese anyos noon . Nasa kalagitnaan ng bakasyon, buwan ng Mayo, araw ng unang patak ng ulan sa tag-init.

Kumapit sa kamiseta ko ang amoy ng alimuom na sumingaw mula sa aming bakuran. Pinapanood ko noon ang mga nabulabog na puting langgam na namahay sa posteng kahoy ng aming garahe.

“Billy! Billy!” tawag ng aking lola mula sa loob ng bahay.

“Nariyan na po!” sigaw ko na may halong kaunting inis.

Panlimang beses na kasi akong tinawag ng lola. Nung una ay para buksan ang radyo sa kaniyang paboritong drama mula kay “Tiya Dely”. Pangalawang beses ay para mag-ipon sa baso ng unang patak ng ulan ng Mayo. Mainam daw itong ipahid sa bahagi ng katawan na sumasakit gaya ng tiyan o balakang. Kung ganoon din lang ay bakit di nalang inumin para laban sa sakit. Sinubukan ko. Isang lagok. “Aaagh!” Lasang tanso. Baka lalo pa akong magkasakit dito.

Ang pangatlong tawag ni lola ay dahil sa natapon ang tubig. Nabitiwan kasi niya ang baso. Hay naku! Madalas ngang mangyari ito mula nang na-stroke si lola. Hindi niya kasi magalaw ang kaliwang kalahati ng kanyang katawan.

At ang pang-apat na tawag niya? Para tanungin kung umuulan pa ba sa labas. Gusto pa sana ni lola na magpakuha ulit ng tubig-ulan.

“Dagliang ambon nga lang po iyon, e,” ang sabi ko. “Labas na po ang araw.”

Tapos ay sinabayan ko ito ng takbo palabas ng bahay. May inaabangan kasi ako.

Ngayong araw na ito, alas-onse ng umaga, ipalalabas ang Miss Universe 1974 Beauty Pageant. Malas nga lang at nasira ang aming TV na mukhang kasing-tanda ng aking lola. Black and white pa kasi. Sa kapitbahay, kina Nonoy na siyang kalaro ko, mayroon silang bagong telebisyon. Nakabili sila ng colored TV mula sa padalang pera ng kanilang tatay na nagtratrabaho sa Saudi.

Medyo nga akong nagtampo kay tatay na nasa Saudi rin dahil ayaw niyang ipagamit ang perang pinadadala sa amin para sa colored TV. Puwede pa naman daw yung black and white. Naikuwento ni Kuya Allan ko na kung buhay lang siguro si nanay ay pinayagan na kami. Mas liberal daw kasi si nanay. Di ko ito alam dahil namatay si nanay sa panganganak sa akin. Si kuya naman ay pitong taon na noon kayat natatandaan niya si nanay. Mula noon ay si lola ang naging tagapag-alaga sa amin ni kuya.

Malamang ay nagtataka kayo kung bakit naman ako nagkakandarapang makapanuod ng beauty contest, e, pambabae lang iyon. E.iyon na nga. Marami itong mga babae na nagbuhat pa sa iba’t ibang mga bansa. Nakita ko sa diyaryo na inuwi ni Kuya Allan ang retrato ng mga babaeng naka-swim suit. Ang gaganda nila. May kamukha ni Bb. Lopez na titser ko sa Araling Panlipunan. Mayroon ding kamukha ng isa sa mga ate ni Nonoy-kamukha ni Miss Spain si Ate Rowena. Haaay.si Ate Rowena. Wala sa talampakan ng ganda niya ang aming mga kabarkadang babae. Ang susungit kasi ng iba naming mga kakilalang dalagita rito. Di gaya ni Ate Rowena na palangiti.

Sana ay makikipanood ako ng TV kina Nonoy. Hindi naman ako pinayagan ng lola. Nakahihiya raw at oras ng pagkain. Sabi ko’y kakain na lang ako sa amin ng mas maaga. Hindi pa rin pumayag. Baka raw hindi pa nakaluluto ang aming kusinera.

Hinila ko sa tabi ng pader ang maikling bangko na ginagamit namin sa garahe. Nilatag ko ang diyaryong uwi ni kuya sa ibabaw nito. Binuksan ko ang diyaryo sa pahina ng mga retrato ng Miss Universe contestants.

Dahil ito ang kauna-unahang pagganap ng paligsahan dito sa Pilipinas, nagpakitang gilas ang gobiyerno sa mala-piyestang selebrasyon nito. Halos lahat ay nakatutok sa bawat kilos ng mga contestant. Para naman sa akin, ito ang una kong pagkakataong mangilatis ng ganda ng mga babae, di lamang ng mukha kundi pati ng katawan.

“Naku, wala akong bolpen,” sabi ko sa sarili.

Marahan kong binuksan ang pinto papasok sa bahay. Nakaupo si lola sa tabi ng bintanang tanaw ang garahe at bakuran. Mukhang nakaidlip siya. Tahimik akong lumakad papalapit sa mesitang pinaglagyan ko ng gamit pang-eskuwela. Kinuha ko ang bolpen at muling lumabas sa garahe.

Nag-umpisa na ang programa. Narinig ko ang palakpakan ng mga taong nanonood sa paligsahan.

“Tiyempong-tiyempo ako,” kausap ko pa rin ang sarili.

Hindi ko man mapanood ang programa ay dinig na dinig ko ang musika at mga sinasabi rito. Tuwing may tatawaging contestant ng isang bansa ay titingnan ko naman sa hawak kong diyaryo ang hitsura niya. Ganito ko natagalan ang panonood, ay pakikinig pala, ng Miss Universe.

Ganito pala ang makinig sa radyo tulad ng ginagawa ni lola. Nakalipas siguro ang isang oras. Parang naging laro ang aking pakikinig sa programa. Hinulaan ko na lang kung anu-anong klase at kulay ng damit ang suot ng mga dalaga. Siyempre de-kulay ang aking imahinasyon. Hindi ko na nga napanood sa colored TV nila Nonoy, e.

Dumating na sa bahagi ng semi-finals. Hindi ko na matiis ang pagtiyatiyagang ginawa ko sa unang oras na nakalipas. Kailangan kong makita ang mga naggagandahang dilag sa isip ko. Kailangan ko ring malaman kung isa sa mga nanonood sa kabilang bahay ay si Ate Rowena.

Naisipan kong akyatin ang puno ng bayabas sa tabi ng pader. Sa una kong pagsampa sa pinakamatabang sanga nito ay muntik pa akong mahulog. Ang dulas pala nito kapag naulanan. Tapos ay tumuntong ako sa ibabaw ng pader na pagitan ng aming bakuran.

Tanaw na tanaw ko ang matitingkad na kulay sa telebisyon nila Nonoy. Buti na lang at nakapuwesto ito sa gitna ng kanilang sala. Nakita ko si Nonoy. Naroon din ang tatlo niyang nakatatandang kapatid na babae. Kasama doon si Ate Rowena. Nakaupo sila sa isang mababang sopa kaya’t tanaw ko pa rin ang TV kahit na nasa harapan sila nito. Hindi nila ako napansin dahil nakatalikod sila sa akin.

Di nagtagal ay dumating ang iba pang nagbalak ding makipanuod sa colored TV nila Nonoy. May apat na dalagitang hindi ko gaanong kilala at ang tatlo pa sa aming mga kabarkadang babae ni Nonoy.

Isa-isang tinawag ng host ang labindalawang semi-finalists. Para akong sirang-ulo na nagwawasiwas ng dahon ng bayabas tuwing natatawag ang aking mga hinulaang mapipili. Siyempre kasali si Miss Philippines . Naroon din ang paborito kong si Miss Spain . Sa kabuuan, pito sa mga napili ay mga candidatong boto ko. Puwede pala akong maging judge sa beauty contest. Marunong kumilatis ng ganda.

“Hijo.hijo.baka mahulog ka,” bigla kong narinig ang boses ni lola.

“A, hindi po ‘la,” malakas kong sinabi, sabay ngiting kabayo. “Nangunguha lang po ako ng bayabas.”

Dahil sa nakatanaw pa rin si lola sa akin ay nagkunwari akong umabot ng bunga kahit bubot pa ang mga ito.

“Billy, bumaba ka na at kakain na,” bilin ng lola.

“Nandiyan na po,” sagot ko.

Mabuti na lang at natapos kong mapanood ang semi-finals. Pagbalik ko sa garahe ay agad kong binilugan ang mga pangalan ng mga kandidatong natawag sa entablado.

Pinakinggan ko ang TV sa kabilang bahay. Mukhang hininaan nang bahagya ang tunog. Siguro ay puro patalastas na naman.

Naramdaman kong kumulo ang aking tiyan. Puwede sigurong kumain muna habang hindi pa nagpapatuloy ang programa.

Pumasok ako sa bahay. Nakahain na ang pagkain sa mesa. Mula nang magtrabaho si tatay sa Saudi, dalawang taon nang nakalilipas, ay mag-isa lang akong kumakain sa kumedor. Si kuya kasi ay madalas ring wala sa bahay.

Si lola ay namalagi sa kanyang sopa sa sala. Doon siya pakakainin ng aming kasamahang-bahay.

Binilisan ko ang pagsubo at pagnguya ng kanin at adobong manok. Sinubukan kong tikman ang sabaw ng nilaga ngunit masyado pa itong mainit. Baka matagalan pa ako.

Pabalik na sana ako sa labas nang nautusan pa akong kumuha ng inumin para kay lola. Napansin kong lumakas muli ang ingay ng telebisyon sa kabila kayat nagmadali akong kumuha ng tubig sa refrigerator. Habang inaabot ko ang baso kay lola ay narinig ko ang temang musika ng programa at ang palakpakan ng mga manonood.

“Hijo, masyadong malamig itong tubig.” Umubo nang bahagya si lola. “Paki-haluan mo, hijo, ng kaunting mainit na tubig.”

Si lola talaga, naglambing pa.

Pagbalik ko galing kusina ay pinasya kong huwag na ngang magmadali. Tinulungan ko muna si lola sa pag-inom niya ng tubig. Habang siya’y umiinom ay hinulaan ko na baka nag-umpisa na ang long gown competition.

“Salamat, Billy,” sabi niya.

Napuna ko na bukod sa katandaan ng aking lola, may natitira pang ganda ang kaniyang mukha. Nandoon ang lalim ng itim ng kanyang mga mata, ang tangos ng ilong na namana pa sa dugong-Kastila ng kaniyang ama, at ang tamis ng ngiti sa kanyang labi. Ngunit may iba pang pinanggagalingan ng kaniyang ganda. Ito ay ang kagandahang loob niya sa pag-aaruga sa amin noong siya ay malakas pa.

Nung ako’y bata pa, si lola ang tagahatid sa akin sa eskuwela. Siya rin ang namamahala sa trabahong-bahay kaya’t hindi namin kinailangang kumuha ng katulong. Tapos ay na-stroke si lola. Noon nagpasiya si Tatay na magtrabaho sa Saudi. Mas malaki raw ang kikitain niya para sa mga dagdag gastos namin sa pamilya.

“Lola, giniginaw ba kayo?” naisip kong tanungin.

“Oo, Billy. Pakikuha mo nga yung aking balabal sa kuwarto.”

Habang hinahanap ko yung balabal sa silid ng lola ay bigla kong naalala yung Miss Universe. Sa palagay ko ay iniinterbiyu na yung mga contestant.

Pagbalik ko sa sala, inilagay ko ang balabal sa mga balikat ni lola.

“Sige na, hijo,” patuloy niya. “Hindi na kita aabalahin at iidlip muna ako.”

Hinalikan ko siya sa pisngi.

Sa wakas, nakabalik din ako sa aking puwesto. Naku. Tinatawag na pala ang mga finalist at ihahayag na ang mananalo.

“The fourth runner-up is Miss Aruba!” Narinig kong sinabi ng tagapagpahayag.

” Aruba ? A,” bulong ko sa aking sarili habang hinahanap ang retrato ni Miss Aruba sa diyaryo. “Tsek! Number 4,” patuloy kong sinabi.

“.is Miss Finland !” patuloy sa programa.

“Teka, teka,” nataranta ako habang binilugan ang retrato ni Miss Finland .

“And the second runner-up is Miss Colombia !”

“A! Third si Finland , second si.”bumulong ako. Pero, teka nga.

Binitiwan ko ang diyaryo. Nagmadali akong umakyat muli sa puno ng bayabas, tumuntong sa pader, at sinubukang tanawin nang malapitan ang telebisyon ng kapitbahay.

Nakatayo na sa entablado sina Miss Wales at Miss Spain . Sila pala ang natirang mga kandidata.

Magkahawak sila ng kamay. Parehong ninenerbyos pero magaganda pa rin. Lumapit ang may-idad na lalaking naka-barong tagalong sa kanilang dalawa.

“First runner-up is Miss Wales. Miss Spain is the new Miss Universe 1974!”

Nagpalakpakan ang mga tagapanood sa TV. Pati na rin sina Nonoy ay nagsipagtalunan at nagpalakpakan.

“Billy! Anong ginagawa mo riyan?” biglang napasigaw si Nonoy sa akin.

Sa gulat at taranta ko, humakbang akong pabalik sa sanga ng punong bayabas ngunit sa dulas nito ay pabaliktad akong nahulog sa kanilang bakuran.

Ang huli kong natandaan ay sumadsad ako sa ibabaw ng makapal na palumpong ng santan. Nang ako’y dumilat, hinaplos ni Ate Rowena ang pisngi ko.

“Billy, nasaktan ka ba?” tanong niya.

“Hi.hindi,” sagot ko naman pero may halong nerbiyos.

Nakapaligid sa amin ang dalawa pang kapatid na babae ni Nonoy, si Nonoy na hindi makapagpigil sa katatawa, at ang iba pa naming mga kaibigan.

“Halika at gamutin natin ang gasgas sa pisngi mo,” patuloy ni Ate Rowena.

Kumuha siya ng pirasong bulak na may Betadine.

“Huwag kang mag-alala,” sabi niya, “Hindi ito mahapdi.”

Mayroon akong napansin nang malapitan ko siyang nakita. Maganda nga siya. Yun lang ang nasa isip ko habang ginagamot ang aking sugat sa mukha. Sa likuran niya ay nakabukas pa ang telebisyon. Kumakaway si Miss Spain, ang bagong Miss Universe.

Kahawig nga ni Miss Spain si Ate Rowena. Pero mayroon pa siyang ibang nakahahawig. Kaya ko pala napili si Miss Spain. Kaya ko pala “crush” si Ate Rowena. Pareho silang kahawig ng aking lola.

Isang hapon noong 1974, bumuhos ang unang ulan ng Mayo. Nung hapon na iyon, natuklasan ko ang ibig sabihin ng tunay na kagandahan. Noon ako nagpasiya na silbihan at mahalin ang isa sa pinakamagandang babae sa buhay ko. Si Lola.

Filemon Mamon

ni Christine S. Bellen

“Sugod mga kapatid!”, paulit-ulit na sigaw ni Filemon. Nage-ensayo siya para sa audition ng dula tungkol sa mga bayani. Mahilig siyang umarte.

Parang kapag naglalaro sila, madalas siya ang tatay sa bahay-bahayan at kaaway sa barilan. Gustuhin man niyang maging kuya, ipagpipilitan ng mga kalaro niya, “Mukhang matanda kapag mataba, mukhang bata kapag payat”. Gustuhin man niyang maging bida, sasabihin rin ng mga ito sa kanya, “Mataba ang kaaway, payat ang bida”.

Tuwing Pasko lang siya bida. Laging Santa Klaus si Filemon sa paaralan. Cute na cute siya sa pulang damit na bumabagay sa mamula-mula niyang pisngingnamimintog. Hindi na kailangang dayain ang tiyan ni Santa. Umaalog-alog ang

tiyan niyang bilog habang naglalakad at bumabati ng “Meri Krismas!”. Sabi nga ng mga nanay at yaya, “Naku, parang keso de bola!”.

Para naman maiba, gusto niyang maging Andres Bonifacio sa dula, ang matapang na lider ng Katipunan. Sabi ni teacher, maraming Pilipino ang nakipaglaban sa mga Kastila para makalaya ang bayan. Isa si Andres Bonifacio dito. Kaya, “Sugod mga Kapatid!”. Lalo na nang marinig niya ang matinis na tawag ng kanyang nanay. “Kakain na!”.

“Sugod mga kapatid!”, takbo ni Filemon sa mesa. Nagsisiksikan ang bandehado ng mga pagkain sa maliit nilang hapag. Parang may piyesta!. Amoy na amoy ni Filemon ang nagmamantikang adobo at lechong paksiw. Naglaway siya sa tinadnad na manggang hilaw na sawsawan ng chicharong bulaklak. Ramdam na ramdam niya ang init ng umaasong bundok ng kain. Higit sa lahat, naduling si Filemon sa sari-saring mamon at minatamis na nalulunod sa arnibal.

Bukod sa pag-arte, paborito ni Filemon ang kumain. Mahirap siyang awatin kapag nadikit na ang puwet sa silya ng hapagkainan. “Ngasab, ngasab, ngasab, ngabngab, ngabngab, ngasab”. Matatapos ito sa malakas na “BORP!”. Dighay ni Filemon saka tatapik-tapikin ang bolang tiyan.

“Ganyan talaga ang lumalaking bata”, sabi ni tatay. “Kain pa ng kain anak, para lalo kang lumusog”, salo pa ni nanay. Hihimasin ng kanyang tatay ang ulo ni Filemon, tanda nang pagsang-ayon.

Kaya tuloy, walang pakialam si Filemon kahit pa tuksuhin siyang baboy, biik, bola, bundat, bilog, napabayaan sa kusina, tabachoy at Filemon Mamon. Cute naman ang tingin sa kanya ng marami at mahal na mahal siya ng kanyang nanay at tatay (na sa totoo lang, matataba ring tulad niya).

Matapos ang kainan, sasalampak si Filemon sa harap ng TV. Pati ang kanyang tatay. Sasali rin si nanay na dala ang maraming kukutin. Popcorn, mani, kornik, chicharon, chippy at litro ng softdrink. Inaabot sila ng ilang oras sa panonood,

kainan,kuwentuhan at tawanan. Kapag tanghali, nakakatulog sila sa harap ng TV sa sobrang kabusugan.

“Ngoooorooook!’, hilik ni tatay.

“Wiiiiishhhhhrrrk!, hilik ni nanay.

” Shuuuuskrrk,ngork, ngork!”, hilik ni Filemon.

Tuwing hatinggabi naman, nakasanayan na ni Filemon na patingkayad na maglalakad papunta sa refrigirator. Hihigupin niya ang gatas na kondensada o kaya’y manginginain ng natirang yema na tinda ng nanay niya.

Sa eskwela, masayahin si Filemon kaya mabilis siyang makisalamuha sa mga bata. Kapag nadikit ang mga ito sa kanya,

“Parang mamon, nakapanggigigil kainin”.

“Parang unan, mainam yakapin”.

“Parang kama, masarap, higaan”.

“Parang sofa, malambot upuan”.

“Parang pader, malapad na sandalan”.

Nang dumating ang araw ng audition, handang-handa si Filemon. “Sugod mga kapatid!”, parang kulog ang sigaw ni Filemon. Umumbok ang pisngi niyang mapintog. Nanginig ang mataba niyang braso. Nagpalakpakan ang kanyang mga kaeskwela. “Bida na si Filemon Mamon sa dula!”. Tumaba pati puso ni Filemon sa narinig.

At nagkatotoo nga! Siya ang hinirang na Andres Bonifacio. Bigay bigay si Filemon sa mga ensayo. Ngunit wala pa sa kalagitnaan, hingal-kabayo na ang bida. Hindi na marinig ang “Sugod mga kapatid!”, kaya lagi itong ipinauulit. Nagpasya si direk, “May mas bagay na kilos sa mga gaya mong bilog”.

Ginawa siyang prayleng mataba, ang kaaway sa dula. Dahan-dahan si Filemon sa nagmamayabang na kilos. “Patayin an mga indios!”, panggigigil ni Filemon. Lalo na nang makita niya ang bagong Andres Bonifacio. Hindi ito bilugan, hindi mukhang mamon ang katawan. Maliksi ito sa takbuhan at hindi hinihingal sa sigawan.

Sumugod pauwi si Filemon. “Kailangan ko bang pumayat? Kailangan ko bang maging patpat? Gusto kong maging si Andres Bonifacio!” , parang pinunit na sedula ang bawat hikbi ni Filemon. “Ayoko ng maging mamon”, pahabol pa nito. Hindi na sumugod sa mesa si Filemon noong kainan. Nanikip ang paghinga ng kanyang nanay at tatay sa awa sa anak.

Isinugod sa doktor kinabukasan si Filemon. “Wala pong ganang kumain si Filemon”, sabi ni tatay. “Mangangayayat po ba ang anak ko ?”, nangilid ang luha ni nanay. Sa tingin ni Filemon sa mga magulang, para silang kasali sa dulaan.

“Maayos po ang anak ninyo”, sabi ng doktor. Ngunit kailangang bantayan ang kalusugan dahil mas mabilis pong kapitan ng sakit ang matataba tulad ng diabetis at sakit sa puso. Hinikayat niya ang nanay at tatay ni Filemon na maging halimbawa sa malusog na buhay ng bata.

Nabawasan ang madalas na panonood ng TV nina Filemon. Naglalakad-lakad sila sa parke kapag hapon. Nakakaikot ang kanyang nanay at tatay habang nakikipagkuwentuhan sa mga kapitbahay. Nakakapag-slide doon si Filemon, nakikipagtaguan at nakikipagpatintero. Umuuwi silang tagaktak ang pawis sa katawan.

Nakatuwaan din nila ang paghahalaman bilang libangan. Nababaluktot ang malalapad nilang bewang sa pagbubungkal ng lupa. Natitiklop ang mga tuhod nilang bilugan sa pagpupunla ng halaman. Dahil sa pagod, hindi na rin nakukuhang manginain tuwing hatinggabi ni Filemon.

Bagong putahe naman ang hinahain ni nanay sa kainan. Karaniwan, may kasamang gulay at isda. Prutas na rin ang paborito nilang ngatain kapag naisipan nilang manood ng TV.

Sumigla kaysa dati si Filemon. “Umimpis yata ang ating mamon”, puna ni direk. Sa araw ng dula, lumabas pa rin siyang prayle. At lalong pinagbuti ang pag-arte, dahil sa susunod na taon, handa na siyang muli para sa audition. Balak naman niyang maging si Gregorio del Pilar, ang batang heneral.

Bunga ang kuwentong ito ng 2002 Barlaya Writing for Children Workshop na pinangunahan ng Adarna House at ng UP Institute of Creative Writing Center. Inilathala ng Adarna House Inc. noong 2004. Iginuhit ni Jason Moss ang mga larawan sa aklat at naging finalist sa National Book Awards 2004.

Ang Tatlong Kahilingan ni Julian

ni Rebecca Añonuevo

 

Malas daw ang unggoy, sabi ng mangkukulam, kaya dapat nang itapon o ipamigay. E, itong si Julian, noong maliit na bata pa lang, ay hindi makatulog kapag hindi kayakap ang kupas na dilaw na boksingerong unggoy. Gustong-gusto niyang hinihimas ang makinis na ilong nito na may dalawang malaking nakatirik na butas. “Ako ang tagabantay mo sa pagtulog,” sabi ng unggoy. Kahit mapanghi si unggoy, hinahanap siya palagi ni Julian kapag pinaliguan ni Lola Berang. Mabuti na lang at sa tapat ng bintana sa kuwarto niya ito isinasampay hanggang matuyo.

Nangako ang unggoy kay Julian na may tutuparing tatlong kahilingan bago sumapit ang kaniyang ikapitong kaarawan. Matutupad ang tatlong kahilingan sa tamang panahon. Hanggang isang araw ay naglaho na ang laruan, at nang lumaki si Julian ay nakalimutan na niya ito.

Kaisa-isang apo ni Lola Berang si Julian. Maliit lang ang bahay nila, pero siksik sa gamit na padala ng nanay at tatay niyang nagtatrabaho bilang mga kusinero sa isang otel sa London. Halos hindi na nga makagalaw ang mag-lola sa patong-patong na mga kahon ng mga pasalubong. Madalas magpadala ang mga ito ng mga retrato ng mga palasyo at katedral, at mga punongkahoy at kalsadang nababalot ng yelo. “Magpapakabait ka, anak, at mag-aaral kang mabuti,” sabi ng kaniyang mga magulang. “Kaya kami naririto ay para sa iyong kinabukasan.”

Si Julian ang katulong ni Lola Berang sa mga gawaing-bahay. Kahit hindi sabihan ng kaniyang lola ay maaasahan ito sa pagwawalis ng bakuran at pagdidilig ng halaman.

Kapag dumating na ang kaniyang lola galing ng palengke ay sinasalubong niya ito para dalhin ang biniling gulay at mais. Mahilig siya sa nilagang mais.

Maraming kaibigan si Julian. Pagkatapos ng klase ay nagtitipon sila at nanghuhuli ng gagamba sa isang kalapit na bukid na may mga tanim na palay.

Isang araw ay biglang nawalan ng sigla si Julian. Nakatingin ito sa malayo, at kahit anong pilit ni Lola Berang ay ayaw nitong kumain. Ayaw din nitong magsalita.

“Ano ba’ng nangyayari sa apo ko?”

Tinawag niya ang mga kaklase ni Julian at tinanong kung saan sila nagpunta.

“E, hindi ba ang sabi ko sa inyo’y huwag kayong pupunta sa bukid? Baka may ahas doon o nuno sa punso! Baka namatanda ang apo ko!”

“Elepante. gusto ko ng elepante.”

Napatingin ang lahat kay Julian. Taranta naman si Lola Berang. “Nasisiraan na ‘ata ng ulo ang apo ko! Sinabi ko na kasing huwag kayong pupunta sa bukid!”

“Julian! Julian! Heto, heto’ng mga laruan mo. Padala nina tatay at nanay mo. Ang gagandang robot! Nagiging agila ‘to, o dragon! O itong motorsiklo at kotse, ang bilis umandar! O ito, ito ‘yun napapanood natin na mahiwagang espada! Tumutunog ito at umiilaw pag pinindot!”

“Elepante ang gusto ko.”

Nagkamot ng ulo ang isang kaklase ni Julian. “Namilit po si Julian na tumuloy kami sa sirkus. Tila nakatuwaan po niya ‘yung batang elepante.”

Isang kalaro nila, si Isko, ang lumapit kay Julian, iniaabot ang isang laruang kahoy.

“Mayroon akong elepanteng laruan, Julian, pero hindi ito kumikislap at hindi maingay. Inukit ‘to ni tatay. Kung gusto mo, sa ‘yo na lang.”

Biglang nawala ang lungkot sa mukha ni Julian. “‘Yan, ‘yan ang hinahanap ko. Salamat, Isko. Maigagawa ka pa ba ng tatay mo nito?”

“Ako’ng bahala. Magaling namang umukit sa kahoy si tatay.”

Nang gabing iyon ay si Julian pa ang naghanda ng hapunan nilang maglola.

Sa eskuwelahan ni Julian kinabukasan ay narinig niya ang mga kaklase na nagkukuwentuhan tungkol sa mga bansang pangarap nilang puntahan. Saudi, Germany, Netherlands, at kung ano-ano pa. Habang tumatagal ay parang mas mahirap niyang matutuhan ang baybay ng mga pangalan ng mga bansa. Sa ibang bansa malimit na nagtatrabaho ang mga magulang ng kaniyang kaklase.

Sa isip ni Julian ay iba ang gusto niyang puntahan. Hindi pa niya binabanggit kay Lola Berang ang kahilingan ay parang nahulaan na nito ang gusto niya.

“Ha? Ano ka ba naman, Julian? Masakit ‘yung likod ko at tenga. Maingay doon.”

“Pero lola, nangako ka sa akin na sasamahan mo ako doon.”

“Magtuturo ka lang ng bibilhin. Wala pang padalang sahod sina Nanay at Tatay mo.”

“Lola, wala namang mabibili doon.”

“Kaya nga ayokong sumama sa ‘yo.”

“O, huli ka, Lola. Galing na ‘yan sa bibig ninyo. Ikaw ang may ibang gustong puntahan! ‘Yung M.”

“Sige na nga, sige na! Ikaw na ang masusunod. Baka magmaktol ka na naman diyan.”

Alam ninyo ang gustong puntahan ni Julian?

Ang palaruan sa bayan!

Nagkita-kita sila roon ng magkakalaro. Dahil malaki ang parke ay takbuhan at taguan sila kung saan-saan. Maya-maya ay unahan sa paglambitin sa swing, sa pagsuot sa bunganga ng pating, sa padulasang higanteng sapatos, sa bagong pintang berdeng siso!

Pinagpapawisan si Lola Berang habang nakaupong naggagantsilyo sa isang silyang bato.

Tuwang-tuwa naman si Julian. Nang makatapos maglaro, nagyaya itong kumain.

Sabi ni Lola Berang, “Doon tayo sa J.”

“Hindi, Lola. Doon tayo sa palengke. Doon tayo sa palabok ni Mang Narding. Hindi ba masarap ‘yung luto niya at ‘yung espesyal na putong may itlog na pula?”

Parang umangat ang dila ng tsinelas ni Lola Berang nang kaladkarin niya ito papuntang palengke.

Nang sumunod na mga araw ay inapoy ng lagnat si Julian. “Baka nabalian ng buto!” sabi ni Lola Berang.

“Kalilikot kasi, kung saan-saan umaakyat. O baka kaya ‘yung ininom na tubig sa tindahan ni Narding. Baka hindi nakaya ng tiyan.”

Magpipitong-taon na si Julian. Kagabi ay napanaginipan niya ang laruang unggoy na nawala. “Ang ikatlo at huling kahilingan, Julian, ay matutupad. Ngunit kailangang pag-isipan mong mabuti ang iyong hihilingin.”

“Ang unggoy ko!” Napaiyak si Julian. At mula nga kagabi ay hindi bumababa ang lagnat nito.

“Julian, apo! Anon a naman ba ang nangyayari sa iyo? Magpagaling ka. Magpalakas ka. Bertdey mo na sa Linggo.”

Naalala ni Julian ang mga nagdaang kaarawan – naroroon lagi ang mga kaibigan niya’t kalaro, maraming lobo na iba’t ibang kulay, masasarap na pagkain na niluto ni Lola Berang. Laging may padalang malalaking laruan ang nanay at tatay niya.

Hulaan ninyo kung ano ang ikatlong kahilingan ni Julian?

Parang walang dinamdam si Julian pagsapit ng kaarawan. Sa gulat ng lahat ay dumating ang nanay at tatay niya noong Linggo galing ng London. Hindi katulad ng ibang pag-uwi, ngayon ay hindi nila balak na umalis pang muli.

“Masyado nang mahaba ang pagkawaglit. Lumalaki si Julian at hindi na namin kilala,” sabi ng mag-asawa.

Iyon ang simula ng pinakamasayang kaarawan ni Julian. Nang buksan niya ang regalo ng mga magulang, anung laking sorpresa niya nang bumulaga ang isang laruang unggoy na kamukhang-kamukha ng nawala niyang laruan. Pinangalanan niya ito ng Goryo.

Pati si Lola Berang ay hindi napigilang maluha.

Ang Mahiyaing Manok

 

Ang Mahiyaing Manok 

ni Rebecca Añonuevo-Cuñada

Parang hindi napapagod
Ang mga manok ni Mang Oca.
Pag nagsimula ang isa,
Susunod ang iba
Sa pagtilaok halos oras-oras. 
Mula umaga hanggang tanghaling-tapat,
Hanggang hapon, hanggang hatinggabi —
Lahat sila’y nakadilat.
Lahat sila’y nagpupuyat.

“Taktalaooooooooook!”
“Taktalaooooooooook!”
“Taktalaooooooooook!”
“Taktalaooooooooook!”
“Taktalaooooooooook!”
“Taktalaooooooooook!”

“Ta-tak-tak-tok-tuk.”
Si Onyok, ang bunsong manok,
Ang bukod tanging nagmumukmok.
Namumula na naman ang tuka
Ay hindi pa rin makatilaok.

Minsan ang tuka niya ay biglang nangitim,
Nalublob sa putik sa loobang kulimlim:
Mula noon ay lalong hindi siya makatingin
Sa mga manok na salo-salo pa naman kung kumain.

Lagi siya sa isang sulok.
Inaantok.
Sumisinghot.
Namamaluktot.
Tuka’y tumitiklop
Pag nagtangkang tumilaok.

Ubo, ubo lang ang tunog
Na kaya niyang ibuga.
Akala tuloy ng iba,
Nakalulon siya ng itlog
Na kailangang iluwa,
At hindi siya ang manok 
Na sa itlog nagmula.

Akala naman ni Onyok,
Parati siyang pinagtatawanan
Ng mga kapwa-manok.
Kaya’t hindi matapos-tapos
Araw-gabi sa bakuran ang mga tilaok!

“Onyok,” sabi ng kalarong si Kokok,
“Mababait ang mga kapwa-manok.
Gusto ka lang nilang matutong sumunod.
Mag-ensayo ka sa pagtilaok,
Tuloy-tuloy, huwag matakot.
Para ano’t naging isa kang manok
Kung hindi ka rin lang titilaok
Nang ubos-lakas, lubos-lubos?”

“Mahal na kaibigang Kokok,
Bakit kasi isinilang pa ako?
Paano akong naging manok
Ay puro naman ungol?
Anong boses itong 
Wala namang maitulong?
Boses ba ang masahol pa
Sa may kalawang na palakol?”

Nakikinig sa tabi ang butihing ina.
Hinimas si Onyok, kinantahan, pinatawa.
Onyok, o Onyok ko, wala nang gaganda,
Sa boses mong dahil musmos ay nanginginig pa.”
Kumurrruk si Onyok at lalong napasinga!
Tumungo at sinubukang tumilaok mag-isa.

“Onyok, tumingin ka sa lahat ng manok.
Walang nakatungo kapag tumitilaok.
May palong at wala, puti man o pula,
Masayang nagigising, nanggigising na masaya,
Nakatingala sa langit, pinapagpag ang gilid,
Nagpupugay sa sarili at sa paligid.”

“Ta-ta-tak-talaooooooooook!”

Si Onyok! Si Onyok!
Ang mahiyaing manok,
Iniunat ang likod,
Ikinuskos ang paa, 
Itinaas ang leeg,
Inilatag ang pakpak,
At saka tumilaok
Nang matinis at sunud-sunod:

Ngayo’y hindi mapigilan
Ang batang si Onyok.
Minsan ang sabi sa ina at kay Kokok,
“Paglaki ko, ako naman ang magtuturo
Sa mga mahiyaing batang manok
Kung paano ang pagtilaok.”

“Una: Iunat ang likod…”

Alamat ng Lamok

ni Severino Reyes

Muling isinalaysay ni Christine S. Bellen

Noong unang panahon sagana sa lahat ng bagay ang bayan ng Tungaw. Mataba ang lupang taniman dito. Masasaya ang mga tao. Ngunit marumi sila sa kanilang kapaligiran. Madalas na naglulusak sa dumi ang mga bakuran. Nagkalat ang mga balat ng prutas kahit saan. Nanlilimahid ang mga bata sa daan.

Isang araw, nahintakutan ang lahat sa biglang pagkawala ng ilang mga tao.

Walang nakakaalam kung saan sila napupunta. Padalas nang padalas ang mga

nawawala kaya’t lumapit ang taong bayan sa kanilang makisig na hari upang

humingi ng tulong.

“Magbantay tayo sa bawat sulok ng ating bayan,” sabi ng hari.

Kahit ubuhin sila sa nakasusulasok na mga basura, araw at gabing nagbantay ang mga taong bayan at mga kawal. Hanggang sa makita nila ang paglitaw ng higanteng si Amok sa may paanan ng bundok. Kinuha nito ang isang magbubukid at agad na nilulon.

“Wala nang sasarap pa sa maruruming tao! Blurp,” dighay ng higante.

“Wala tayong laban sa higante,” panlulumo ng isang binatang nangungutib ang

kamiseta.

“Mabuti sigurong umalis na lamang tayo sa Tungaw,” mungkahi ng mga

matatandang kutuhin.

Iwanan kaya nila ang kanilang maruming bayan?

“Hindi natin maaaring iwan ang ating bayan. Dapat natin itong ipagtanggol,”

mahigpit na sabi ng hari.

“Nasasarapan ang higanteng Amok sa ating karumihan. Kailangan nating maglinis upang iwanan tayo ng higante,” utos ng hari.

Nagwalis ang kababaihan. Naligo ang mga bata. Naglaba ang kalalakihan. Saka

sila naghandang muli upang ipagtanggol ang kanilang bayan.

Nang muling lumusob ang higante, pinaulanan nila ito ng pana sa dibdib. Ngunit parang walang puso ang higante. Hindi ito nasasaktan. Nilulon ng higante ang ibang kawal at dinakip ng buhay ang ilang taumbayan.

“Wala sa dibdib ang puso ng higante kaya’t hindi siya mapatay,” paalala ng isang

matanda.

“Nasaan kaya?”, tanong ng hari.

“Walang sinumang nakakaalam”, sagot ng matanda.

Nag-isip nang paraan ang hari upang matuklasan kung paano mapapatay ang higante. Nang minsang mabusog ito, nagkunyaring nahimatay ang hari. Napasama siya sa mga dinakip ng buhay. Nang makarating sa kuweba, isang batang higante ang sumalubong kay higanteng Amok.

“Narito ang pagkain mo. Matuto kang magtipid. Marunong nang maglinis at magtago ang mga taong marurumi,” saka muling umalis ang higante.

Biglang bumangon ang hari at hinugot ang espada. Natakot ang batang higante.

“Hindi ko na po kayo kakainin, huwag ninyo akong patayin,” pagmamakaawa nito sa hari.

“Nasaan ang puso ng iyong ama?,” sigaw ng hari.

“Hindi mo dapat malaman!,” iyak ng batang higante.

“Kung gayon ay papatayin kita!,” matapang na sabi ng hari.

“Nasa ilong ang puso ng aking ama kaya’t nasasarapan siya sa inyong kabahuan at karumihan,” nangangatog na sagot ng batang higante.

Itinali ng hari ang batang higante at pinakawalan ang mga taong nakakulong sa kuweba.

Hinanap ng makisig na hari ang higanteng Amok. Naabutan niya ito sa bayan.

Umakyat sa puno ang hari at tinaga sa ilong ang higante. Namilipit ito sa sakit. Pinagtulungan nilang itali kasama ng batang higante. Sinunog ng taong bayan

ang mag-amang higante sa gitna ng tambak nilang basura.

“Hindi n’yo kami mapapatay. Hangga’t marumi ang inyong paligid, babalik kami at sisipsipin ang inyong mga dugo!,” sigaw ng higanteng Amok bago siya matupok ng apoy.

Itinapon ng taumbayan ang mga abo ng mag-amang higante sa maruming ilog.

Tumahimik na muli sa bayan ng Tungaw. Ngunit nagulat ang lahat sapagkat mula sa maruming ilog ay may maliliit na insektong lumulusob sa bayan tuwing gabi. Naninipsip sila ng dugo ng mga tao.

Naalala ng mga matatanda ang sabi ng higanteng Amok bago masunog kasama ng anak. Nilinis ng mga taga- Tungaw ang kanilang maruming ilog. Dumalang ang maliliit na insektong naninipsip ng dugo. Kinalaunan, tinawag ng mga taumbayan ang mga insektong, Lamok.

Isa sa sampung aklat ng mga muling pagsasalaysay ng Mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino Reyes. Inilathala ng Anvil Publishing Inc. noong 2004 at iginuhit ni Ruben de Jesus ang mga larawan sa aklat. Ginawaran ng Special Citation Award sa National Book Awards noong 2004.