Panawagan para sa Kontribusyon | BIO (LENTE): Mga Katha ng Dahas at Danas Sa Banwa

Rolando B. Tolentino, German Villanueva Gervacio at Januar Yap

Iimbestigahan ng antolohiyang ito ng maikling kwento at personal na sanaysay o creative non-fiction ang mga porma ng danas at trauma ng dahas na direkta at indirektang kinimkin at isisiwalat ng manunulat batay sa kanyang panlipunang relasyon sa mga kasalukuyang kaganapan sa banwa o bansa.

“Ang sakit ng kalingkingan, ramdan ng buong katawan,” ika nga ng matandang kasabihan. Ang banwa ay isang lawas, isang katawan. Ang hambalos sa isang dako ay lumalatay sa buong bansa.

Ambisyon manapa ng BIO(LENTE) na sipatin o lentehan ang bisyon ng manunulat sa samu’t saring isyung nagpapalabo,nagpapabalaho, nagpapaalagwa sa kasalukuyan at kinabukasan ng banwa.

Sa panahon ng fake news at post-truth, paano kakathain ang mga lawas na itinitimbuwang ng ninja cops sa ngalan ng War on Drugs ng tila buang na pinuno? Nakasubo na ba ang kaning may Malaysian at Vietnamese na bukbok? Nabundol rin ba ng TRAIN Law o naipit sa martial law? Nakinguyngoy rin ba sa mga biktima ng Lumad killings, Sagay 9, NutriAsia, landslides sa Naga at Itogon o mismong napulbos ng Ground Zero ng Marawi, o binagyo ng Yolanda o Sendong?

Na-trigger ba ng PPP, Pede DeDeralismo o Marcos revisionaismo, kasabay ng pangwawasak sa trolling, cyberbullying at illegal mining? O sadyang na-badtrip ng pinaghihingalong MRT, jeepney phaseout at shabu cover up o ni Roque, Panelo, Gadon, Bertis, Mocha, Sasot o mga stem-celled pulitikong gusto na namang sa halalan ay makalusot—halimbawa, sina Enrile at Imelda—subalit wala namang mapagsumbungan kundi ang Facebook at Twitter—ito na ang espasyo para sa iyo.

Ipadala ang iyong akda sa bio.lente.banwa@gmail.com.

Ang manuskrito ay kinakailangang:

–orihinal at hindi pa nalalathala sa anumang paraan;
–naka-attach bilang wordfile at may 2,500-3,750 na salita o 10-15 pahina double space;
–nakasulat sa Filipino o Ingles o anumang rehiyonal na wika na may salin sa Filipino o Ingles.

Tatangkain ng antolohiya na may representasyon ng manunulat at katha mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ineenganyong magsubmite ang mga manunulat mula sa rehiyon.

Pagpipilian ng mga editor ang ipinasang manuskrito at pagpapasyahan kung maisasama sa manuskritong ipapasa sa isang press.

Pebrero 28, 2019 and dedlayn ng pagsusumite ng manuskrito.

Call for submissions to a collection of essays about Kidapawan City

Kidapawan, capital and only city of the province of North Cotabato, lies at the foot of Mt Apo. It is known as a stopover town for mountain hikers, and is renowned for its fruits and hot springs. But with a highly educated and ethnically diverse population, there is much more to Kidapawan than fruits and highland springs. It is a city of many untold stories, a city where people live a life, fall in love, and leave never to return. And it is a city at the threshold of change, caught between its rural, agrarian past and the bustling urban future creeping in. 

Residents of the city past and present are invited to contribute to a collection of personal essays about anything Kidapawan. Works about life during a particular period in the city’s history, about family origins, or about the lives of great Kidapawanons, are especially welcomed. 

There are no specifications in length, but works should preferably be in English. 

Send in your drafts to lefthandedsnake@yahoo.com with a brief bio note on or before February 18, 2016. Drafts may be submitted earlier to the editor for edits and revisions. 

The collection’s editor is Karlo Antonio Galay David, fourth generation Kidapawanon and award winning writer. Interested contributors may also email him to discuss possible topics for essays. 

 

Photo from: http://lifestyle.inquirer.net/121993/cotabato-celebrates-culture-and-nature