Palihang Kataga: Seminar sa Pagtuturo ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat

Ngayong Buwan ng Sining, handog ng Kataga-Manila, isang sangay ng Kataga, ang Palihang Kataga: Seminar sa Pagtuturo ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat na gaganapin sa bulwagan ng Cinematheque Centre Manila, Pebrero 24-25, 2017 (8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.).

Ang mga inaasahang kalahok sa unang araw (Pebrero 24) ay mga guro ng Panitikan, Ingles, Filipino, at/o Malikhaing Pagsulat sa antas elementarya, high school, senior high school, at kolehiyo. Mga estudyante naman sa senior high school, kolehiyo, maging mga propesyunal na wala sa propesyon ng pagtuturo ang maaaring lumahok sa ikalawang araw (Pebrero 25).