Imbitasyon sa Talasalitaan: Pagsubaybay sa Baybayin: Ang Pilipinulat sa Kontemporaryong Panahon

Itinataguyod ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman sa pakikipagtulungan ng UP Kolehiyo ng Sining Biswal, at DZUP ang regular na talakayang Talasalitaan na may pamagat na “Pagsubaybay sa Baybayin: Ang Pilipinulat sa Kontemporaryong Panahon.” Gaganapin ang talasalitaan sa Oktubre 25, 2017 (Miyerkoles) sa ganap na 9:00 nu – 11:00 nu sa Awditoryum ng Kolehiyo ng Sining Biswal, UP Diliman, Lungsod […]


Imbitasyon para sa Saysay ng Kasaysayan: Ang Makabayang Edukasyon Tungo sa Pagwasto ng Kasaysayan

Malugod na iniimbitahan ang mga guro at mag-aaral na dumalo sa talakayang “Saysay ng Kasaysayan: Ang Makabayang Edukasyon Tungo sa Pagwasto ng Kasaysayan.” Tampok ang mga guro’t mananaliksik ng kasaysayan, pangunahing layunin ng talakayan na suriin ang nangyayaring pagbaliko sa kasaysayan ng Pilipinas at kung sa paanong paraan ito nawawasto gamit ang lente ng makabayang […]


Paanyaya sa Talasalitaan: Ang Wikang Filipino sa Pagsulong ng Karapatan ng Kababaihan

Itinataguyod ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman sa pakikipagtulungan ng UP Diliman Gender Office, University Center for Women and Gender Studies, Gabriela Women’s Partylist,  UP Portia Sorority ng Kolehiyo ng Batas, at DZUP ang regular na talakayang Talasalitaan na may pamagat na “Ang Wikang Filipino sa Pagsulong ng Karapatan ng Kababaihan” sa Marso 31, 2017 (Biyernes) sa ganap na 9:00 nu-11:00 nu sa Malcolm Theater, Kolehiyo ng Batas, UP Diliman. Ang programang ito’y pakikiisa ng UP SWF-Diliman sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan ngayong Marso 2017.