UP Rep itatanghal ang DAMAS DE NOCHE: Isang Musikal


damas.jpg

Tungkol sa apat na kababaihang nakatihaya sa banig ng pagtangis at pangungulila, sa gitna ng mga siglo ng pananakop sa bansa. Ang kwento nila ay sumasalamin sa kwento ng buhay ng ating inang-bayang Pilipinas – kung paano ito nagahasa ng mga mananakop at mga dayuhan. 

Ang dula ay tumatalakay sa kalagayan ng mga kababaihan sa isang lipunang tinatakal ang kanyang halaga sa pamamagitan ng kanyang katawan at kung paano rin lalaya sa tanikalang ito. 

Sa muling pagsasaliw ng mga awitin at sayaw sa mga kwento ng iba’t ibang kalagayan ng kababaihan sa panahon ng pagpapalit ng mga siglo, muling sinasalamin ng DAMAS DE NOCHE ang nananatiling karahasan at opresyon sa mga kababaihan maski sa kasalukuyang panahon. Ito ay isang dula ng paglaban sa opresyong ito, isang musikal na produksyong sumasalamin sa kasiyahan at kalungkutan ng pagiging Filipina sa panahon ng mga Kastila’t mga Amerikano.

dula ni Joi Barrios
liriko ni Joey Baquiran
musika ng UP Underground Music Community

Bumili na ng tickets: http://bit.ly/DamasDeNocheTix


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *