Ngayong darating na araw ng mga puso, meron ka bang gustong sabihin? Pwes, idaan mo sa zine! Inihahandog ng UP Ugnayan ng Manunulat ang isang kompetisyon ng mga tulang pag-ibig. Isumite lamang ang inyong gawang akda bilang private message dito sa Facebook page ng UP Ugat http://www.facebook.com/upugnayanngmanunulat bago o sa Pebrero 10. 

Ang pinakamagandang akda ay may pagkakataong makasama sa literary section ng Philippine Collegian at mabasa ng buong komunidad ng UP Diliman, kasama na rito ang crush mo! Kaya sali na! 

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang kay Notnot Fortaleza (0916.277.673) UP UGAT