Nang masilip ko ang Diaspora At Iba Pang Kwento ni Genoveva Edroza-Matute, muli akong nangarap.

Noong Mayo 2015, nakatanggap ako ng mahigit 50 entries ng mga dagli para sa isang munting pakontes kasabay ng paglunsad ng aking unang libro. Patunay lamang na naroon, pumipintig ang puso ng mga bagong sibol na manunulat. At tulad kong patuloy na nangangarap. Muli kong inaanyayahan ang lahat para sa samu’t saring kwento ng mga migrante, pakikipagsapalaran ng OFWs, silang mga diaspora. Ito ay para sa isang antolohiya na balak buuin ngayong taon. Hagilapin natin sila. Muli at muli silang magbabalik. Hindi upang tutuldukan ang kani-kanilang mga kwento kundi ipagpapatuloy ang kanilang mga pangarap.

Sa mga nais magpadala ng kanilang akda, maghanda ng 2-3 dagli. Ilagay sa Subject: Sanlibo’t isang dagli na maisisilid sa balikbayan box, nasa Word file, double space, arial 10 at i-send sa [email protected] hanggang Setyembre 2015.

Photo credit: Reuel Molina Aguila