Sa July 24, 2015 ganap na 1:00 hanggang ika-5:00 ng hapon, sa Bulwagang Balagtas, Ninoy Aquino Learning and Resources Center, PUP, Ang Biyaheng Panulat (Caravan Para sa Panulat na Naghahanap sa Bayan), isa sa mga itinuturing na pinakamalalaking proyekto ng taon sa larangan ng literatura ay gagarahe.

Magkakaroon ng talakayan hinggil sa mga isyu at paksang bihira o hindi tinatalakay sa mga kumbensiyunal/pormal na forum sa literatura. Magre-report din ang mga writer ng Biyaheng Panulat tungkol sa mga nagawa’t natutuhan nila sa pagiikot sa iba’t-ibang unibersidad.

Ang mga writer na kalahok sa panel ay sina Jun Cruz Reyes, Rick Lee, Eros Atalia, Manix Abrera, Dong Abay, Lualhati Bautista, Mayette Bayuga, Bonifacio Ilagan, Jerry Gracio, Norman Wilwayco, German Gervacio at may espesyal na partisipasyon naman si Bob Ong, si Lourd de Veyra ang magho-host ng event.

Iniimbitahan ang mga interesadong tao na dumalo, libre ito at bukas para sa lahat.