Inaanyayahan ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies (UST CCWLS) ang lahat na dumalo sa TABAS NG DILA, ang ikatlong kabanata ng UST Authors Series. Dito ilulunsad ang tatlong bagong aklat ng mga Resident Fellow ng UST CCWLS, ang TITSER PANGKALAWAKAN (Visprint, Inc.) ni Joselito D. Delos Reyes, ISANG GABI SA QUEZON AVENUE AT IBA PANG KUWENTO (UP Press) ni Mar Anthony Simon dela Cruz, at KUMPISAL: MGA KUWENTO (UST Publishing House) ni Chuckberry J. Pascual.

Gaganapin ito sa TARC Auditorium, Thomas Aquinas Research Complex, University of Santo Tomas sa ika-5 ng Setyembre, Sabado, 3:00-5:00 ng hapon.

Imbitado ang lahat sa paglulunsad na ito.