Tumatanggap na ng kalahok ang Kataga-Manila para sa ikalawang taon ng proyektong Campus Tagaan. Ang Campus Tagaan ay isang libreng literary clinic na sinimulan ng Kataga- Manila noong 2014 at naglalayong tumulong sa mga kabataang estudyante na interesado sa paglinang ng kanilang kakayahan sa malikhaing pagsulat. Tatakbo ang programa mula Oktubre ngayong taon hanggang Marso 2016 (tuwing ikatlong Linggo ng buwan) Ito ay ekslusibo lamang para sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo sa Maynila.

Ang sinumang interesadong kalahok ay mangyaring magpadala ng kanilang bionote, isang pahinang poetika at sample ng akda (Maaaring isang kwento, limang tula, isang sanaysay, dalawang dagli o kombinasyon) sa email: [email protected] Tatanggap lamang ng aplikasyon hanggang Oktubre 15, 2015. 

Lahat ng katanungan ay maaaring ipadala sa nasabing email at sa direktor ng programa na si Isaac Ali V. Tapar sa 09173450603. Taralets!