Wika at Kasarian: Mulang Katuturan Tungong Kamulatan” sa Marso 4 na


2016_mar_-_talasalitaan_-_wikasarian_01.jpg

Itinataguyod ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman sa pakikipagtulungan ng UP Diliman Gender Office at University Center for Women and Gender Studies ang regular na talakayang Talasalitaan na may pamagat na “Wika at Kasarian: Mulang Katuturan Tungong Kamulatan” sa Marso 4, 2016 (Biyernes) 10:00 nu-12:00 nt sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman, Lungsod Quezon. Ang programang ito’y pakikiisa ng UP SWF-Diliman sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan ngayong Marso 2016.

Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng SWF na nagtatampok ng iba’t ibang paksa na may kaugnayan sa wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina upang higit pang maisulong ang Palisi sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas. Bukas ang paanyayang ito sa lahat ng mga guro at mag-aaral. Libre ang rehistrasyon. 

Maaaring makipag-ugnayan kay Gng. Gemma Dalmacion para sa iba pang impormasyon at mga katanungan. Maaari ring tumawag sa 9244747 o  981-8500 lokal 4583, o mag-email sa  swf@upd.edu.ph. Maaari ring bisitahin ang aming facebook page sa https://www.facebook.com/UPsentrowikangfilipino para sa iba pang anunsyo at aktibidad ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *