ni Lawrence Velasco

Linggo ng umaga,
Araw ng pagsamba’t pamamahinga,
Ngunit sa pagmulat ng aking mga mata,
Ako’y nagtaka.
Iba ang kulay ng dingding,
Iba ang amoy ng aking kama.
Amoy rosas.
Salawal ko pa’y nawawala.
Ako’y nahihilo,
Kaybigat ng aking ulo.
Hang-over nga ito.
Nais ko nang sumuka.
Ngunit bakit ganoon?
Iba ang pakiramdam ko ngayon,
Para bang ako’y nilinlang,
Pagkatao ko’y niyurakan,
Pagkalalaki ko’y nabawasan.

Kahit hirap ay pinilit kong tumayo,
Nagdamit,
Naghilamos,
At ako’y namunawan; Napagtantong ako’y wala sa aking tahanan.
Sa kalapit na banyo’y may kaluskos at tinig na naulinig.
Kaba’y naramdaman kaya’t agad na lumisan,
Habang nagmumuni-muni,
Sa’king bulsa’y nakapa ang walong libo,
Na lalong dumagdag sa aking pagkalito.
Nilalamon na ako ng mga katanungan,
Mga katanungang nais kong mabigyan ng kasagutan,
Kaya’t aking binalikan ang nakaraan…
Kagabi, ako ay may malaking problema.
Sa barkada’y lumapit upang manghiram ng pera,
Ngunit ang kanilang tanging naialok ay ang serbesang dala-dala,
Agad akong sumama sa pagnanais na takasan ang binabata.
O anong saya!
Bawat shot ay hindi alintana.
Unti-unting lumalim ang gabi,
Unti-unting nagdilim ang aking paningin,
Unti-unting kumalat ang kamandag ng alak,
Nang biglang sa akin ay may kumalabit.

Ang kaniyang mga mata’y nakasisilaw,
Ang kaniyang mga labi ay nang-aakit,
Sa kaniyang ibinulong, ako’y napapikit,
Ako’y kaniya raw dadalhin sa langit,
Bahagyang malabo ngunit ako’y sigurado,
Aking pinaunlakan ang alok ng demonyo,
Pinainit ng apoy ng pagnanasa ang malamig na gabi,
Kalungkutan ay napawi ng naiibang kaligayahan,
Kaligayahang nagmulat sa akin sa mapait na katotohanan,
Nais ko nang sumuka,
Hindi dahil sa nahihilo ako,
Hindi dahil sa nakainom ako,
Hindi dahil sa hangover na dulot ng alak,
Kundi dahil sa kahindik-hindik na pagkakamaling nagawa ko,
Nawala ang pagkahilo,
Nawala ang pagkalito.
Bawat segundo ay aking naalala.

Ang langit na itinuring ay nagmistulang impiyerno,
Ang labis na kaligayahan ay napalitan ng pagkamuhi’t pagsisisi,
Malinis kong dignidad, nasugatan sa espadahan,
At sa aking daan patungong ospital,
Upang bisitahin ang inang may karamdaman,
Cellphone sa bulsa’y bigla namang tumunog.
Isang mensahe ang dumating,
Marahil ay kay Ateng nanggaling:

“hi papa, kmsta k n? Nag-enjoy k b kagabi? Nkbayad k n b sa ospital? Nxt tym ulit ha?”

Sa aking nabasa’y napatulala,
Mapakakanta ka na lang bigla ng

“Chicsilog, babaeng may itlog, Nilinlang, niloko, alam ko na ang sikreto mo!”

Kinalabit ako ni koyang,
Para akong sinampal ng makapal na katotohananna na sumagot sa aking mga katanungan,
Sagot na sana’y di ko nalaman.